FIRST READ ON PEP: Cesca Litton slips up, admits Jericho Rosales is her boyfriend

When asked by reporters for her reaction on Andi Eigenmann's admission that she has a crush on Jericho Rosales, Cesca Litton said, "Hello naman, marami naman talagang, ahm... Sarili kong mga kaibigan, inaasar ako na crush nila ang boyfriend ko na...ay, ano...aay!"


Kasabihan nang nahuhuli lagi ang isda sa bibig nito.

Tila ganito ang nangyari sa E-Live! at SNN (Showbiz News Ngayon) host na si Cesca Litton kagabi, August 3, sa Edsa Shangri-La Plaza Hotel, kunsaan ipinakilala siya bilang isa sa pitong female celebrity challengers / endorsers ng shampoo brand na Pantene.

Nadulas kasi si Cesca sa pagkumpirma na boyfriend na nga niya ang matagal na ring nali-link sa kanyang si Jericho Rosales.

HOW SHE SLIPPED. Matatandaang usap-usapang may relasyon nga sina Cesca at Echo (palayaw ni Jericho), pero wala namang direktang pag-amin na naririnig mula sa dalawa. Sa huling panayam nga kay Echo ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi lang nitong, "Everyone knows I'm with her" nang makita silang magkasama sa isang awards night at hindi na nag-elaborate pa tungkol sa kanila. (CLICK HERE to read related story)

Kagabi, sa harap ng mga nag-i-interview sa kanyang reporters, kabilang na ang PEP, nadulas na nga si Cesca at napaamin. Binomba kasi siya ng mga tanong at paghingi ng reaksiyon sa sinabi ng isa pang Pantene endorser na si Andi Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umamin kasi si Andi na matagal na niyang crush si Jericho. Para namang magkahalong tuwa at pagkalito, narinig mula kay Cesca ang mga salitang, "Hello naman, marami naman talagang, ahm... Sarili kong mga kaibigan, inaasar ako na crush nila ang boyfriend ko na... Ay, ano...aay!"

Napatakip na lang ng bibig sa pagkabigla si Cesca. Sa sarili kasi niyang bibig nanggaling na boyfriend nga niya ang crush ni Andi.

"Lovely evening! Anong nangyari? Sino?" nasabi na lang ni Cesca matapos ang pagkakadulas niya.

Wala nang choice si Cesca kundi sagutin na lang ang mga sumunod na tanong sa kanya.

NO HIDING, NO DENYING. Bakit nga ba kailangan pa nilang i-deny at itago ang tungkol sa kanilang dalawa ni Echo?

"Hindi naman itinatago. Hello, nakikita n'yo naman kaming magkasama," sagot ni Cesca. "I think, it's really, we're just trying to keep things private. I think both of us are trying to make a certain part of our lives private. So, di ba? Once again, there's no lying involved. There's no hiding, there's no denying. It's really just to protect things only."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw nila pinag-usapan ni Echo na maging tahimik tungkol sa kanilang relationship. "I guess we just both prefer it that way."

Pero sa tingin ba niya ay nakatulong ang di nila pagkumpirma kung may relasyon sila ni Echo sa pagpapanatiling private ng kanilang relasyon?

"In a way, I guess," sagot ng TV host. "Because hindi maiiwasan ang mga speculations. Hindi maiiwasan na mag-a-assume ang mga tao, siyempre. Posibleng gagawa ng mga theories, yung mga gano'n. Pero at the end of the day, whatever goes on, once again, I've said it once, I'll say it again, as long as I'm living a life that's pleasing to God, nothing else should matter. Because I know that, once you put God first, everything else will follow."

Ang pananalig na rin daw niya sa Diyos ang dahilan kung bakit hindi na lang niya iniintindi ang mga intrigang dumating sa kanya mula nang maugnay ang pangalan niya kay Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong magagawa sa mga intriga, e. Once again, we [siya at si Echo] focus on God. Kasi kung di dahil sa Kanya nakalagay ang focus ko, mababaliw ako," sabi pa ni Cesca tungkol sa paglalagay muna sa Panginoon sa lahat ng nangyayari sa kanya.

Dating courtside reporter sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) basketball tournaments si Cesca, bago naging MTV VJ at co-host ng Philippine's Scariest Challenges ng TV5 noong 2008. Last year lang siya talaga nababad nang husto sa show business nang kunin siyang field reporter para sa SNN. Kaya aminado rin si Cesca na hindi pa rin siya sanay sa intriga.

"I don't think I will ever get used to it. I don't know. We'll see. Bago pa lang naman ako," ani Cesca. "Basta God first in everything."

AND ECHO'S REACTION? Ano kaya sa palagay niya ang masasabi ni Echo sa ginawa niyang surprise admission?

"What surprise admission? Saan? Sino? Anong nangyari?" biro uli ni Cesca. "Wala lang... I think he admitted na rin naman before. Whatever you guys asked him, hindi siya nagsisinungaling, hello! I mean, this came out a long time ago, so I don't think this should come as a surprise to anyone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero first time naman kasi na sa kanya mismo nanggaling ang admission dahil sa pagkakadulas niya.

"Oo nga, e," tanggap na lang ni Cesca. "Pero iba kasi pag lalaki ang nagsasalita. As much as possible, ayoko kasi talagang sa akin manggagaling. Because babae pa rin ako."

Kailan nga ba sila nagsimula officially?

"Ask him. It's been out for a while. I think you should ask him. Because, once again, I'm the girl," tapos ni Cesca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN