Michelle Madrigal pleads with manager Annabelle Rama to accept launching movie Ang Huling Sayaw ni Salome

"Hindi naman ako magpu-frontal nudity... Yung back ko, willing akong ipakita. Sa likuran ko, puwede. Pero yung front, parang hindi ko alam! Kasi, parang feeling ko, mas sexy yung likod. Sexy na hindi bastos, hindi mahalay," says Michelle Madrigal on how far she will go for her launching movie.


Mas nararamdaman daw ngayon ni Michelle Madrigal ang magandang takbo ng kanyang showbiz career.

Una, dahil sa pagkakaroon niya ng bagong afternoon soap sa GMA-7, ang Kung Aagawin Mo Ang Langit, na tatampukan din nina Carla Abellana at Mike Tan.

Pangalawa, sisimulan na rin niya ang shooting ng launching movie niyang Ang Huling Sayaw ni Salome, na ididirek ni Zoren Legaspi with JC de Vera as her leading man.

Parehong drama vehicle ang dalawang nabanggit na projects ni Michelle.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle sa grand launch ng Kung Aagawin Mo Ang Langit noong Martes ng gabi, September 13, sa GMA Network Center, sinabi niyang "training ground" ang bago niyang programa sa TV para sa pelikulang gagawin niya.

LAUNCHING MOVIE. Nang matanong siya tungkol sa Ang Huling Sayaw ni Salome, nag-glow kaagad ang mukha ng young actress.

"Wow! Launching movie! Masaya!" bulalas ni Michelle.

Kinumpirma ni Michelle ang sinabi ni Zoren na pinakiusapan niya ang manager niyang si Annabelle Rama para gawin ang pelikula kahit mababa ang talent fee. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag niya, "Maganda yung material niya, e. Maganda yung story niya rin.

"And matagal ko na ring gustong gumawa ng indie movie.

"Eto, buti na lang kilala ni Tita Annabelle [si Zoren].

"Kung hindi niya kilala, baka hindi niya ako payagan gawin yung movie. Kilala naman niya si Zoren.

"Pinilit ko siya talaga. Sabi ko, ’Tita, gawin na natin ito.’

"And in-explain sa akin ni Zoren na maganda yung material niya. Heavy drama siya.

"May love scene kami ni JC de Vera... first time yun. ’Kakaloka!"

TO WHAT EXTENT? Ipinagtanggol naman agad ni Michelle ang sarili sa balitang willing siyang gawin ang lahat para lang sa movie na gagawin niya.

"Hindi. Hindi naman ako magpu-frontal nudity," sabi niya, kasunod ng katiyakan niyang hindi siya magpapakita ng boobs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang saan lang ang kaya niyang gawin para sa launching movie niya?

"Hindi ko pa alam kung ano ang kaya kong gawin.

"Yung back ko, willing akong ipakita. Sa likuran ko, puwede.

"Pero yung front, parang hindi ko alam!

"Kasi, parang feeling ko, mas sexy yung likod. Sexy na hindi bastos, hindi mahalay.

"Depende rin kasi sa story, like yung sa Hollywood.

"Kahit si Anne Hathaway, ilang beses nang nag-breast exposure, pero hindi naman gano’n ang dating.

"Eto kasi, pole dancer kasi siya. Malamang pag naggano’n ka, iba na rin ang dating pag naghubad ka."

LOVE SCENE WITH JC. Wala pa sa isipan ni Michelle ang napipintong love scene niya sa ex-boyfriend niyang si JC para sa movie nila.

"Hindi ko alam," sambit niya.

"Dito nga sa show na ito [Kung Aagawin Mo Ang Langit], hindi pa ako prepared sa love scene ko kay Mike [Tan], e.

"Siyempre, sa TV hindi puwede ang sobrang sexy. Sa movie siguro mas daring.

"Pero dito, hindi puwede, baka MTRCB tayo.

"Siguro, more on halikan lang ito.

"Kabado nga ako dahil ngayon ko lang gagawin ito... I mean, for a show."

"Atat" na ba siyang magkaroon ng launching movie?

"Hindi ako atat, it just so happens na in-offer sa akin yung project.

"And feeling ko naman, kaya kong gampanan yung role.

"Actually, it’s not really more on pa-sexy... drama siya.

"Nadagdag lang [sexy scenes] dahil dancer siya. Heavy drama talaga siya.

"Ako talaga, gusto ko talagang manalo ng [acting] award.

"Feeling ko, kahit sa indie film, mapansin ako. Malaking bagay na sa akin yun."

ZOREN LEGASPI. Kinumpirma rin ni Michelle ang sinabi ni Zoren na siya dapat ang magiging leading man ng sexy young actress.

Ikinagulat lang ni Michelle ang nalaman niyang balita na kaya nag-back out si Zoren bilang leading man niya ay dahil nakaramdam raw umano ng selos ang partner ng actor-director na si Carmina Villarroel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ha? Ay! Gumagawa ka ng issue!" bulalas ni Michelle.

Ipinaliwanag namin kay Michelle na hindi raw type ni Carmina na gawin ni Zoren ang love scenes sa pelikula

"May issue bang gano’n? Hindi pa nagsisimula yung movie, may gano’n na agad?

"Nakakahiya naman kay Ate Mina [Carmina].

"Hindi niya kailangang magselos sa akin, hindi dapat!" natatawang sabi ni Michelle.

Dagdag niya, "Ako nga ang natatakot, e. Siyempre, pag ni-launch ako, ang tatanungin ng press, dahil ako ang partner niya [Zoren].

"Siyempre, pamilyadong tao si Kuya Zoren, ayoko namang makasira.

"Saka everyone looks up to them, kahit ako.

"When I see them sa commercial, ang family, nakakainggit dahil sobrang intact ang family nila.

"Sa showbiz, isa sila sa tinitingalang pamilya.

"Hindi naman sila married, pero ang tagal na nilang nagsasama.

"And they endorse yung mga brands na pang-family."

Wala raw matandaan si Michelle na siya ang kausap ni Zoren habang dini-discuss nito ang mga gagawin niyang love scenes sa pelikula noong hindi pa ito nagba-back out bilang leading man.

"Sana hindi ako yun!" bulalas niya.

Nagpapasalamat na lang si Michelle at napalitan na si Zoren ni JC. Ayaw raw kasi talaga niyang magkaroon ng isyu, lalo’t sa isang may magandang imahe na pamilya.

"Nanalo nga ako ng award or nanalo ang pelikula, pero ang ibabalik namang isyu sa akin, e, nanira ako ng pamilya, gano’n. Parang homewrecker.

"Ayokong ma-tag sa akin yun. Kasi I came from a broken family din," saad niya.

ZERO LOVELIFE. Samantala, "zero" raw ang lovelife ni Michelle ngayon. Patuloy rin niyang itinatanggi na naging boyfriend niya ang Azkals player na si Neil Etheridge.

Nilinaw rin ni Michelle kung bakit maging ang isa pang member ng Azkals na si Simon Atkins ay na-link din sa kanya.

"Siguro it just so happens na, like with Simon, we were always together rin talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag nandito, kami talaga yung mga kasama nila when they were training or after training.

"Kami nina Bubbles [Paraiso], yung grupo namin, and other non-showbiz friends, kami ang nakakasama nila because my other friend, Sam, she’s dating naman Anton del Rosario.

"So, kaya sila sumasama sa amin, kasi nga yung friend namin is dating Anton del Rosario," paliwanag ni Michelle.

May anim na buwan na raw mula nang maghiwalay si Michelle at ang actor-model na si Jon Hall. Mula noon ay hindi pa raw nagkaka-boyfriend ang morenang aktres.

Feeling daw kasi ni Michelle ay hindi pa siya ready para magkaroon uli ng panibagong lovelife.

Magiging puno na ang buong linggo kapag nagsabay ang taping ng kanyang afternoon series at shooting ng kanyang pelikula.

Maliban dito, pumapasok pa rin sa school si Michelle.

"I’m taking Culinary sa AICA [Academy of International and Culinary Arts].

"Sixteen sessions lang yun every Saturday. Yun lang kasi ang kaya kong schedule na mag-aral.

"Kasi itong taping namin, MWF. Nakakapang-walong session na ako," masaya niyang pagbabalita.

Napangiti naman si Michelle nang mausisa namin ang tungkol sa pagkakaroon na ng bagong girlfriend ni Jon.

"Okey lang sa akin," tugon niya sa tanong namin kung ano ang naramdaman niya.

Hindi ba masakit na meron nang lovelife ang ex niya at siya ay wala pa?

"Siguro kung nangyari yun like a month after, ’Ay, ang bilis!’

"Well, I don’t know. Hindi ko alam kung kailan naging sila.

"Pero I know, he has a girlfriend now."

Nakikita na raw ni Michelle na magkasama si Jon at ang kasintahan nito. Pero wala naman daw siyang maramdamang kirot sa kanyang puso.

"Yung breakup naman kasi was a mutual decision. Kaya wala akong maramdaman.

"Basta, I’m not ready pa for a new relationship.

"Mas gusto kong mag-focus sa career at marami pa akong gustong gawin for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, instead na matutulog na ako galing sa work, tatawag ka pa sa phone.

"And pag nasa trabaho ka, in between takes, kailangang intindihin mo yung phone mo kasi kailangang alamin kung kumusta na siya.

"Kailagan mo pa ring makipag-usap sa boyfriend mo, mga gano’n.

"So, gaya ngayon, minsan natatapos kami six in the morning. Hindi ko na nahahawakan ang telepono.

"Pag sunud-sunod na ako at puro crying scene ang mg eksena ko, hindi ko hinahawakan ang phone ko. Kasi maa-out of focus ako.

"So, feeling ko, kung may boyfriend pa rin ako at this time, or kung kami pa rin ni Jon at this time, mawawalan rin ako ng time for him.

"At baka isa rin yun sa magiging problema.

"So, right now, ayoko muna.

"Kasi pag nagdi-date kayo, dapat happy days yun, di ba?

"E, kung wala ka rin lang time, di mas maganda kung huwag ka na lang munang mag-boyfriend," pahayag ni Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN