PEP SPECIAL REPORT (Part 1) : Willing Willie faces toughest test with Jan-Jan controversy

The uproar created by Willing Willie’s March 12 episode continues to escalate as the weeks go by. In the span of two weeks since the controversy erupted, TV5’s primetime variety-game show has lost some of its biggest sponsors like Mang Inasal, P&G, and Cebuana Lhuillier.


Halos mag-iisang buwan na—matapos maganap ang kontrobersiyal na episode ng Willing Willie—hindi pa rin humuhupa ang usapin. Sa katunayan, lalo pa itong umiinit sa pagdaan ng mga araw.

Kaya minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na i-review ang masalimuot na kontrobersiya upang makita ang "big picture" at ang maaaring patutunguhan nito.

Ang nasabing episode noong March 12 ay kinasasangkutan ng isang anim na taong gulang na contestant, si John David Suan—o mas nakilala sa kanyang palayaw na Jan-Jan.

Sa larong "Wiltime Bigtime," ipinakita ni Jan-Jan ang kanyang talento sa pagsasayaw. Ito’y tinagurian mismo ng main host ng programa na si Willie Revillame na isang uri ng "sexy dance." (CLICK HERE to read related article.)

GOING VIRAL. Kung titingnan ang naging takbo ng mga pangyayari matapos umere ang pagsayaw ni Jan-Jan, hindi agad ito nakapukaw ng atensiyon, maliban sa mga taong nakapanood ng Willing Willie noong araw na ’yon.

Subalit mabilis na kumalat ang video clip sa YouTube—ang popular na video sharing website—na kuha sa March 12 episode ng Willing Willie.

Sa paglabas ng video sa Internet, marami ang nakapanood ng segment kung saan naroon si Jan-Jan, at sa isang iglap ay nagkaroon ito ng malawakang ingay mula sa mga manonood.

Kasabay nito ang pagbato ng batikos laban kay Willie Revillame bilang main host ng programa.

Pakiramdam ng marami ay nagkaroon ng paglabag sa karapatan ng batang contestant sa dahilang paulit-ulit na pinasayaw ni Willie dito ang "sexy" dance number na ipinamalas nito sa pagsisimula ng "Wiltime Bigtime" segment.

Hindi rin daw nakatulong ang mga binitawang salita ni Willie na may kaugnayan sa istilo ng pagsasayaw ni Jan-Jan.

"Ganyan na ho ang hirap ng buhay ng tao. Jan-Jan, siyempre nagsasayaw siya bilang macho dancer sa edad niyang ’yan, para sa kanyang mahal na pamilya!" bulalas ni Willie sa mikropono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PUBLIC UPROAR. "Child abuse" ang ibinabatong paratang laban kay Willie at sa kanyang programa sanhi ng pangyayari.

Maging ang ilang artista at celebrities ay nagpahayag ng kanilang hindi pagsang-ayon sa kanilang napanood.

Kasama sa mga showbiz personalities na nagsalita laban sa programa ay sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Jim Paredes, Kat de Castro, Bianca Gonzales, Mylene Dizon, at Monique Wilson.

Nanawagan ang mga ito sa publiko na i-boycott ang Willing Willie, at sa mga advertisers naman, na huminto na sa pagbibigay ng suporta sa programa sa pamamagitan ng pag pull-out ng kanilang mga ad placements.

At kung noong umpisa ay pawang mga indibidwal o casual viewers lamang ang nagpahayag ng kanilang opinyon sa napanood na video, hindi nagtagal ay nagkomento na rin ang ilang government at nongovernment organizations tungkol sa isyu.

Unang nagsalita ang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Dinky Soliman.

Upang maiparating ang saloobin ng DSWD sa pamunuan ng TV5 ay nagpadala si Soliman ng liham sa mismong chairman ng istasyon na si Manuel "Manny" Pangilinan.

"The Department of Social Welfare and Development (DSWD) condemns the emotional abuse and humiliation bestowed on a six-year-old child contestant, during the March 12, 2011 episode of the Willing Willie show aired on TV5.



"The sequence shows the boy gyrating in a distasteful manner with the audience, including the host (Willie Revillame), manifesting no evidence of concern or alarm for the child. This incident is clearly a violation of Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act and a blatant manifestation of child abuse. The term "child abuse" includes the following acts: "psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment," and "any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of the child as a human being.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Putting pressure on children to do acts such as mimicking adult sexy dances, in exchange for a certain amount of money, and at the expense of being laughed at and ridiculed by hundreds of people, clearly traumatizes the child. This is a clear form of child abuse and will not be tolerated by the Department of Social Welfare and Development."

Magkasunod naman na umalma ang Commission on Human Rights (CHR), United Nation Children’s Fund (UNICEF) at Council for the Welfare of Children (CWC).

"The multiple pressures exerted on Jan Jan by the TV program’s host, audience and his parents to perform a humiliating act in exchange for P10,000 constitute child abuse," pahayag ng CHR sa kanilang sariling statement.

Nagmungkahi naman ng isang congressional investigation si Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera-Dy kaugnay pa rin sa nangyari. (CLICK HERE to read related article.)

"This will not be a fault-finding inquiry. We will ask [Social Welfare] Secretary Dinky Soliman, [Commission on Human Rights] Chairperson Etta Rosales and Willie Revillame to help us find legislative solutions that would avert similar incidents from happening again," pahayag ni Rep. Herrera-Dy.

MTRCB’S ACTIONS. Noong nagsisimula pa lamang na uminit ang isyu ay tumanggi muna ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na magbigay ng pahayag.

Pag-aaralan daw muna ng ahensiya ang naganap sa partikular na episode bago gumawa ng hakbang laban sa programa at sa host nito.

At matapos nga ang naunang imbestigasyon ng MTRCB ay inilabas nito noong April 4 ang mga reporma na gagawin ng TV5 para maiwasang magkaroon ng parehong insidente sa hinaharap.

Mismong si TV5 Executive Vice President at COO Bobby Barreiro ang naglahad ng mga kaukulang hakbangin na ipatutupad ng programa at ng istasyon:

"Imposed stricter guideline on the appearance and performance of minors, particularly, children on all TV5 programs;

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Required that all auditions of TV5 programs be supervised by representatives designated by the TV5 Ombudsman;


"Appointed and internal Ombudsman to entertain complaints regarding offensive programs;


"Imposed a moratorium on contests and game shows involving minors;


"Created a Standards Advisory Board to be composed, among others, of a psychologist, a creative director, and children’s communications expert;


"Engaged the services of a team of psychologists to attend to Jan-Jan’s needs."


Idinagdag naman ni MTRCB Chairperson Llamanzares na dapat ay magbigay rin ang pamunuan ng TV5 ng kanilang sariling aksiyon o "punitive sanctions" laban sa programa at kay Willie dahil sa nangyari. (CLICK HERE to read related article.)

WILLIE’S DEFENSE. Sa gitna ng buong kontrobersiya ay humarap naman sa isang press conference ang Business Unit Head ng TV5 na si Jay Montelibano at ang abogado ni Willie na si Atty. Leonardo de Vera. (CLICK HERE to read related article.)

Naganap ang press conference sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong April 2.

Hindi nakadalo si Willie Revillame sa presscon sa dahilang tumaas diumano ang blood pressure nito matapos makipagpulong sa TV5 management kaugnay pa rin sa isyung kinakaharap.

Katuwiran si Atty. de Vera—walang naganap na paglabag sa karapatan ni Jan-Jan; kusang loob ang ipinamalas ng batang contestant na istilo ng pagsasayaw.

Patutunayan daw ito ng mga magkakahiwalay na affidavits na isinumite ng malalapit na kamag-anak ni Jan-Jan. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa mga sinumpaang salaysay ng mga magulang (Joe at Diana Suan), tiyo (Argie Estrada), at tiya (Jocelyn Santiago) ng batang kalahok, walang kinalaman ang Willing Willie sa ipinakita ni Jan-Jan at matagal na niyang ginagawa ang gano’ng pagsasayaw sa eskuwelahan at sa pribadong pagdiriwang. (CLICK HERE to read related article.)

"That dance per se, by itself, is just a dance. Walang sexual suggestion, nothing indecent, or he, trying to striptease–walang ganun! It was just a continuous flow of movement on the part of the child," pagtatanggol ni Atty. de Vera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang ang kumakalat sa Internet ngayon [is] child abuse. Now, when you have the secretary of the Department Social Welfare herself, making a statement of complaint, of course it will create some attention."

Humingi naman ng paumanhin si Jay Montelibano sa mga tao at grupo na hindi nagustuhan ang kanilang nakita sa partikular na episode ng Willing Willie.

Sinigurado rin ng TV5 Business Unit Head na may mga hakbang na ipatutupad ang programa para maiwasang maulit ang parehong insidente sa hinaharap.

CLICK HERE for Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN