PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE Liezl Sicangco cries foul: "Pinagmukha nila akong money-hungry."

Liezl: "Walang problema kay Robin sa pera. Hindi siya madamot... He is a good provider. Pero wala akong tatlong bahay dito na worth 100M!"
by Anna Pingol
Published Aug 18, 2010
"Ayoko na sanang sumagot...gusto ko nang manahimik. Kaya lang, kung anu-ano pa ang sinasabi ng mga tagapagsalita ni Robin. E, wala naman silang alam sa naging buhay namin... Kung anu-ano na ang 'binibintang sa akin ngayon," says Liezl Sicangco (in photo, with son Ali) about her decision to speak once again.

Matapos magpa-interview ni Liezl Sicangco sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 11, na nailathala dito ng Agosto 12, ay gusto na raw sana niyang manahimik.

Sa interview, inilabas ng asawa ni Robin Padilla at ina ng apat nitong anak ang kagustuhan niyang maibalik sa kanyang poder ang kanilang bunso. Ito ay ang sampung taong gulang na si Ali, ang nag-iisang lalaki nila ni Robin. (CLICK HERE to read related story.) Katwiran ni Liezl ay tama na sa kaniyang nailabas niya ang kanyang mga hinaing.

Liban dito, natuwa raw siya nang mapanood si Robin sa TV, na nagpahayag ng official statement, at nagsabing handa nitong kausapin, hindi lang si Ali kundi ang iba pa nilang mga anak, para bumalik na sa ina sa Australia, kung saan nakabase si Liezl.

Subalit noong Agosto 15, dito rin sa PEP, nasundan ang statement ni Robin ng mga pahayag ng isang taong kampi sa aktor. Hindi ito nagpa-pangalan ngunit nagsalita ito tungkol sa mga "milyon" na naibigay na diumano ni Robin kay Liezl noong nagsasama pa sila at patuloy daw na ibinibigay ngayon ng aktor. Ang pakahulugan ng nagsalita ay walang pagkukulang si Robin sa babaeng nakasama nito nang 20 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mabasa ni Liezl ang mga pahayag na ito, muli raw siyang nakaramdam ng himutok.

Sa nasabing PEP article—kung saan inihayag din ang official statement ni Robin bilang sagot sa paghahabol ni Liezl kay Ali—ay iniisa-isa ng maka-Robin na source ang mga naibigay diumano ni Robin kay Liezl. Kabilang daw dito ang isang lote sa Pampanga na nagkakahalaga ng P2 million at tatlong bahay sa Australia na may combined worth daw ng 100 milion. (Hindi nilinaw kung ito ay sa Philippine peso, U.S. o Australian dollars.)

Ayon kay Liezl, napilitan siyang muling maglabas ng panig niya dahil marami raw sinabi ang naturang source na "mali" at "hindi totoo."

Ang lalo pang nagbuyo raw kay Liezl para muling harapin ang panayam ng PEP ay ang tila paglalarawan sa kanya na siya'y "mukhang pera."

"Ayoko na sanang sumagot...gusto ko nang manahimik. Kaya lang, kung anu-ano pa ang sinasabi ng mga tagapagsalita ni Robin. E, wala naman silang alam sa naging buhay namin... Kung anu-ano na ang 'binibintang sa akin ngayon," panimulang himutok ni Liezl sa telephone interview from Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang lumalabas pa na money-hungry ako," patuloy niya. "Na kaya ako nagsasalita ay dahil sa naghahabol ako sa pera ni Robin! At parang ang lumalabas, ang dami-dami na niyang naibigay sa akin, ayaw ko pang tumigil...

"Alam n'yo po, maski na noong nagsasama pa kami, hindi ko alam kung magkano ang kinikita niya dahil hindi ko pinakikialaman.

"May nakakarating pa sa akin na kaya daw ako nagsalita kasi nalaman ko na P25 million a month daw ang kikitain ni Robin sa [Pilipinas] Win na Win.

"Mananahimik ako at hindi na kikibo kung totoo mga sinasabi nila. E, hindi, e! Saka ako lang naman ang magtatanggol sa sarili ko. Wala nang iba. Sila, ang dami nila d'yan. Hindi ko sila kaya."

3 HOUSES WORTH 100 MILLION? Punto por punto, nilinaw ni Liezl ang sa pananaw niya'y mga "kasinungalingan" ng tagapagtanggol ni Robin.

"Meron daw akong tatlong bahay na worth 100? Ang yaman-yaman ko pala?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Okay, para malinaw, ganito yan: Nag-buy-and-sell kasi ako dito sa Queensland [Australia]. Bibili kami ng bahay, titirhan namin for mga two years, tapos ibenenta. May tubo nang kaunti.

"Year 2000, first we bought the Crestwood Heights for 250,000 Australian Dollars (AUD). I remember, may share din ako diyan.

"Later, [we] sold it for 330,000 (AUD). Actually, hindi pa nabebenta 'yon, nabili na namin 'yong sa Surfer's Waters naman. So, noong nabenta 'yong Crestwood, nakuha ko lahat ng dowry money ko.

"'Yong Surfer's Waters, nabili namin 'yong land for 220,000 (AUD), nag-share ako ng 100,000 (AUD) from my dowry money. Then, 'yong house, 480,000 (AUD).

"Noong two years old na 'yong bahay, pina-renovate namin. Actually, 'yong renovations kasama ko si Robin na gumagawa sa bahay. Nandito siya [sa Australia] for almost one year, kung di ako nagkakamali. Robin spent 50,000 (AUD) sa renovations. So, in all, inabot ng 750,000 (AUD). Itong Surfer's Waters ang na-feature dati sa YES! [Magazine, May 2005 Issue]. (CLICK HERE to see photos of the house.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Robin naman, nakabili ng isa pa, 'yong Surfer's Paradise naman. Nasa name niya 'yon. Nabili niya 'yon for 578,000 (AUD). Nag-share din ako ng 178,000 (AUD), and ang kay Robin, 400,000 (AUD).

"Later on, nabenta naman namin 'yong Surfer's Waters ng one million (AUD). Tapos, doon sa napagbentahan noon, bumili ako ng condo worth AUD 550,000 dito sa South Port, na sa akin nakapangalan. At isang car—RAV 4 worth AUD 42,000—kasi, s'yempre, kailangan ko nang pang-hatid-sundo sa mga bata sa school. Up to now, dito ako nakatira sa bahay na ito.

"Tapos, 'yan 'yong mga panahong di nakakapagpadala si Robin. Kasi wala daw siyang masyadong work noon, so, 'yon ang pinaikot kong pang-gastos sa mga bata.

"'Yong Surfer's Paradise naman, pinapa-rentahan namin 'yon dati, pero ayaw na ni Robin kasi nasisira lang ng nagre-rent.

"So, ang usapan namin, ibebenta na lang. May kausap na akong agent. At ang usapan namin ni Robin, ipapadala niya sa akin ang authorization letter niya, para nga maibenta ko. Kaso nagalit yata sa akin, so up to now, di pa napapadala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag naman nabenta 'yon, ang usapan namin ay hahatiin 'yong pera sa mga bata. Pero sabi ng agent, baka around 430,000 (AUD) [ang benta] because of the global recession."

Ang nasabing real estate property na Surfer's Paradise ay dapat sana'y ililipat daw sa pangalan ng apat nilang anak, alinsunod na rin sa pinirmahang "pronouncement of divorce or Talaq" papers ni Robin, dated May 10, 2009.

Subalit hanggang ngayon ay hindi pa raw nalilipat ang ownership sa mga bata. Tuloy, napag-desisyunan daw nila noon pa na ito'y ibenta na lang.

LIEZL OWNS ONE HOUSE. Pagsusuma ni Liezl: "So, malinaw po na ang talagang nakapangalan lang sa akin ay isang bahay lang at hindi tatlo! At lahat naman ng binili namin, may share ako.

"At dapat lang naman sigurong may bahay kami dito, dahil any time na gustong umuwi ng mga anak niya dito, may mauuwian. Isa pa, si Zhen, nandito."

DOWRY PUT TO GOOD USE. Tinanong namin si Liezl tungkol sa dowry, na ayon sa kaugaliang Muslim ay paghahandog ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae ng kaukulang salapi o regalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa website na www.muttaqun.com, ay ganito ang nasasaad sa "The Noble Quoran" tungkol dito.

"And give to the women (whom you marry) their Mahr (obligatory bridal money given by the husband to his wife at the time of marriage) with a good heart, but if they, of their own good pleasure, remit any part of it to you, take it, and enjoy it without fear of any harm (as Allâh has made it lawful)."

Dagdag na paliwanag naman ni Liezl na nananatiling Muslim sa kabila ng paghihiwalay nila ni Robin: "Ang Dowry ay galing din sa asawang lalake. 'Yon ay ipinag-uutos sa QURAN. So, of course, bigay din 'yon ni Robin. Muslim si Robin, then nag-Muslim na rin ako. Pinag-ipunan ni Robin 'yon at unti-unti niyang 'binigay sa akin."

Ang mahalaga roon, ayon kay Liezl, ay hindi niya nilulustay ang nasabing dowry sa mga bagay na walang kinalaman sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Karapatan po namin na suportahan kami ni Robin dahil pamilya niya kami. Hindi ko sinasabing iresponsable si Robin. Walang problema kay Robin sa pera. Hindi siya madamot.

"Ang ayoko lang, 'yong pinalalabas ng kung sino-sinong nagsasalita para sa kanya diyan, na money-hungry ako."

"WALANG 100 MILLION." Diretsong tanong ni Liezl sa kampo ni Robin: "Nagsasalita sila, di naman nila alam... Paano naging tatlo ang bahay? Saka ano 'yong 100 million? Wala po akong tatlong bahay na worth 100 million! So, 'yong mga nagsasabi na ganoon, sorry, tigilan niyo na po.

"Alam n'yo, sa sampung taon na nandito ako sa Australia, lahat nakatago sa akin—resibo, bank account... Kung ang 'pinapalabas nila, mukha akong pera, willing ako ipakita kung ano'ng mga ebidensya...na hindi naman ako parang nagpapasasa sa pera ni Robin dito.

"Ni wala nga akong katulong dito. Ilang taon, apat-apat ang inaalagaan ko, ako lang at ang nanay ko. Wala namang problema doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALI IS THE ONLY ISSUE. Matapos magbigay ni Robin ng official statement ay papunta na raw sana sa pag-aayos ang lahat. Hindi raw mawari ni Liezl kung bakit biglang lumabas ang usapin tungkol sa pera. Tila raw binibilangan siya.

"Actually, okay na dapat, e. Nakarating na sa akin na inaayos na ng abogado niya na ibabalik sa akin si Ali. Happy na ako. Si Ali lang naman talaga ang habol ko, e. Tapos, bigla, may ganito na pinalalabas nila na mukha akong pera?

"Ang pangit, e. Kung saan-saan na napunta, e, si Ali ang isyu namin dito."

ZHEN'S ALLOWANCE CONTINUES. Samantala, hindi ikinakaila ni Liezl na tuloy-tuloy pa rin ang sustento ni Robin sa anak nilang si Zhen, at totoo raw na 2,500 (AUD) ito.

Pag-aamin pa ni Liezl, "Dati, noong nagsasama pa kami, 3,000 (AUD) a month ang pinapadala niya. May time naman, 5,000 (AUD).

"Ang summary lang nito is, wala akong masasabi kay Robin kung di he is a good provider. Pero wala akong tatlong bahay dito na worth 100M."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2M PROPERTY NOT A GIFT. Gusto rin daw linawin ni Liezl ang tungkol sa regalo o "binigay" ni Robin na lote sa kanya sa Pampanga na nagkakahalagang P2M.

"Ganito naman ang story niyan: "Nabanggit ko kay Robin na may gusto akong bilin na lote sa Angeles City sa Pampanga. Sabi ko, palitan niya 'yong 30,000 (AUD) ko.

"Para magawa 'yon, sabi ko, 'wag na muna niyang ipadala 'yong allowance [ni Zhen-Zhen] for six months—July, August, September, October, November, and December...Ang total noon, 15,000 (AUD). Plus, another 15,000 (AUD) for tuition. Para pag umuwi ako diyan, iyong peso ang ibabayad ko." [Sa current exchange rate, ang one Australian dollar ay nagkakahalaga ng P40.71 Philippine peso.]

Inasikaso raw nila ni Robin ito ngayong taon lang. "So, noong nandiyan ako noong last week of June, inisyuhan niya ako ng check worth P1.2M. Bale, palitan ang nangyari.

"'Yong lote is worth P1.740M. Hindi regalo 'yon. Kaso, ang lumalabas, talagang bigay. Para namang ako pa rin ang First Wife ang dating!" natatawa pang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIEZL'S NEW HUSBAND. Hindi rin daw maintindihan ni Liezl ang himutok ng PEP source patungkol sa muli niyang pag-aasawa matapos nilang maghiwalay ni Robin noong 2007.

Nasabi ng source mula sa kampo ni Robin sa August 15 PEP article: "Ano pa ba ang hahabulin niya kay Robin? Siya ang unang nagpakasal sa isang New Zealander noong September 19, 2009. Kung magmahal man si Robin ngayon, nauna naman siya."

Tinukoy ito ni Liezl, "May sinabi pa 'yong tao niya na ako naman daw ang unang nag-asawa ng iba."

At ang balik niya ay, "Choice kong mag-asawa at maging tahimik ang buhay. Mali ba 'yon?"

Pagdating muli sa isyu ng mga bata at pag-aaaral nila, sinabi ni Liezl, "Itong ginagawa ko ngayon, this is for my children, especially for Ali. Gusto ko sana, kung ako masusunod, mag-aral sila."

Dagdag niya tungkol sa kampo ni Robin, "Di na nga ako nagsalita tungkol sa mga naging problema namin, kaya sana manahimik na lang din sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRAISING ROBIN. Nais muling linawin ni Liezl sa PEP na wala siyang sinabing iresponsableng tatay si Robin. Ang sinabi niya ay wala raw lang oras ngayon ang aktor para sa mga anak. Kaya nga raw hinihiling niya na ibalik na ang bunsong si Ali.

"Hndi naman siya iresponsabeng ama... Alam kong sinusundo niya si Ali sa school dati, alam kong 'pinapasyal niya pag may time siya. Alam ko 'yon dahil si Ali mismo ang nagkukuwento. Mahal na mahal naman ni Robin ang mga anak niya.

"Kaya lang, aminin natin, busy siya ngayon. Kaya ibalik na lang niya si Ali, gaya ng sabi niya sa TV.

"Never ko din pong sinabi na sa mobile home na niya pinapatira si Ali... 'Yon yata kasi ang sinasabi sa TV? Ang nasabi ko, ang alam ko, anim na araw na doon natulog ang anak ko. Ayoko sana nang ganoon ang buhay ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Ali lang ang isyu dito, hindi pera. Ako, tanggap ko na na sina Quennie at Kylie, diyan na talaga. Nag-decide na sila kasi nga nag-aartista na. Malalaki na sila, e. E, si Ali, kailangan pa ng guidance."

(CLICK HERE to see photos of the Padilla family in Australia.)

MARIEL RODRIGUEZ. Paulit-ulit sa panayam, gustong sagutin ni Liezl ang mga nakakarating sa kanyang pasaring tungkol sa diumano'y insecurity niya sa bagong napupusuan ni Robin na si Mariel Rodriguez, isang aktres at TV host.

"Parang pinalalabas nila na sinabayan ko pa ang isyu nila Robin at Mariel... Sa totoo lang, noon ko pa gustong magsalita," pahabol ni Liezel. "Kasi matagal ko nang gustong mabawi si Ali. Siya [Robin] itong ayaw niya akong kausapin. Ini-ignore niya ang tawag ko.

"Minsan lang niya akong kinausap, ang sabi pa niya, si Ali daw ang kausapin ko... si Ali naman daw ang ayaw pumasok sa school, si Ali daw ang gustong magpunta sa Win Na Win.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko [kay Robin], 'Ikaw ang dapat masunod at hindi 'yong bata... Ikaw ang magsabi na hindi dapat mag-absent, di ba?'

"Alam ko bata, enjoy 'yan sa ganyan. Pero siya [Robin] ang dapat mag-guide. Alam kong mahal na mahal niya si Ali, pero gaya nang nasabi ko na, ayoko na makasanayan niya [Ali] ang ganyang buhay.

"Kagabi lang [Agosto 15], kausap ko si Ali, naglilipat na naman yata sila ng bahay, sa isang condo daw... Pabago-bago pa rin ang isip niya. Pag nakausap ako, gusto na niya bumalik dito. Pag nakausap na naman niya Papa, 'Ma, next year na lang.'"

ON GOOD TERMS NOW. Ayon kay Liezl maayos sila ni Ali sa kasalukuyan: "Okay naman kami ngayon. Di na siya galit sa akin. Kasi last time, nagalit, di ba? Bakit daw ako nagpa-interview?

"Binalita lang niya na tatanggalin na daw 'yong tahi niya, kasi di ba nga naoperahan [sa appendix]? Sabi pa nga niya, ouch daw, pero konti lang daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang pagtatapos, hiniling ni Liezel na sana'y matapos na ang lahat ng gusot.

"Ako, si Ali lang talaga...if ever na ibabalik na siya sa akin, happy na ako. I hope and pray na sana matapos na ang lahat ng ito. PEACE."

Samantala, sinubukan ng PEP na makunan ng pahayag ang kampo ni Robin Padilla. Subalit kasalukuyang nasa India ang aktor para sa Ramadan. Bukas ang PEP para sa anumang nais sabihin ng action star.

Read Next
Read More Stories About
Liezl Sicangco, Robin Padilla
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayoko na sanang sumagot...gusto ko nang manahimik. Kaya lang, kung anu-ano pa ang sinasabi ng mga tagapagsalita ni Robin. E, wala naman silang alam sa naging buhay namin... Kung anu-ano na ang 'binibintang sa akin ngayon," says Liezl Sicangco (in photo, with son Ali) about her decision to speak once again.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results