PEP EXCLUSIVE: Illac Diaz sues Angelica Jones for "malversation of public funds"

"Madali lang naman ang usapan, e. Ilabas lang niya ang bank book sa Landbank...madali lang i-settle ito. Ilabas niya ang bank book na binuksan niya, na nasa pangalan niya," says Illac Diaz (main photo) about Angelica Jones (inset).


Detalyado ang mga sumunod na impormasyong ibinigay ni Illac Diaz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ito ay bilang sagot sa mga pinakahuling pahayag laban sa kanya ni Laguna Board Member Angelica B. Alarva—na higit na kilala bilang si Angelica Jones, dating actress-comedienne. (CLICK HERE to read related story.)

Si Illac, dati ring aktor, ang executive director ng MyShelter Foundation na idinemanda ni Angelica sa kasong grave oral defamation. (CLICK HERE to read related story.)

Ito ay kaugnay ng isang insidente na diumano ay nangyari noong March 11 sa Barangay Malamig, San Pablo City, Laguna.

Lunes ng gabi, May 16, ay tumawag si Illac upang ipabatid sa PEP ang inihain din niyang kontra-demanda laban kay Angelica.

Kasong "malversation of public funds" ang kinakaharap ngayon ng kilalang actress-politician.

Ayon kay Illac, noong Lunes din niya nai-file ang kaso laban kay Angelica. He is represented by his foundation’s lawyer, Atty. Alvin Exconde.

ILLAC’S STATEMENTS. Nakausap ng PEP si Illac sa kanyang opisina at bahay sa Pasay City, noon ding gabi ng May 16.

Dito niya ipinaliwanag ang tungkol sa masalimuot na kaso ngayon ng hindi natapos na partnership nila ni Angelica para sa pagpapatayo ng walong bottle schools sa San Pablo City, Laguna.

Ang bottle school ay isang ecologically-correct effort ni Illac kaugnay sa pagpapatayo ng mga iskuwelahan.

Inisa-isa ni Illac ang mga naging problema sa naging partnership nila ni Angelica.

Mula sa personal na intrigang "love triangle" na kinasasangkot nila umano nila ni Angelica at ng actress-TV host na si Julia Clarete.

Hanggang sa problemadong sitwasyon ng pagkukumpleto ng bottle schools na hanggang March 10—petsa ng pormal na pagtiwalag ng MyShelter Foundation sa partnership with Angelica—ay isang eskuwelahang pampubliko pa lamang daw ang naitayo.

Taliwas ito sa nakasaad sa Memorandum of Agreement (MOA) na walong bottle schools ang itatayo, sa murang halaga lamang na hindi hihigit sa tatlong daang libong piso bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kasong nai-file ni Illac laban kay Angelica ay bunsod ng kawalan diumano ng transparency sa parte ng pamamahala nila sa construction, kung saan kasama diumano ang ina ni Angelica na si Beth Jones.

Nasa kasong nai-file ni Illac din ang diumano’y kuwestyonableng pagkagugol at pagkakadeklara ng mga pondong nalikom ng MyShelter Foundation, ayon sa billing statements na naipadala sa opisina ni Illac, sa pamamagitan ng e-mail.

Sa pahayag din ni Illac, ang kasong "grave oral defamation" laban sa kanya ay kahina-hinala raw kung ang pagbabatayan ay ang legalidad ng mga pangyayari.

May kontra-affidavit si Illac at ang kanyang abugado, na nagpapabulaan sa mga akusasyon ni Angelica.

Ayon kay Illac, "Nung day na ’yon [March 11] na nag-file siya ng oral defamation... Sabi ko, ’Para hindi magkalabuan, ilabas mo lang yung bank book mo sa [Landbank] San Pablo Branch para sa project na ito.

"At ilabas mo ang resibo para mapatunayan kung saan napunta.’

"Yun lang naman ’yon. Bank book niya [Angelica] ’yon at bank account niya ’yon.

"Eto, nag-deposit kami ng 250 thousand on September 23; 600 thousand on October 13; 600 thousand, on November 30.

"Then, yung kapatid niya, pumunta dito sa office at kumuha ng 50 thousand pesos," pagtukoy ni Illac sa kapatid ni Angelica na si Arvin Alarva.

"Naka-tseke lahat ito," patuloy niya.

"At para lang maklaro, ilabas niya yung bank book, at makikita na may correlation between this [said amounts] at yung 250 thousand signed by Ms. Hazel Rivera [city treasurer].

"Yung 600 thousand, dun mismo inilagay sa bank. At hindi naman puwedeng dayain ang bangko.

"At kung bubuksan mo ang bangko [bank account] na ’yan, ibig sabihin, in good faith, makikitang on that day that we released the checks, pumasok yun sa bank account niya [Angelica].

"So, it will be clear—and that was the truth—that we turned over the money to a bank account that she owns," diin ni Illac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ang naunang mga kahilingan ni Illac at ng kanyang abugado ugnay sa mga resibo at statements of billings, para raw sa mas mabilis at maayos na pagtutuloy ng proyekto, ay hindi raw dininig ng opisina ni Angelica.

Naantala raw nang naantala ang completion ng proyekto. Mula December 2010, na-move daw daw ito to March 2011.

In between, maraming kumplikasyon daw ang kinaharap ni Illac bilang executive director ng foundation.

Gaya nga raw ng iisa pa lamang bottle school ang natapos, taliwas na nakasaad sa MOA na walong cheaply-constructed schools dapat ang mabubuo.

Ito raw ang naging dahilan upang magdesisyon ang MyShelter Foundation na tapusin na ang nasimulang "partnership" ng foundation sa Laguna Board Member.

"On March 10, the partnership has been dissolved," pagkumpirma rin ni Illac.

"We sent a letter via registered mail to the City Treasurer to ’please do not touch the money as we are trying to preserve the money in the Sangguniang Panlalawigan.’

"How can it be that the next day, iaakusa namin siya sa isang bagay na, the day before, we’ve already stated, in black and white, na alam namin na nandoon pa yung pondo?

"At sinulatan namin yung treasurer na panlalawigan, na hindi na puwedeng i-release sa kanya [Angelica]. That we wanted to preserve the money."

Mula raw March 11, MyShelter Foundation partnered with a certain Mrs. Celia Lopez para sa pagtutuloy ng Bottle School Project (BSP).

Bagay na tinutulan daw ng mag-inang Beth at Angelica Jones.

Kaugnay sa huli, maraming palitan ng text messages sina Illac at Angelica, pati na sina Illac at Mrs. Beth Jones, na nagpatotoong matindi ang alitan sa pagitan nila, sanhi ng magulong accounting at billing ng itinatayong bottle schools.

HARASSMENT. Sa kasalukuyan, base rin sa video footage na ipinapanood ni Illac sa PEP, may harassment kay Illac at sa mga volunteer workers sa Bottle School construction site.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya pansamantalang nahinto ang construction a,t tulad ng nabanggit, nagsanga-sanga ang mga pangyayari sa paghahain ng mga demanda at kontra-demanda ng magkabilang panig.

Sabi ni Illac, "May mga witness na may mga pulis na nagpupunta [sa site], na ipinapadala ni Angelica Jones, para palabasin yung mga volunteers at mga tumutulong doon.

"Pati kami, pinapalabas, at makikita mo sa text [ni Beth Jones] na pinagbawalan na kami, na hindi na kami puwedeng pumunta doon [sa construction site]."

Gayunman, hindi raw natitinag si Illac at patuloy niyang lalabanan ang sinasabi niyang kuwestiyunableng fund disbursement at billings, na may pananagutan daw si Angelica bilang unang business partner ng Laguna Bottle School Project.

"Yung sa amin kasi, private funds ’yon," pagtukoy uli ni Illac.

"Actually, kino-confuse lang yung statements, yung sinabi sa press na kinuha yung pondo na panlalawigan.

"Pero on March 10, the day before we decided to separate with Bokal [Angelica], nagpadala kami ng official letter, na alam namin na nandoon pa yung pondo.

"At sinulatan nga namin yung treasurer na Panlalawigan, na we are cancelling our working relationship.

"Bakit kami sumulat ng official statement? It’s with our full and clear knowledge na alam namin na nando’n pa yung pera."

Then, there was the animosity at ang pagpapatigil ng operasyon sa bottle school construction site, na ayon daw sa witnesses ay mula sa mga ipinadalang tao ni Angelica.

"So, we really see this as harassment case," diin ni Illac.

ANGELICA’S STATEMENTS. Noong gabi raw ng May 16, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, kasabay ng kanyang oath-taking sa National Movement of Young Legislators (NMYL) bilang punong kinatawan ng Region IV-A, nagpatawag ng regional press conference si Angelica sa San Pablo City, Laguna.

May naunang pakikipag-usap ang PEP kay Angelica nang uma-attend siya sa NMYL session sa Boracay mula May 12 to 14. (CLICK HERE to read related story.).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang dito ang mga pahayag ni Angelica, kaugnay sa isyu nila ni Illac Diaz, na may pagtukoy sa mga figures na gaya ng nabanggit ni Illac.

Una, sabi lang ni Angelica, hindi nga siya humahawak ng pera at ang mga pondong inilagak ng MyShelter Foundation ay nasa City Treasurer’s Office.

Walang pagtukoy si Angelica tungkol sa bank account na nasa kanyang pangalan, ayon sa binanggit ni Illac.

Sa naunang interview ng PEP kay Angelica, may tinukoy siya tungkol sa Memorandum of Agreement that the foundation entered into para sa construction ng bottle schools.

"Nakalagay sa contract, 64 square meters," banggit ni Angelica sa area na sakop ng bottle school, na ang lupa ay donated by the Laguna City government.

"Pero 350,000 ang ipinalabas niya [Illac] sa mga sponsor sa ibang bansa.

"Ang totoo, 60 to 90 meters, umaabot ’yon ng eight thousand plastic bottles.

"Tapos, sa akin yung pintura. Ako ang nag-author ng 500 thousand for the labor, pero hindi pa na-release yung tseke.

"Nagpadala ng certification ang treasurer ng probinsiya, na wala pa silang release [na pondo]. Ako ang nag-abono

"And the City Government, nag-release sila [ng certification] na sila ang nag-release, at sila ang humahawak [ng pondo], hindi ako.

"Nakalagay din sa Memorandum of Agreement, 1.2 million ang ibibigay niya [Illac].

"Pero ang ibinigay niya, 250 thousand, tseke pa niya. Hindi sa Shelter Foundation.

"Ang nangyayari kasi, pinapalabas niya sa ibang bansa na tapos na ang bottle school, na nagagamit na ng mga estudyante at teachers, na meron nang chairs.

"Ang totoo is walang teachers, walang estudyante, and hindi pa tapos yung bottle school.

"Gusto niya is media mileage, gusto niya pag-usapan," kontra-impormasyon pa ni Angelica.

"So, I think," patuloy niya, "nagamit ako, nagamit ang site, naging biktima ako.

"Kasi hindi naman mag-i-sponsor ang taga-ibang bansa sa kanya kung walang site at walang city government permit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, feeling ko, naging biktima ako!"

ILLAC’S COUNTER-STATEMENTS. Sa mga nabanggit na pahayag ni Angelica, bukod sa mga lumabas sa naunang artikulo, ang sagot ng MyShelter Foundation executive director ay ganito:

"Maglipat na tayo sa ’he said, she said.’ Ang sinasabi ko lang, ilabas niya yung bank book sa press.

"Para mapatunayan lang na wala siyang kinalaman sa 250 thousand na ibinigay namin on September 23, sa 600 thousand na ibinigay namin on October 13, at 600 thousand on November 30..."

At ang tungkol sa sinasabing pag-aabono ni Angelica Jones, para sa pintura at iba pang gugulin ng proyekto?

"Naku, imposible ’yan!" pagkontra uli ni Illac.

"Madali lang naman ang usapan, e. Ilabas lang niya ang bank book sa Landbank... Madali lang i-settle ito.

"Ilabas niya ang bank book na binuksan niya, na nasa pangalan niya," pag-ulit ni Illac.

"At makikita nila, na lahat ng perang ibinigay ng MyShelter Foundation na narito ay nai-deposit doon," pagtukoy ni Illac sa counter-affidavit na pinirmahan niya.

"In full conscience, alam namin na may 1.5 million na napunta sa bank book na pagmamay-ari niya.

"So makikita, pag talagang truthful siya, para hindi magulo sa press—ilabas lang niya, para matapos na lahat.

"Ilabas lang niya yung bank book!" mariing pahayag pa ni Illac.

ON JULIA CLARETE. Muli, binanggit ni Illac ang tungkol sa breakup nila ni Julia Clarete. He says he’s slowly moving on.

"I must admit, we have lifestyle differences," sabi ni Illac, na hindi na muna nag-elaborate hinggil sa nangyaring breakup.

Sa pagtatanong pa rin ng PEP, nagkahiwalay ang magkasintahan matapos manggaling si Illac sa Myanmar, kung saan sinamahan niya ang kanyang mga magulang na nag-celebrate ng wedding anniversary doon.

Sabi ni Illac, in a previous message, "Julia suffered a lot when I was abroad..."

Sa paglilinaw niya sa latest interview, binanggit ni Illac ang naging kumplikasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn’t know hindi puwede mag-send ng text messages, pati e-mails, mahirap do’n [in Myanmar], kasi military-controlled."

"So we lost touch, hindi kami nakapag-communicate for ten days," banggit pa ng dating aktor at kasalukuyang pilantropo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN