Aifha Medina laughs off rumor linking her to Derek Ramsay; clarifies "breakup" with Ervic Vijandre

"Hindi ko nga siya [Derek] kilala sa personal, e! Hindi ko pa rin siya nakikita sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung isyu," says Aifha Medina (left) about Derek Ramsay (right), who is being linked to her.


Kung nagulat si Derek Ramsay sa kumalat na balitang nakita sila ng dating SexBomb dancer na si Aifha Medina na magkasama sa Tondo, natawa na lang si Aifah nang tinanong ito sa kanya.

Nakausap ng Startalk si Aifha sa isang party kamakalawa ng gabi at napilitan itong sagutin ang intrigang kinasangkutan nila ni Derek. (CLICK HERE to read related story.)

"Hindi ko nga siya [Derek] kilala sa personal, e!" mabilis na sagot ni Aifha.

"Hindi ko pa rin siya nakikita sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung isyu."

Dagdag na kuwento ni Aifha, may bahay raw ang magulang niya sa Tondo, pero hindi na raw siya doon nakatira.

Kapag dumadalaw daw siya doon, never naman daw niyang nakita ang aktor doon.

"Baka kamukha ko lang yung nakita nila!" natatawa niyang pahayag.

"Sobrang malabo talaga na magkita kami ni Derek na lumabas kami. Kaya yung isyu na yun, kung saan man lupalop nanggaling, hindi ko alam kung paano niya nasabi yun. Hindi naman talaga totoo."

Nahihiya si Aifha sa isyung ito dahil naiintriga pa naman daw ang relasyon ngayon ni Derek at ng kasintahan nitong si Angelica Panganiban.

Nahihiya rin si Aifha sa kanyang non-showbiz boyfriend na mabuti na lang at naintindihan daw nito ang mga ganung intriga sa showbiz.

Hindi naman daw nila pinag-usapan ng kanyang boyfriend ang ganung intriga dahil talagang malayo raw sa katotohanan.

ERVIC VIJANDRE. Kamakailan din ay naintriga si Aifha sa dating castaway ng Survivor Philippines Celebrity Showdown na si Ervic Vijandre pagkatapos silang nakitang magkasamang pumunta ng Hong Kong. (CLICK HERE to read related story.)

"Exclusively dating" pa lang naman daw sila noon at marami naman daw silang kasama nung umalis sila papuntang Hong Kong.

Pero pagkatapos nilang mag-Hong Kong, saka lumabas ang isyung nag-break na raw sila. Pero tahimik lang si Aifha sa isyung yun dahil hindi naman daw kailangang palakihin pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "Klaruhin ko lang yung breakup na sinasabi nila. Hindi ko kasi siya matatawag na breakup dahil hindi naman kami dumating sa stage na boyfriend and girlfriend.

"Parang hindi naman kami umamin na kami, so bakit kailangan sabihin na nag-break kami? Ang masasabi ko is parang exclusively dating, papunta na dun dun sa stage na yun. Kaya lang, hindi kami nagdya- jive pareho.

"Kung ano man yung gusto niya sa gusto ko, hindi kami nagkakasundo. So, mas pinili na itigil na lang, na siguro may ibang tao na mas makakaintindi sa gusto ko, may ibang tao rin na mas makakaintindi sa gusto niya."

Kaya raw siya nanahimik dahil hindi naman daw kailangang palakihin pa ang isyu.

"Hindi, kasi para sa akin, pag about isyu ng lalaki, ayoko na lang magsalita. Parang ang pangit kasi ng publicity.

"Pero yung handler ko kasi, sinasabihan niya na ako na kailangan ko nang magsalita dahil habang tumatagal, pumapangit na yung pangalan ko. So, sige, okey lang magpapainterbyu ako. Ayoko na kasing palakihin yung isyu dahil wala namang mangyayari," pahayag ni Aifha.

Sa tingin daw niya ay matatapos na ang isyu pagkatapos niyang sagutin ang tungkol sa kanila ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN