Cherie Gil on nephew Sid Lucero: "The mistake itself would be his own lesson. So, bakit pa namin ididiin?"

"Maybe our lives may take on a different path, but we’re still emotionally connected. That I think for me is what marriage really means," says Cherie Gil about ex-husband Roni Rogoff.


Kahit mga bagong batch of stars ang karamihan nang kasama ng seasoned actress na si Cherie Gil sa early-primetime series na Magic Palayok, wala raw itong kaibahan sa kanya dahil masaya sila sa taping.

"They are very fun to work with. I mean, we’re family, e," sabi ni Cherie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press visit sa taping ng Magic Palayok sa New Manila noong Friday the 13th.

Dagdag pa niya, "I don’t feel that I have to creep into a new network of people because we already know each other in the industry.

"Like in Grazilda, I met Glaiza de Castro for the first time. They are very impressive. They are on their toes. They are very professional."

Nasa point na raw si Cherie na wala na sa kanya ang kumpetisyon, o kung ano at sino ang katapat nila na show.

"You know, all my life as an actor, I never really thought of my kalaban.

"I always just focus on my work and the best I could give it, because that’s what I’m assigned to do.

"I don’t even understand the rating. Leave me alone with numbers!" natatawa niyang sabi.

Dagdag ni Cherie, "I’ve learned through the years. I learned a positive attitude to the work, and it’s always malakas.

"As long as there’s a lot of good vibes on the set, we try to spread the love."

Naniniwala raw si Cherie na whatever is in your thoughts is what will attract things to you. Tulad daw sa iniisip pa lang niyang mag-aral ng sayaw, heto’t biglang may dumating sa kanyang offer ang GMA-7 na isang danceserye.

"Matagal ko na talagang gustong mag-aral ng tango. Ayun, nag-sign up ako," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL FRIENDS WITH HER EX-HUSBAND. Kumusta naman ang kanyang lovelife?

"Well, you know, I wouldn’t say empty," sagot ng kilalang mahusay na aktres.

"At this point, after three years of being separated, Roni [Rogoff] and I have managed to become really good friends.

"So, I think, we have been able to successfully elevate our love for each other on a different light, in a higher place.

"So, I am happy in that sense. Nahihirapan lang ako na mag-isa ako.

"But in connection with him and my kids, the love is strong."

May tatlong anak sina Cherie at Roni.

Ang panganay naman ni Cherie na si Jay ay nagtatrabaho na raw sa New York. Ang mahusay ring aktor na si Leo Martinez ang ama ng panganay na anak ni Cherie.

May possibility ba na magkabalikan sila ni Roni?

"Well, I wouldn’t want to close the door to the possibility," sagot niya.

"But like I always say, before we separated, I was married to Roni for 16 years and I’ve known him 20.

"In fact, tomorrow [May 14], if we’re still married, we’ll be 19 years old.

"We still greet each other ’happy anniversary.’

"We just don’t celebrate it because he’s there na.

"If natuloy... I don’t know what it means to reconcile because we’re solidly still connected. So, I don’t know.

"Maybe our lives may take on a different path, but we’re still emotionally connected.

"That, I think, for me is what marriage really means."

What about suitors?

"Here?" tanong ni Cherie, na ang tinutukoy ay sa Pilipinas.

"I like mga Mediterranean [men]," sagot niyang nakangisi.

SID LUCERO. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon para kamustahin kay Cherie ang pamangkin niyang si Sid Lucero, na anak ng kapatid niyang si Mark Gil.

Kailan lang ay nasangkot sa isang isyu si Sid dahil sa diumano’y panunutok nito ng screw driver sa isang hardware store staff. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Cherie, hindi pa niya nakakausap ang pamangkin.

"I think he’s avoiding talks about it.

"I think he knows that he has to deal with it, and face the consequence without having the family involved and, I think, that’s the right thing to do."

Nang malaman niya ang insidente ay nagulat daw siya.

"Of course, hindi mawawala yun. We talked about it, among us.

"Si Geoff [Eigenmann], I see him here. ’Kumusta naman ang nangyari?’

"Of course, immediately, we made attempts to call but he’s [Sid] not answering.

"So, I think he’s in the process of cleaning it up siguro, bago siya magpakita muli sa amin.

"Hindi naman kami galit!" natatawa pa niyang sabi.

Biro naman namin kay Cherie, baka kasi sermunan niya ang pamangkin.

"Hindi naman," nakangiti niyang sabi.

"I only knew it from the news, from the PEP Portal.

"At saka, why pound more salt into the hurt of the mistake that he committed?

"The mistake itself would be his own lesson. So, bakit pa namin ididiin?

"I mean, I’m not holier than thou. We’ve been there, done crazy things.

"We’ve always been... Fun clean, let’s just put it that way.

"I can’t wait to be surprised with the new Eigenmann generation.

"Pero iba rin ang original.

"But you know what, in many areas, they are a lot more conservative.

"They are a lot more steady in their heads in terms of relationships. In terms of getting married.

"I mean, Ryan [Eigenmann], he’s come of age.

"Kami naman noon, medyo uso pa ang ikinakasal na maaga.

"Now, it’s nice to know that they have time to do that."

Bukod kay Mark, ang isa pang kapatid ni Cherie ay si Michael de Mesa.

Kumusta siya bilang isang tiyahin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t know," sagot ni Cherie.

"I think they should describe it. I try to be buddy with them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN