Liezl Sicangco on the reported wedding of Robin Padilla to Mariel Rodriguez: "Sana forever na sila..."

Liezl Sicangco is excited to see her son Ali Padilla. In her interview with StarTalk, she says, "I-enrol ko siya, 'tapos ipapasyal ko kasi two weeks [pa bago mag-umpisa ang school]."


Ikinagulat ni Liezl Sicangco ang balitang pagpapakasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez in Ibaloi rites noong September 13.

"Hindi ko napanood. May nagsabi lang sa akin. Ang alam ko kasi, ikinasal na sila, e. According sa mga anak ko, kasal na sila before pa," ang pahayag ni Liezl sa phone patch sa kanya ng StarTalk kahapon, September 18.

Balitang nauna nang ikasal sina Robin at Mariel with a pastor officiating the wedding rites. Kung totoo man, papayagan ba ito sa ilalim ng pananampalataya nilang Islam?

"Puwede iyon," ayon kay Liezl. "Puwede iyon 'pag ang babae Christian [ay] puwede iyon. Valid ang kasal, parang yung sa amin ni Robin... yung kasal namin, sa Muslim rites and civil rites."

Sa Lunes, September 20, ay nakatakdang bumalik sa Australia ang bunsong anak nila ni Robin na si Ali.

Masayang-masaya si Liezl sa narinig. Aniya, "Happy ako kasi sinasabi niya na uuwi na siya dito. Excited na daw siyang makita ako. I-enrol ko siya, 'tapos ipapasyal ko, kasi two weeks [pa bago mag-umpisa ang school]. Wala pang ginagawa."

Bukod sa manager ni Robin, kasama ni Ali na bibiyahe ang abugado ng action star.

Alam ito ni Liezl sibalit hindi siya sigurado tungkol sa pakay ng abugado."Iyon siguro ang pag-uusapan namin, iyong divorce settlement namin ni Robin," ang sabi ng ina ng apat na anak ng Kapamilya star.

Dagdag pa ni Liezl, "Okay lang sa akin... Okay lang sa akin kung ayaw niyang makipag-usap. Okay lang sa akin, walang problema. Hindi na siguro... hindi na ako nag-e-expect na mag-usap.

"Kaya hindi pa ako makakapag-apply for citizenship kasi, hindi pa naaayos yung divorce papers namin."

Hindi na nga inaasahan ni Liezl na magkaroon ng dayalogo pa with Robin. Pero willing ba siya na makipag-usap kay Mariel?

Sagot niya: "May nag-text sa akin, ilang beses iyon. Binigay pa nga yung number ni Mariel, parang gusto niyang tawagan ko si Mariel. Palagay ko, si Robin iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot ba niya ang mga text messages?

"Sinagot ko naman, sabi ko, kung gusto niya... willing akong makipag-usap sa kanya, kung gusto niyang makipag-usap sa akin. Pero... dapat siya ang tumawag sa akin, 'di ba? Kasi wala naman akong dapat na sabihin sa kanya, e.

"So hindi ko na in-expect yung mag-uusap kaming tatlo. Kasi ang kausap ko e yung lawyer niya. Okay na yun sa akin, kasi alam mo, kasi masyadong masakit yung mga sinabi nila sa akin, e."

Ang tinutukoy niya ay ang isang artikulong lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung saan, ang pakiramdam ni Liezl ay pinalabas na mukha raw siyang pera. (CLICK HERE to read related article.)

Dugtong niya, "Hanggang ngayon, yung kampo ni Robin, hindi pa rin nagso-sorry sa akin. So bakit ako makikipag-usap sa kanila? Pinagmukha nila akong... mukha daw akong pera. Pinakita ko naman mga evidence na hindi ganun, di ba? So ako pa ang makikipag-usap? Hindi. Dapat sila, mag-apologize sila kung ano ang ginawa nila."

Sa isyu nila ni Robin, ano ang stand ng asawa niyang si Craig Murphy?

"Si Craig naman kasi, simpleng tao lang yun, e. Ayaw nga niyang nagpapa-interbyu ako. Kaya lang, sinasabi ko na lang sa kanya, kailangan kong magpa-interbyu.

"Ayaw niyang nagpapa-interbyu ako, kasi ayaw niya 'pag may sinasabing hindi maganda tungkol sa akin. Kasi pag naaapektuhan ako, ganu'n din siya. Nasasaktan siya kaya gusto niya na tahimik na lang."

Sa balitang kasalan, ano naman ang mensaheng gusto niyang ipaabot kina Robin at Mariel?

"Congratulations! Ha! Ha! Ha! Sana magka-baby na kayo para sa akin na talaga si Ali. Iyon lang, masaya ako para sa kanila. Sana forever na sila para 'di ba, masaya tayo."

May payo ba si Liezl sa bagong misis ni Robin?

"Seloso si Robin, huwag kang titingin [sa iba] kahit kapatid pa niya, pinsan niya, ay naku, huwag! Dapat sa kanya ka lang nakatingin. Dapat naiintindihan niya yung asawa niya. Dapat 'wag na siyang tumingin sa iba. Ganun, ganun lang yun..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganoon rin ang payo niya kay Robin?

"Oo 'wag ding tumingin. Kasi yung kay Robin naman, hindi lang naman tumitingin, 'di ba? Huwag ng ano, ipagpalit, 'di ba? Siya na lang. Dapat forever na silang dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN