AJ Dee shrugs off rumors linking him to either woman or gay: "Kunan n’yo kami, sundan n’yo kami para malaman n’yo talaga kung meron talaga."

"May time kasi na parang bakante... Tuwing bakante, naghahanap ako ng manager. Nabibigyan naman ako ng bago, pero nade-delay [ang projects]. This time around, nagkausap kami ni Popoy [Caritativo, his new manager], okey naman yung kinalabasan," says AJ Dee about his career.


Maganda ang attitude ni AJ Dee sa pakikipagtrabaho at nabatid ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pag-aalala niya sa co-star niya sa Amaya na si Gardo Versoza.

Kasalukuyan pa ring naka-confine si Gardo sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, sanhi ng typhoid fever. (CLICK HERE to read related story.)

Agad ngang dumalaw si AJ sa hospital suite ng naging kaibigang aktor noong Lunes, August 1, matapos mabalitaang na-confine doon si Gardo.

Galing pa ng taping sa Laguna si AJ at konti pa lang ang pahinga, pero bumisita agad siya, na may dalang mga pagkain, para kumustahin ang lagay ng co-star.

Sa sandali niyang pag-stay sa hospital room ay napag-alaman ng PEP ang ilang bagay tungkol sa pagsasamahan ngayon bilang magkakaibigan nina Gardo, AJ, at ng isa pa nilang kasamahan sa Amaya na si Rob Sy.

Maging si Mon Confiado, na hindi dating ka-close ni Gardo, ay nag-reach out din sa mga kasama, kaya madalas din daw silang lumalabas pagkatapos ng taping.

Naglalaro sila ng basketball, kumakain sa labas, at kung anumang mapagkasunduang gimik. Na mas madalas ay ang paglalaro ng basketball.

"Itanong mo sa kanya [Gardo] kung sinong close sa kanya, baka iba naman ang sabihin niya," nakangiting sabi ni AJ nang usisain ng PEP ang tungkol sa kanilang friendship.

"Baka iba naman ang sabihin niya. Assuming naman ako. O baka napipilitan lang siya."

Bagay na ikinangiti lang ni Gardo, na nakahiga lamang sa kanyang kama at nanonood ng tennis match sa cable.

About Gardo, natutuwa rin si AJ na malaki na ang in-improve ng health condition nito sa loob ng beinte-kuwatro oras matapos siyang ma-confine.

FROM KAPAMILYA TO KAPUSO. Sa loob ng nagdaang tatlong taon ay naging bahagi na si AJ ng GMA-7, kung saan naging mainstay siya ng sitcom na Show Me Da Manny, topbilled by Manny Pacquiao and Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang unang teleserye na tinampukan niya bilang isa sa major support cast ay ang Amaya, na kasalukuyang ini-ere ng istasyon.

"For two years yata yung sitcom ang ginagawa ko," sabi ni AJ.

Masaya siya sa pagkakaroon ng regular teleserye sa Kapuso network.

"Iba pa rin kasi pag may soap ka, yun ang bread-and-butter namin.

"E, ang sitcom, once a week lang [ang tapings], e."

Sa ABS-CBN, naging tampok si AJ sa ilan ding drama series nitong nakaraang dekada. Kabilang dito ang mga seryeng Vietnam Rose, Rounin, Palos, at Eva Fonda.

Gumawa na rin si AJ ng pelikula sa Star Cinema, tulad ng You Got Me (2006) at When Love Begins (2007).

Under GMA Films, naging suporta si AJ sa romance-comedy movie You To Me Are Everything (2010).

Ang paglipat ni AJ mula Kapamilya to Kapuso network ay hindi naman sanhi ng anumang issue.

Ipinagpapasalamat pa rin ng character actor ang maganda niyang breaks na natamo sa Dos, matapos siyang mahirang na isa sa TV Idols sa defunct noontime show na Magandang Tanghali Bayan.

Simple lang ang pagtukoy ni AJ sa dahilan ng kanyang pag-transfer.

"May time kasi na parang bakante... Tuwing bakante, naghahanap ako ng manager.

"Nabibigyan naman ako ng bago, pero nade-delay [ang projects].

"This time around, nagkausap kami ni Popoy [Caritativo, his new manager], okey naman yung kinalabasan," wika rin ni AJ.

PERSONAL ISSUES. Naging kontrobersiyal din ang pangalan ni AJ, lalo’t manaka-naka’y nababanggit ito kaugnay ng mga isyung personal that he would rather not talk about.

Inamin niyang mayroon siyang non-showbiz girlfriend sa kasalukuyan. Pero wala siyang anumang pag-amin sa pagkaka-link niya kaninuman—female or gay.

"Ako naman kasi, kung may isyu sa akin, may sinasabing ganito ako, na may relasyon, ganyan-ganyan... hindi ko naman hinihinto ’yon [usap-usapan] dahil alam ko wala naman."

Kung mayroon man daw siyang "idini-date," pahayag din ni AJ, "Sabi ko, kahit anong gusto n’yo, kunan n’yo kami, sundan n’yo kami para malaman n’yo talaga kung meron talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, pag alam ko namang wala akong ginagawang mali..."

Umiinit ba ang ulo ni AJ sa mga pagkakaulat sa kanya na hindi totoo?

"May time nung simula siyempre," sabi niya.

"Imposible namang hindi mo malaman, kasi ipapaalam pa rin talaga, e.

"Yung ibang writers, may idinadagdag o binabawas [sa statements ko] kaya mahirap.

"Pero alam mo naman dito [sa showbiz], sanayan lang, e."

Nang-away na ba siya o nagdemanda ng libel sa isang showbiz reporter?

"Ay, wala. Hindi na lang..." sambit niya.

ENCHONG DEE. Christened Angel James Dee, AJ just celebrated his 29th birthday last July 27.

His dad is connected with United Laboratories, Inc., while his mom had businesses in Naga City.

"Binitawan na ng mom ko ang businesses niya nang lumipat kami [sa Manila]," sabi pa ni AJ.

Bicolano ang mother ni AJ, na panganay sa apat na magkakapatid; kabilang ang young actor na si Enchong (Ernest Lorenzo).

Tulad ni AJ, nakilalang mahusay na swimmer si Enchong bago nagkaroon ng career sa show business.

Ang dalawa pa nilang kapatid ay sina Isiah Joseph at Maria Angelica.

Kumusta sila ni Enchong, who’s certified Kapamilya talent?

"Bihira kaming magkita, e. Kakabalik ko rin lang ng bahay," sabi ni AJ.

Otherwise, walang problema ang samahan nilang magkapatid.

"Lagi nga akong tinatanong kung nai-insecure daw ako kay Enchong.

"Paano naman ako mai-insecure, e, kapatid ko ’yon?" wika ni AJ.

Sa apat na magkakapatid ay wala pang nag-aasawa. O maaaring si AJ din ang mauna?

"Malapit na..." sabi ni AJ na nangingiti, na parang nagbibiro lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN