Gerald Anderson says no reconcilation happened between him and Kim Chiu in the U.S.

"Basta sa ngayon, wala akong binabalikan. Masaya ako, masaya ako sa sitwasyon ko. I decided to be single muna para makapag-focus sa trabaho ko," says Gerald Anderson.


Pinabulaanan ni Gerald Anderson ang lumabas na balitang binabalikan niya ang ex-girlfriend na si Kim Chui matapos nilang magsama sa Star Magic concert tour sa U.S. noong nakaraang buwan.

"Walang balikang nangyari, wala talaga," diin ng young actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng ASAP Rocks noong Linggo, May 1.

"Sa ngayon, friends talaga kami ni Kim, masaya kami na ganun lang.

"Pareho kaming single, ine-enjoy lang namin yung freedom. Yung quietness, yung privacy."

Sa hiwalay na panayam ay inamin ni Kim Chui na nag-dinner sila ni Gerald bilang bahagi ng birthday celebration ng young actress noong nasa U.S. sila.

Ngunit gaya ni Gerald, sinabi rin nitong single siya ngayon at iyon ay sa kagustuhan niya. (CLICK HERE to read related story.)

Ikinuwento naman ni Gerald sa PEP na ang dinner nilang yun ni Kim ay para pag-usapan kung paano mas higit na magwo-work ang friendship nila ngayon.

"Wala ako sa birthday niya mismo, nauna sila sa New York, tapos sumunod na lang ako. Saka ko siya inaya sa isang private dinner.

"Sa friendship namin, ako, ginagawa ko ang lahat, same thing with Kim, para ma-maintain namin yung pagkakaibigan.

"Yun yung dinner namin," paliwanag ni Gerald.

Dagdag niya, "Tapos na kami sa ganyan, ayaw na naming balikan.

"Honestly, hindi na namin napag-usapan ang tungkol diyan," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang reconciliation.

Bukod sa walang balikan, wala rin daw sumbatang nangyari, na siyang kadalasang nangyayari pag nagkausap nang masisinsinan ang dating magkarelasyon.

May kasabihang nalalaman mo raw ang worth ng isang tao kapag nawala na ito sa buhay mo. Hindi kaya na-realize ni Gerald ang worth ni Kim sa kanyang buhay kung kaya’t lumabas ang balitang binabalikan niya ang dating kasintahan?

"Well, kasi, hindi naman kasi siya nawala. Magkasama pa rin kami lagi dito sa ASAP, nagkikita pa rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba na siyempre ang sitwasyon. Pero kung sa mahalaga, mahalaga sa akin si Kim at hindi naman nagbago yun.

"Kung special feelings naman ang pag-uusapan, hindi naman nawala yun.

"Sabi ko nga, nandito lang ako palagi para sa kanya kahit na ano pa ang mangyari.

"Basta sa ngayon, wala akong binabalikan. Masaya ako, masaya ako sa sitwasyon ko.

"I decided to be single muna para makapag-focus sa trabaho ko," saad ng binata.

Ano naman ang reaksiyon niya sa balitang balak daw ligawan ni Jolo Revilla si Kim?

"Hindi ako si Kim, siya lang ang makakasagot niyan.

"Hindi rin naman ako si Jolo kaya labas ako diyan.

"Isa pa, single naman si Kim.

"Saka tulad ng sinasabi ko, masaya ako kung saan siya masaya," sagot ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN