Baron Geisler hopes to quit smoking also after undergoing rehab for alcoholism

"Sigarilyo? A...iyon na lang ang struggle. Iyon na lang. And, uhm, I’m slaying one dragon at a time. So, probably next year, wala na rin ’yong smoking," says Baron Geisler about his wish to also stop smoking.


Bago pumasok noon si Baraon Geisler sa isang rehabilitation center to cure his alcoholism, tumatak ang sinabi niyang, "I’ll be back not as a better actor but as a better person."

At sa ngayon, unti-unti ay kanyang pinatutunayan na kaya niyang magbago.

"Sineryoso ko talaga ’yong rehab," sabi niya during a recent interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi ’yong nagpunta lang ako doon para magpahinga. At para magka-career ako paglabas ko, or magka-project.

"I went there for self-improvement talaga."

Six months and three weeks daw ang itinagal niya sa loob ng rehab. ’Yong first two months daw ang pinakamahirap for him.

"Naglilinis ako ng toilet bowl. Gumigising ako nang maaga para magluto ng pagkain for 15 persons... Ako lahat ’yon.

"Magsasangag ng kanin. Magpiprito ng itlog. Maggigisa ng corned beef."

DREAM FOR HIS MOM. Sa panahong iyon na nahihirapan siya, sumagi ba sa isip niyang mag-quit at lumabas na lang at huwag nang ituloy ang kanyang pagpapa-rehab?

"Never. Never. E, ako naman, I was never a quitter.

"Pero ’yon lang... I was weak. So, kumukuha ako ng lakas dati sa alcohol, e.

"Now, I get my strength from the Lord."

Sino ba ang naging inspirasyon niya para mapanindigan na ang pagbabagong-buhay na dati’y ilang beses niyang tinangka, pero hindi niya magawa-gawa?

"’Yong mga taong nakasama ko sa loob ng rehab. ’Yong mga Christians na minahal ako at laging nagdarasal para sa akin.

"Also, my mom. And hopefully, I’ll get her a house soon. Iyon ang pinangarap ko for her."

Ito rin nga raw ang rason kung bakit tutok siyang masyado at nagpapakaseryoso sa kanyang trabaho bilang artista.

At ipinagpapasalamat daw niya na may mga offers ngang dumarating sa kanya ngayon.

"Minsan iniisip ko na baka mawala na ’yong depth ko as an actor," natawang sabi ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Or ’yong edge ko. Dahil... parang wala nang angst, e.

"Wala na akong angst, e. Wala na. Wala na.

"Dati, humuhugot ako sa mga angst, e.

"So, hindi ko alam kung ano na kaya ang magiging acting ko nito. Tingnan natin."

GOOD BOY ROLES? Kapag kontrababida roles, o masama ang kanyang character na ginagampanan, talagang lutang ang acting ni Baron. Mararamdaman mo ang lakas ng presence niya sa bawat eksena.

Pero, interesting din siguro at magiging malaking challenge din for him kung mabait na character naman ang gagampanan niya.

"Why not? Why not? God-willing!" nangiting sabi niya.

"Katatapos ko lang ng shooting for Asiong Salonga.

"Sabi ng manager ko [si Arnold Vegafria], may panibagong movie raw akong gagawin pero hindi ko pa alam kung ano. At saka isang endorsement.

"Comeback movie ko bale ’yong Asiong Salonga. Nasa loob pa ako ng rehab nang mag-shooting ako for that.

"Na... balik ulit ako sa rehab pagkakatapos ng shooting day namin."

Markado at maganda ang role niya sa nasabing pelikula na pinagbibidahan ni Gov. ER Ejercito. Best friend siya ni Asiong (Gov. ER), na sa bandang huli ng pelikula, siya pala ang papatay dito.

Convincing daw ang portrayal niya ng kanyang role dito. Since nasa rehab pa nga siya when he was doing the said film, may angst pa siya no’ng time na ’yon?

"Baka mero’n pang konti!" natawang sagot ni Baron.

"Pero parang hindi na masyado. Uhm... wala na nga yata, actually. Wala na."

So, hindi sa dati niyang angst nanggagaling ang husay ng kanyang pagiging aktor kung gano’n?

"Cool kasi ’yong chracater ko doon, e. Paguwapo lang ako do’n sa pelikula, e.

"Pero, yeah! May mga highlights din ’yong character ko.

"Siguro, it’s God-given talent din talaga.

"Na... no matter where I am, in my life, good or bad, siguro it will always be there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And this time, siguro I just need to really take care of it. And take care of myself na rin."

When it comes to portraying roles, may limitations ba siya ngayon?

"Mero’n. Uhm, kumbaga, kung hindi siya relevant, o kabastusan lang at wala tayong matututunan doon, baka humindi muna ako ro’n."

Pero kung daring, o sexy roles?

"Tingnan natin kung gaano ka-sexy."

May mga possible TV projects din daw siyang nakatakdang gawin.

"Baka sa Channel 2 raw po. Iyon ang sabi sa akin ng manager ko. So, maghihintay lang po ako."

ONE CASE GONE. Tila parang nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Baron nang magkaayos na sila ni Yasmien Kurdi kamakailan.

Iniurong na kasi ni Yasmien ang kasong act of lasciviousness against him matapos siyang mag-public apology. (CLICK HERE to read related story.)

Umaasa rin ba ang aktor na sa pag-aayos din hahantong ang kaso nila ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha?

Pambabastos din ang inihaing reklamo ng dalaga na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdinig sa korte.

"Actually, wala akong maiku-comment regarding Patricia, e," ani Baron nang matanong tungkol dito.

"Wala pa kaming nagiging pag-uusap lately."

Pero umaasa raw siyang magkakaayos din sila.

"Yeah! Well, it depends sa kanila, e.

"But you know, I’m praying na matapos na ito."

Is there any message that he would want to extend to Patrizha at maging sa parents nitong sina Yayo at William?

"Sa ngayon, pending pa po ang kaso, e.

"Whatever I say is not really going to be relevant.

"So, I’ll leave it up to the Lord na lang. Na sana hipuin ni Lord ’yong puso nila."

NO LOVELIFE! Kumusta naman ang kanyang lovelife sa ngayon?

"Wala muna," sagot ni Baron.

Ang huling nakarelasyon niya ba ay ang foreign-looking non-showbiz girl na madalas nakikitang ka-date niya noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes. Yes. Last," pag-amin niya.

Dagdag ni Baron, "Ayoko muna ng lovelife ngayon. Gusto kong mag-concentrate muna sa career ko.

"Magpapayaman muna ako!

"Aayusin ko muna ang buhay ko."

Aabot kaya ng Christmas na loveless siya?

"Oo. ’Andiyan naman si God. ’Andiyan naman si Jesus.

"Nandiyan naman ang family ko. So, right now, do’n ang focus ko.

"To really be closer [to my family]. Maging stronger ’yong bond ng family. And with my friends also.

"And with the Lord. Which is the most important thing."

TO QUIT SMOKING TOO? Naging tatak na ni Baron dati na ang alak nga ang kanyang weakness. Kapag nakakakita siya ng wine, o ng mga umiinom, ano ang napi-feel niya?

"Steady lang. I can say no na.

"I have small victories na, e," sa tukso ng pag-inom ng alak ang kanyang ibig sabihin.

Pero hindi ba puwede naman siyang uminom pa rin on special occasions?

"Hindi pa rin. May takot ako, e.

"Kapag uminom ako ulit, baka dumire-deretso na naman."

So, totally wala nang alak talaga, ni tikim kahit isang lagok man lang?

"Kailangan, e," sagot niya.

Gaano na katagal na gano’n?

"As long as I can take it.

"Actually, tumikim ako no’ng sa Asiong Salonga [party pagkatapos ng kanilang last shooting day]. Pero I hope hindi gawing big deal iyon.

"I felt bad. Guilty ako siyempre.

"It’s been a long time na wala na tapos titikim ka.

"Umuwi ako kaagad after no’n. Tumakas na ako."

Kasi natutukso siyang magpakalasing, gano’n?

"Hindi naman mawawala iyon, e. Hindi mawawala ’yong struggle.

"Life is full of struggles.

"Sigarilyo? A, iyon na lang ang struggle. Iyon na lang.

"And, uhm... I’m slaying one dragon at a time. So, probably next year, wala na rin ’yong smoking."

Pero pati girls, iniiwasan muna yata niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo. Ha-ha! At makakabuti na gano’n muna."

Feeling niya talaga, mawawalan siya ng focus sa work kapag may babae sa buhay niya?

"Oo. Susubukan ko muna na isa, o dalawang taon na talagang... puwede na ako. Malakas na talaga ako."

Ni dates wala?

"Wala po."

Social life, wala rin?

"Wala rin po.

"Walang gimik-gimik. Bahay lang at weightlifting kapag walang trabaho."

Hindi ba boring din ang buhay kung gano’n lang ang kanyang daily routine?

"No. No. First of all, ang laging nasa isip ko rin is my mom. I’m catching up.

"When I wake up in the morning, I go downstairs kaagad.

"I’ll have coffee with my mom and talk to her. Parang... just to be closer to her," pahayag ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN