KC Concepcion learns important life lesson through failure

Actress-host KC Concepcion says that the poor showing last year of her "reunion movie" with dad Gabby Concepcion made her realize she’s not perfect.


Tatlong buwan matapos ang kanyang Africa experience para sa United Nations World Food Programme (UNWFP), hindi pa alam ni KC Concepcion kung muli siyang ipapadala sa ibang bansa para muling magsagawa ng field mission. (CLICK HERE to read related article.)

Sinabi naman noon ni KC na ang pangunahing prayoridad niya bilang National Ambassador Against Hunger ay ang sariling bansa, kaya inaasahang minsanan lang ang mga out-of-the-country activities niya para sa UNWFP.

Sa ngayon ay abala muna si KC sa pagpu-promote ng www.wefeedback.org—isang social media initiative ng WFP na naglalayong mapalaganap ang kaalaman sa kagutuman sa iba’t ibang parte ng mundo.

"It’s parang one way of showing lang how your food, kung ano pa yung katumbas ng kinain po ninyo, translates into how many children it could feed," paliwanag ni KC sa press conference na ginanap kamakailan sa 9501 restaurant ng ABS-CBN sa Quezon City. (CLICK HERE to read related article.)

"So, ire-record po ninyo dun kung how much of it can actually feed kids.

"But if you want to take one step ahead, you can donate the same exact amount."

WAKE-UP CALL. Tatlong taon matapos opisyal na pumasok sa show business, aminado si KC na patuloy pa rin siyang nag-a-adjust sa industriyang nagbigay ng pangalan sa kanyang mga magulang.

Marami ring daw mga bagay na natututunan ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at former matinee idol Gabby Concepcion tungkol sa kanyang sarili dahil sa show business.

Naging very open si KC at sinabing ikinalungkot niya ang naging performance sa takilya ng pelikulang ginawa niya noong isang taon kasama ang kanyang ama—ang pelikulang I’ll Be There.

Malaki ang expectation sa I’ll Be There, dahil ito ang unang proyektong pinagsamahan ng mag-ama pagkaraang mapalayo sila sa isa’t isa ng mahabang panahon.

Ito rin siyempre ang naging main selling point ng pelikula during its promotional run. Inasahan ng prodyuser nito, ang Star Cinema, na makakapukaw ng sapat na interes mula sa publiko ang pagsasama sa pinilakang tabing nina KC at Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, I felt bad," pag-amin ni KC nang tanungin kung ano ang naging reaksiyon niya sa hindi mainit na pagtanggap ng mga manonood sa pelikula.

"I really felt bad because it’s something you wouldn’t like to happen with someone special to you, kasi you were celebrating the relationship.

"But I’m thankful kasi it made me a more comfortable actress," dagdag ng actress-host.

Ano kaya sa tingin niya ang naging pagkukulang ng pelikula?

"Siguro there is mystery of what our relationship is really like, and maybe people wanted to keep it that way."

Bukas pa ba siya sa posibilidad na makipagtrabaho muli, kasama ang magulang, matapos ng I’ll Be There?

"Maybe, after that po I wouldn’t like to do a movie with anyone I’m in a relationship with," seryosong sagot ni KC.

"Siyempre po nakaka-trauma din po yun.

"Pero those are the things that break the ice—hindi ka pala perfect!

"Parang at the end of the day, you really have to do what you have to do."

PROUD OF PAST SHOW. Bagamat anim na buwan nang wala sa ere ang Simply KC, namimiss pa rin daw ng actress-host ang kanyang dating morning show sa ABS-CBN.

Labis raw na na-enjoy ni KC ang pagiging host ng programa dahil marami siyang natututunan sa araw-araw na pakikipagusap at pagharap sa iba’t ibang tao.

"That really molded me, yung view mo dito sa mga tao sa showbiz, yung mga kuwento nila, and I think mas nakilala po ako.

"When you go abroad po, minsan mas naa-appreciate nila pati po yung I’ll Be There, wala na po silang ibang pinaguusapan kung hindi yung I’ll Be There and Simply KC."

Hindi naman daw manhid si KC pagdating sa mga puna at kritisismo, pero natuto na rin daw siyang huwag magpadaig sa mga naririnig o nababasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip ay susundin daw niya kung ano ang sinasabi ng kanyang puso.

"My pains can help me push my career," makahulugang pahayag ni KC.

"I remember ten years ago when I was invited to do commercials. The first two or three years, I remember thinking one time, ’Am I going to live my life a commercial model?’

"For me, I was looking for something else.

"Sabi ko, parang ayaw ko naman mamatay remembered as a commercial model.

"People will always have something to say, pero at least may pinaninindigan ka."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN