Ram Revilla’s personal assistant confirms financial squabble between slain actor and siblings

Ronaldo Ancajas (not in photo), personal assistant of slain Ramgen Revilla (main photo) says, "Ang alam ko ay matagal nang may tampuhan sila tungkol sa budget ng bahay dahil si boss Ramgen [Revilla, main photo] ang humahawak at sinisiraan daw siya sa daddy nila, at mga ilang buwan din silang hindi nagkikibuan."

Ram’s siblings, Ramona Revilla (inset, top) and RJ Bautista (inset, bottom), are being implicated as primary suspect


Isa pang witness ang lumantad upang patotohanan na may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng pinaslang na aktor na si Ramgen "Ram" Revilla at ng mga kapatid nitong sina Ramon Joseph "RJ" Bautista at Ramona "Mara" Bautista.

Sina RJ at Ramona ang itinuturong pangunahing suspek sa pagpaslang kay Ram noong gabi ng Biyernes, Oktubre 28, sa bahay nila sa BF Homes, Parañaque.

Sina Ram, 22; Ramona, 21; at RJ, 18, ay mga anak ni dating Senator Ramon Revilla, Sr. sa dating aktres na si Genelyn Magsaysay.

Sila ay kapatid sa ama ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Sa sinumpaang salaysay ni Ronaldo Ancajas, stay-in personal assistant ni Ram, sinabi nitong ilang buwan nang hindi nagpapansinan ang magkakapatid dahil sa kanilang alitan tungkol sa pera.

Pahayag ni Ancajas sa kanyang sinumpaang salaysay, na inilathala ng GMA News, "Ang alam ko ay matagal nang may tampuhan sila tungkol sa budget ng bahay dahil si boss Ramgen ang humahawak at sinisiraan daw siya sa daddy nila, at mga ilang buwan din silang hindi nagkikibuan."

Kaugnay nito, kinumpirma rin ng kasintahan ni Ram na si Janelle Manahan ang anggulong "sibling rivalry" sa hiwalay na testimonya nito sa awtoridad. (CLICK HERE to read related article.)

Si Janelle ang kasama ni Ram noong gabing pinaslang ito.

RAMONA AND RJ PRESENT AT THE CRIME SCENE. Pahayag pa ng personal assistant ni Ram sa kanyang salaysay, gising pa siya ilang minuto bago nangyari ang krimen.

Kinailangan lang daw niyang umakyat sa kanyang kuwarto upang magpahinga sandali.

Subalit nang magising siya, nakita niya sina Ramona at RJ na papalabas sa subdivision.

Kuwento niya, "Nakaidlip ako dahil sa pagod at puyat at mga ilang minuto, bigla akong nagising.

"Pagsilip ko sa bintana ng kwarto ko ay nakita ko si Joseph na naglalakad palabas ng gate ng subdivision.

"Mga ilang minuto, sumunod naman si Mara [Ramona]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inakala pa umano ng personal assistant ni Ram na papunta na ang magkapatid sa Baguio City noong mga oras na iyon.

Nalaman na lamang daw niya na may nangyaring krimen nang palabasin siya ng mga pulis sa kanyang kwarto at dinala sa malapit na police headquarters.

"INCONSISTENT" STATEMENTS BY RAMONA. Ayon naman sa police report na inilabas ni Parañaque police Chief Senior Superintendent Billy Beltran noong Martes, Nobyembre 1, dalawang security guards ng BF Homes ang nagsabi na nakita nila sina Ramona at RJ na naglalakad patungo sa gate matapos mangyari ang krimen.

Sa salaysay ng security guards na sina Joyrex Asimbrado at Niño Tabada, nakita nilang mag-isang naglalakad si RJ papalabas ng gate bandang 10:45 ng gabi.

Makalipas ang ilang minuto ay sumunod naman si Ramona.

Ayon pa sa naturang police report, isa sa mga bumaril kay Ram at sa kanyang girlfriend na si Janelle Manahan ay nakitang nakasuot ng "Halloween mask, Army green jacket," at may dalang baril na may nakakabit na silencer.

Saad ni Chief Senior Superintendent Beltran, base sa magkakahiwalay na salaysay ng personal assistant ni Ramgen at ng dalawang security guards, lumalabas na hindi nagsasabi ng totoo si Ramona sa kanyang mga naunang pahayag.

Matatandaang sinabi ni Ramona na tinangay siya ng mga suspek matapos ang shooting at stabbing incident, at iniwan siya sa isang mall sa Las Piñas City.

Sa ngayon ay sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder sina Ramona at RJ kaugnay ng pagkakapaslang kay Ram at tangkang pagpatay sa girlfriend nitong si Janelle.

Nasa kustodiya na ng pulisya si RJ simula noong Martes, Nobyembre 1.

Si Ramona naman ay pinaghahanap pa rin ng awtoridad. (CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN