Tila vindicated ang aktor na si Roderick Paulate sa pagkatanggal niya sa puwesto dahil muli siyang nabigyan ng bagong mandato bilang konsehal sa ikalawang distrito ng Quezon City nitong nakaraang halalan.
Sa huling bilang ng Comelec, nasungkit ni Roderick ang pang-anim na puwesto bilang konsehal ng naturang distrito sa lungsod ng Quezon, kung saan nakakuha siya ng lagpas 100,000 votes.
Sa kanyang Instagram, may mga nag-congratulate kay Roderick sa kanyang muling pagkakahalal.


Ayon naman kay Roderick, patas lang daw talaga ang Panginoon at nakikinig lamang sa tama.

Matatandaang na-dismiss sa tungkulin si Roderick noong January 2016 kaugnay ng kasong pagha-hire umano ng “ghost employees” noong 2010.
Read: Roderick Paulate, 3 other QC officials dismissed from office for hiring 'ghost employees'