Paolo Ballesteros and ex-girlfriend finally get to see their daughter; now working on getting full custody

"Nagkaroon kami ng kumbaga, nag-compromise, na sa ngayon, mas maganda siguro para sa bata, na since nasanay kasi sa lola, hindi naman puwedeng ibigay sa amin agad. After isang buwan or a couple of months, magmi-meet ulit kami dito and we’ll assess what will happen," says Paolo Ballesteros about the custody battle between him and Kaye and their daughter’s grandmom.


Nabawi na pansamantala ni Paolo Ballesteros at ng kanyang ex-girlfriend na si Katrina "Kaye" Nevada ang kanilang anak mula sa lola nito.

Noong September 5, Lunes, sinundan ng Showbiz Central ang nakatakdang paghaharap nina Paolo at Kaye at ng ina ng huli sa Regional Trial Court Branch 4 ng Baguio City Hall of Justice.

Bunsod ito ng inihain nina Paolo at Kaye na petisyon para maipakita na ang ipinagkakait sa kanilang anak simula pa noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan. (CLICK HERE to read related story.)

Kuwento ni Paolo, "We’re trying to get our daughter back, kami ni Kaye, hindi yata payag yung lola.

"So, ilang attempts na kaming pumunta sa bahay nila, tapos parang itinatago nila, ganun.

"So ito, yung pinayl namin is habeas corpus, kailangan parang ilabas nila yung anak namin.

"I hope dumating sila. Dapat silang dalawa, dapat kasama yung anak namin."

Bandang alas-dos ng hapon, kasama nina Paolo at Kaye ang kanilang abugado at ilang kamag-anak, umaasang magpapakita na nga ang lola kasama ang kanilang anak.

Ilang sandali lang, dumating na sa korte ang ina ng ex-girlfriend ni Paolo at ang kanilang anak matapos ang ilang buwang paghahanap dito.

Kuhang-kuha ng kamera ng Showbiz Central nang masulyapan na nina Paolo at Kaye ang kanilang anak.

Kuwento ni Kaye, "Nung makita ko si Keira, siyempre very happy, at the same time ano yun, tears of joy."

Habang nagaganap ang hearing, tila hindi nagpapansinan ang magkabilang kampo.

Ang bata ay nasa kabilang dulo mula sa kanyang mga magulang, pero ilang sandali, ang bata na mismo ang lumapit kina Paolo at Kaye.

Naging emosyunal ang muling pagsasama ng mag-anak.

Kuwento ni Kaye, "Gumagapang siya papunta sa amin, ’Mommy, daddy...’ sabi niya.

"Tapos umiyak din siya, naluha din siya."

Dagdag naman ni Paolo, "Niyakap namin siya, ayun, naiyak din."

Ilang oras ding nagtagal ang hearing kung saan naging maganda naman daw ang resulta para sa mga magulang ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Paolo, "Nagkaroon kami ng kumbaga, nag-compromise, na sa ngayon, mas maganda siguro para sa bata, na since nasanay kasi sa lola, hindi naman puwedeng ibigay sa amin agad.

"After isang buwan or a couple of months, magmi-meet ulit kami dito and we’ll assess what will happen."

Simula naman ito para pormal nilang makuha ang buong kustodiya sa anak.

Ayon kay Kaye, "Siyempre, gusto namin talagang sa amin talaga siya.

"I mean, hindi naman namin pinagbabawal na mabisita siya.

"Kumbaga, kami yung magulang, I think it’s about time na kami naman na talaga, permanently, nasa amin na yung bata."

Sinubukan ng Showbiz Central na hingan ng pahayag ang lola ng bata tungkol sa naging resolusyon, pero tumanggi itong magsalita.

Samantala, patuloy namang makikipag-ayos sina Paolo rito.

May mensahe rin sina Paolo at Kaye sa lola ng bata.

Ani Paolo, "Mommy, maraming salamat, kahit papaano naintindihan ninyo po kami. At, ayun, yung pagpapalaki ninyo kay Keira, pinasasalamatan namin yun."

Sabi naman ni Kaye, "We appreciate everything you’ve done for Keira and for all the help you’ve given us. And I hope, you know, in time, maaayos natin lahat."

At sa anak na maiuuwi na nila kahit pansamantala, ang kanilang pangako bilang magulang: "Keira, we’re always here for you and we want the best for you and we love you!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN