Zoren Legaspi’s directorial debut may require breast exposure for Michelle Madrigal and butt exposure for JC de Vera

Actor-TV host Zoren Legaspi is all set to direct his first film titled Ang Huling Sayaw Ni Salome, which will star Michelle Madrigal and JC de Vera. But the project has to wait awhile since his stars and Zoren himself are currently busy with their respective soaps.


Hindi pa nakakapag-simula si Zoren Legaspi sa kanyang pelikulang ididirek kunsaan bida sina Michelle Madrigal at JC de Vera.

Naikuwento noon ni Zoren sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na handa na siyang simulan ang kanyang directorial debut titled Ang Huling Sayaw Ni Salome. Buo na raw ang script para sa naturang project at ready to shoot na ito. (CLICK HERE to read related story.)

Ang problema lang ay walang available schedules sina Michelle at JC para mag-shooting dahil parehong busy ang dalawa sa kani-kanilang mga drama series.

Si Michelle ay may afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit sa GMA-7, samantalang si JC ay mayroon namang primetime series na Ang Utol Kong Hoodlum sa TV5.

Pero ayon kay Zoren, nagkakausap naman daw sila ni Michelle at very apologetic ito dahil nabibitin ang pelikula na ididirek niya.

Sa pakikipag-usap muli ng PEP kay Zoren, sinabi nitong: "In fairness to Michelle, nakikipag-communicate naman siya sa amin. Nagsu-sorry siya dahil sa delay.

"Hindi ko naman siya sinisisi dahil may trabaho nga siya. Naiintindihan ko naman iyon.

"Pero nakapag-ensayo na siya ng mga sayaw na gagawin niya sa pelikula. Alam na niya ang mga gagawin niyang sayaw.

"Ang kulang na lang ay ang rumolyo ang kamera dahil pareho silang busy ni JC."

Okey lang naman daw na ma-delay ang film project ni Zoren dahil kahit naman daw siya ay may sinimulan nang bagong drama series sa TV5, ang Glamorosa.

Pero ayon kay Zoren, "Ang magiging problema naman, kapag si Michelle or si JC na ang ready, ako naman ang baka hindi pwede. Kaya kailangan magkausap kaming lahat.

"Noong pag-usapan kasi namin ang pelikulang ito, hindi pa nakakapagsimula si Michelle na mag-taping sa drama series niya.

"Tsaka wala pa rin akong show that time. ’Yun nga lang, nagkasabay-sabay ang lahat.

"Sana kung maayos ang mga schedules namin, kahit papa’no ay makapagsimula na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang ibang pwedeng gawin kundi maghintay na lang kami."

SEXY THEME. Sexy ang tema ng pelikulang ididirek ni Zoren, at gusto niya ay kakaiba ang gagawing mga eksena nina Michelle at JC.

Tulad na lang ni JC, kuwento ni Zoren, na magkaroon ito ng butt exposure sa kanyang pelikula.

"Noong una naman kaming nag-usap about the project, wala pa sa story yung butt exposure. E, noong mag-revise kami, nagkaroon na.

"E, very vital yung scene na iyon sa story. Hindi lang kasi isa kundi dalawang butt exposure iyon kay JC.

"Gusto kong malaman kung kaya ba niya. Kasi gagawin naman naming artistic ang shot.

"Hindi naman ito basta nagpakita lang si JC ng butt.

"Sana nga kaya niya kasi maganda yung role niya, e.

"Ang ikinakatakot ko lang ay baka magalit naman si Tita Annabelle [Rama, JC’s manager] sa akin!

"Kasi nga, wala naman kaming napag-usapan about sa butt exposure ni JC.

"Kaya kailangang magpaliwanag ako nang maayos, or else, baka awayin ako ni Tita!" sabi ni Zoren na sinundan ng malakas na tawa.

Maging si Michelle daw ay maraming mga daring na eksena bukod sa kanyang sexy dance numbers.

"Siyempre, may breast exposure din kaming naiisip na gagawin ni Michelle.

"Hanggang doon lang at walang mga frontal nudity.

"Kailangan ko ring kausapin si Michelle kung hanggang saan ba ang kaya niyang pagpapakita ng katawan niya.

"Malakas kasi ang dating ni Michelle, e. And she’s very sexy aside from being a good actress.

"Kahit si JC, he has character and he can act.

"Kaya tamang-tama lang sa kanila ang film project na ito kasi challenge ito para sa kanilang dalawa.

"And it would be a challenge for me as well, kasi nga gagawin ko ang lahat para lumabas na maganda ang buong pelikula.

"Noong pinag-uusapan pa nga lang namin ang pelikula, naiisip ko na ang mga shots at location ng mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gano’n ako ka-aggressive with this project. Kaya sana nga, masimulan na namin very soon."

CO-PRODUCER. Isa rin si Zoren sa gagastos para sa kanyang directorial debut sa big screen. Handa raw siyang maglabas ng pera para maging maganda at magmukhang ginastusan talaga ang naturang proyekto.

Aniya, "Siyempre, ang goal naman namin ay kumita ang pelikulang ito.

"Hindi lang siya magustuhan ng mga film critics, mas maganda yung tatangkilin siyang panoorin ng mga tao.

"Ang mga moviegoers natin kasi ngayon, they want their money’s worth.

"Gagastos sila sa pagpanood ng movie kapag worth it. Yung hindi sila mabibitin at masaya sila after nilang panoorin.

"Kaya nga kumita ang mga movies na Ang Babae Sa Septic Tank at No Other Woman, kasi sulit ang ibinayad ng mga tao.

"Sa mahal ba naman ng sine ngayon, kailangan worth it ang pagkakagastusan ng bawat manonood.

"Gusto rin namin na magkaroon ng malaking impact itong film project namin.

"Yung pag-uusapan talaga at papanoorin nang paulit-ulit.

"Yun ang mga dinarasal naming mangyari sa pelikulang ito," asam ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN