PEP EXCLUSIVE: Angelica Jones to file three more charges against Illac Diaz; wants public apology from him

"And nung tinanong naman ako ng media, nang nag-file ako ng grave oral defamation against Illac, I was just being honest [to] admit na...exclusively dating [kami] before, before na naging board member ako. But I never, never na sinabi ko na naging boyfriend ko siya. Hindi ko siya naging boyfriend!" says Angelica Jones about Illac Diaz.


Isang araw matapos magpadala ng mensahe ni Illac Diaz on the latest about him and now ex-girlfriend Julia Clarete, at sa patuloy nilang feud ni Angelica Jones-Alarva over funds disbursement and other issues, nakausap din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 12, in a rare chance encounter, ang kontrobersiyal na actress-comedienne at Laguna Board Member who is spending the weekend in Boracay.

Angelica told PEP she was in Boracay attending the first NMYL (National Movement of Young Legislators) Congress, bilang kinatawan at pangulo ng Region IV-A na sumasakop sa lalawigan ng Laguna.

At around 4 p.m., while taking a brief respite from her schedule, natiyempuhan ng PEP ang actress-politician as she and four other companions (all local government officials) were about to take a jetski and banana boat ride around the island.

Angelica and her companions are billeted at the Blue Waters Hotel until tomorrow, May 14.

Nag-request ang PEP na ma-interview na rin ang actress-politician and she obliged, after that night’s session, sa nearby Willy’s Beach Club Hotel na walking distance from the hotel we were staying in.

Aware si Angelica na ang tungkol sa away nila ni Illac ang aming pag-uusapan. (CLICK HERE to read related story.)

Wala nang paliguy-ligoy, agad sumang-ayon si Angelica upon proper introduction, and said: "A, oo, nag-first hearing na nga kami, last week...yung demanda ko sa kanya."

REPEATED ISSUE. Batid na ng publiko ang tungkol sa naging sigalot between Angelica and Illac, at ang PEP interview ay bilang pag-a-update naman ng mga pinakahuling kaganapan. (CLICK HERE to read related story.)

Sinagot ni Angelica ang tungkol sa mga paratang ni Illac na patuloy raw na ginagamit ni Angelica ang so-called "love triangle" issue sa kanilang tatlo ng dating girlfriend ni Illac na si Julia Clarete, at ang pagpa-file nito ng oral defamation charges laban sa kanya, para iligaw ang atensiyon ng publiko sa totoong issue ng non-disbursement of funds for which she was liable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang reklamo ni Illac kay Angelica ay may kinalaman diumano sa naipatayong bottle school sa isang barangay sa San Pablo City, Laguna, bilang proyekto ng MyShelter Foundation.

Dito ay naging project partner ni Illac, bilang foundation owner, si Angelica na may katungkulan sa pamahalaang panlalawigan.

"Ganito ’yon," bungad ni Angelica sa PEP. "Nag-file ako ng grave oral defamation kasi nga, minura niya ako, binastos niya ako in public, sa lahat ng mga kababayan ko, sa Barangay Malamig, San Pablo.

"Hindi rin tama ’yon na murahin ako, bastusin. E, may meeting kami [that time].

"Alam natin na ang Board member, sobrang busy. Pero hindi siya nakapaghintay. Nagwala siya.

"Dayuhan lang siya, ako board member. Alam mo yun? Binastos niya ako!

"And nung tinanong naman ako ng media, nang nag-file ako ng grave oral defamation against Illac, I was just being honest [to] admit na...exclusively dating [kami] before, before na naging board member ako.

"But I never, never na sinabi ko na naging boyfriend ko siya. Hindi ko siya naging boyfriend!

"Sinabi ko na hindi galing sa akin yung isyung ’yon, kay Giselle Sanchez ’yon.

"Giselle is my best friend, pero wala akong pinapasulat.

"Naging biktima ako ng mga write-up, na isa ’yon sa mga ikinagalit ni Illac. Na hindi dapat nagalit si Illac.

"So, I’m very sad kasi...na parang nasira yung friendship namin ni Illac, nasira yung bottle school project because of the write-ups, because of the quotes, yung mga fabricated [issues]...

"And gusto kong i-clear na never ko siyang naging boyfriend," paglilinaw ni Angelica.

LOVELESS. "Right now, I’m so single... Almost four years I’m single and I’m very happy sa pagiging board member ko sa Laguna.

"Wala, wala... loveless ako. Loveless!" diin pa ni Angelica to disprove Illac’s claims.

"At saka kung magmamahal ako, hindi siya [Illac]," sabi rin ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong magmahal sa isang tulad niya.

"Hindi naman importante ang physical... Yung sobrang talino nga...

"Ang importante is may respeto ka sa isang babae.

"Kahit hindi na ako tingnan [na] isang board member, tingnan ako bilang isang tao, isang babae.

"Kailangan, kausapin mo nang maayos."

FUNDS DISBURSEMENT ISSUE. Masalimuot ang usapin hinggil sa proyektong bottle school ng MyShelter Foundation ni Illac, sa pakikipag-ugnayan kay Angelica bilang board member ng Laguna.

May mga detalyeng binanggit si Angelica bilang sagot sa mga paratang ni Illac sa kanya hinggil sa hindi tamang disbursement of funds, at hindi pagbibigay sa kanya ng kopya ng mga dokumento na sanhi ng reklamo ni Illac.

"Unang-una, may tatlong kaso pa akong isasampa sa kanya," sabi ni Angelica.

Hinggil sa non-disbursement of funds and presentation of proofs para matiyak na walang naging anomalya sa transaction, Angelica said, "Bakit namin ipi-present sa kanya? Unang-una, hindi pa niya tinatapos ang bottle school.

"Second, hindi niya ipinapakita kung magkano yung in-sponsor.

"Third, kailangang tapusin niya yung bottle school bago ibigay yung resibo.

"Lahat ng resibo, kumpleto. Kung saan niya talaga ginastos.

"So, sa korte na lang kami magkita," mariing pahayag pa ni Angelica.

ILLAC’S COUNTER-CHARGES. Sa pagkakaalam ni Angelica, walang kasong naisampa laban sa kanya si Illac.

"Wala, wala, kasi wala naman siyang hawak na mga ebidensiya, e.

"Ako ang maraming hawak na ebidensiya," sambit pa ni Angelica.

"Nasa korte na ito and meron akong mga ebidensiya, na testigo, resibo, mga video, na kung san niya ako binastos, minura, meron ang mga witness.

"And the [Laguna] governor, nagsalita na rin, na naaawa sa akin ang... Governor ER Ejercito.

"Because kaharap pa siya nung nagmamakaawa si Illac. And nakita ni Governor ER na ako pa ang nag-aabono for the labor [sa paggawa ng bottle school project].

"Si Illac, darating na pag may media, puro pakitang-propaganda lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang dapat dito, itanong kung magkano ang ibinibigay ng sponsor na direktang ibinibigay sa Shelter Foundation, na humahawak ng pera.

"And never akong humawak ng pera, ng tseke. May treasurer kami, may staff. Merong kaming City Treasurer, Provincial Treasurer.

"As the author and business partner, or project partner, dapat magpasalamat siya [Illac] sa akin. E, pabagu-bago siya ng statement.

"Ang kalaban niya dito, [Laguna] mayor and governor. And the Sangguniang Panlalawigan."

PUBLIC APOLOGY. Hinihingi ni Angelica ang public apology mula kay Illac.

"That’s why nag-file ako ng demanda," sabi niya.

"Meron pa akong tatlong kasong idedemanda sa kanya bukod sa grave oral defamation dahil hawak ko lahat ng ebidensiya against him."

Anu-ano ang mga kasong yon na isasampa pa niya laban kay Illac?

"Abangan na lang nila," sambit ng actress-politician.

Meanwhile, ayon din kay Angelica, sa unang hearing ng unang kaso sa kanya ay hindi um-attend si Illac.

ILLAC AND JULIA’S BREAKUP. "Talaga? Kailan sila nag-break? Bakit sila nag-break?" tanong naman ni Angelica hinggil sa breakup nina Illac at Julia.

"Anyway, no comment ako, because wala akong alam na mali at ginawang kasalanan kay Illac.

"Si Illac ang dapat mag-sorry, ang humingi ng public apology.

"And hindi naman siya makakatuntong ng Laguna kundi dahil sa akin. Wala siyang city government permit kundi dahil sa akin," saad ni Angelica.

BETH JONES. Ayon din kay Illac, may pressure sa kanya mula sa ina ni Angelica na si Mrs. Beth Jones, taliwas sa dapat banggiting figures hinggil sa funds disbursements and billings.

"Kasi siya ang witness, e," pagtukoy naman ni Angelica sa kanyang ina.

"Ipinagtatanggol lang niya ako, bilang anak.

"Siya ang laging kausap ni Illac. Hindi ako masyadong humaharap kay Illac, kasi busy ako."

Determinado ba siyang i-pursue ang kaso laban kay Illac?

"Yes."

Or, unless mag-issue ng public apology si Illac sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumango si Angelica bilang tugon sa huling katanungan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN