PART 2. Liv Espino answers report that Tyron Perez’s death is related to gambling

Liv Espino on husband Tyron Perez’s debts: "Hindi naman po ganoong malaki. Pero meron siyang utang na...malaki. Medyo may figure po yun and, I think, kailangan niya pong i-settle yun, e, nung mga last few months."


GAMBLING PROBLEM. Lumalabas sa news reports na may kinalaman diumano sa sugal ang pagkamatay ni Tyron Perez.

Totoo ba ang isyung nalulong si Tyron sa casino at naging malaki ang mga utang nito?

Ayon kay Liv Espino-Perez, misis ni Tyron, "Kasi po, lumabas na rin po sa ano [news] yung...money-related po.

"And ano po kasi, e, uhm..."

May mga pagkakautang nga ba si Tyron talaga?

"Hindi naman po ganoong malaki," pag-amin ni Liv.

"Pero meron siyang utang na...malaki.

"Medyo may figure po yun and, I think, kailangan niya pong i-settle yun, e, nung mga last few months.

"Hindi naman po stable ang work niya.

"Siguro po, pressured na rin. Pantay-pantay na.

"So, ayun po."

Sino sa palagay ni Liv ang nag-impluwensiya kay Tyron sa pagsusugal sa casino?

"Wala po, parang for fun lang, with mga friends. Tapos, siya po mag-isa.

"We have no idea, kasi po every time, ganoon nga..." saad niya.

May common friends ba sila na naghikayat kay Tyron na mag-casino?

"Wala naman po," sagot ni Liv.

THE MISSING CAR. Ayon sa ilang impormasyon, namalagi raw si Tyron sa isang hotel ng isang linggo dahil sa depression o dahil may pinagtataguan ito.

Totoo ba ito?

Sabi ni Liv, "Kasi po, since umalis siya [sa bahay sa Alabang] ng last week of November, wala po akong balita.

"Nawala po siya ng November 25, nasa ibang bansa ako.

"I had to fly home [from Dubai], kasi worried kami.

"Noong nasa Hong Kong po ako, nag-via Hong Kong po ako, nakapatay ang phone niya.

"Pag-land ko sa Manila, nakabukas.

"So, naisip ko, ’Aba, nakakapag-charge ’to.’

"So, he’s okay.

"I texted him. Sabi ko, ’Ty, text me until 3 p.m. today. Lilipad ako uli kasi may trabaho ako. Umuwi lang ako for you!’ sabi ko.

"Wala pa rin pong reply.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"December 4, sabi ko sa kanya, ’Tell me kung ano talaga, what’s the real score? I need to know, I’m your wife!’

"Tapos, sabi niya, ’Give me two weeks, I’ll give you your car.’

"Yung Altis [na black] kung saan siya nakita, yun, sa akin ’yon."

So, kotse ni Liv ang nasabing kotse kunsaan natagpuan ang bangkay ni Tyron?

"Opo, sa akin po, sa akin nakapangalan," tugon niya.

May balitang a few weeks ago ay nag-tweet si Liv na "nawawala" ang kotse niyang ito.

Ano ang totoo rito?

Paliwanag ni Liv, "Kasi po, nasa kanya yung car.

"Sabi niya, ’Give me two weeks, I’ll give you your car.’"

So, hindi nawawala, kundi na kay Tyron lang nung mga oras na yun?

"Eto po, sabi ko, ’December 4 now, kung two weeks from now, that’s December 18, right?’

"Sabi niya, ’Oo, 18! May sasakyan akong darating, ibibigay ko na sa ’yo ito.’

"Sabi ko, ’Sige. Okey.’

"Come [December] 18, nakapatay na ang phone.

"Come 19, nakapatay pa rin; 20, nakapatay na.

"So, ako naman, desperate move, dahil wala na kaming balita sa kanya, to be able to get hold of him, nag-tweet ako.

"Dahil ako, I have a feeling na he goes online, nababasa niya [ang mga tweet ko].

"Yun, sinabi ko na, ’My car has been stolen!’

"And true enough, after mga five hours, nag-text siya.

"Sabi niya, ’Grabe ka! Alam mong ako ang gumagamit ng sasakyan, bakit mo kailangang i-tweet?!’

"Sabi ko, ’Tingnan mo? All along, you know what’s happening to us, hindi ka nag-aano."

So, ginawa niya ang pag-tweet na yun para mag-react lang si Tyron?

"Oo, kasi, wala naman akong followers... I have, like, 39 followers. Ganyan.

"So, parang siya lang naman po yung ano ko, na para magka-interes sa tweet ko.

"So, sabi ko sa kanya, ’I had to do it! Tingnan mo, kung hindi ko pa ginawa yun, ite-text mo ba ako ngayon?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’Ty, anong plano mo? Let me know.’

"Wala akong balita.

"Until nandito na ako sa Manila, 22nd of December, yung tinutuluyan niya po, si Tita Precy, nag-reach out siya sa akin.

"In-add niya po ako sa Facebook.

"Sabi niya, ’Liv, this is my number, call me.’

"Tinawagan ko po siya. She told me everything. Lahat ng detalye.

"E, siyempre po, Tyron is mabait naman ’yan, e, wala akong masasabi diyan.

"Sabi ko, ’Ty, open your phone!’

"Sabi ko ke Tita, ’Tita, pakisabi buksan niya ang phone niya para makapag-usap kami.’"

THE LAST MEETING. Isang araw pagkatapos ng Pasko, noong December 26, nang huli raw nagkita sina Liv at Tyron upang personal na mag-usap.

Ito ay pagkatapos ng mahigit isang buwan na hindi pagkikita.

Kahit nakakapag-usap sila sa text at cell phone ay nahirapan pa rin daw si Liv makipag-communicate sa asawa.

Pakiramdam daw tuloy ni Liv, si Tyron mismo ang "dumistansiya" sa kanya at sa kaniyang pamilya.

"Sinolo" at "nilihim" daw ng asawa kung anumang mabigat na problema ang dinadala niya noong mga oras na yun.

Kuwento ni Liv, "Nakapag-usap kami ng 26 of December, Monday.

"Nagkita kami sa Gilligan’s, malapit sa ABS-CBN. Naka-park kami doon.

"Sabi ko sa kanya, ’Settle mo kung ano man ang trouble mo ngayon. And I’ll help you start all over.’

"Sabi ko, ’Get an apartment dito lang sa Q.C. [Quezon City] para malapit sa work, and I’ll support.’

"Sabi niya, ’Paano yung mga appliances?’

"Sabi ko, ’Madali na lang yun. I’ll support you. Unti-untiin natin.’

"Sabi niya, ’O, sige, I trust you.’

"So, kami naman po, okay... Okay naman kami all along, kaya parang may ano po ako na, ’Wow!’

"Eto, sinabi niya sa akin the night before, kasi umakyat ako ng Manaoag...

"Sabi niya, ’Sorry, I won’t be there, kasi kasalanan ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Next time, alam ko na ang gagawin ko. Hindi ko na uulitin.

"Pag uulitin ko pa, pag-iisipan ko na. Hindi na ulit mauulit ito!’

"Yun po ang sabi niya.

"Tapos, ayun na po, the next morning, wala na po.

"Wala nang isip-isip. Yun na po yung first and last conversation namin."

WHY TYRON LEFT. Wala kayang hinanakit si Tyron sa kanya bilang asawa, o kahit na kanino?

"Wala po, kahit si Tita Precy, she knows.

"Kasi po, siya ang nandoon. Alam po niya na okey kami," sagot ni Liv.

Bago umalis ng bahay nila si Tyron sa Alabang upang tumuloy pansamantala sa kaibigan nito sa Valenzuela, anu-ano ang hindi nila napagkasunduan o pinag-awayan—kung meron man—para humantong sa pag-alis ng bahay ng aktor?

Saad ni Liv, "Ano po, kasi, nagising siya on that Friday morning to get a check sa ABS.

"Date noon was November 25, early morning.

"Ni-remind ko siya. Sabi ko, ’You go home before noon kasi traffic, Friday.

"And don’t go sa mga lugar na you’re not supposed to go. Spend wisely, marami tayong payables.’

"Sabi niya, ’Alam ko naman ang mga responsibilities ko.’ Yun.

"Ako naman, I trust him.

"Sabi ko sa kanya, parang naano lang ako, ’Are you with someone?’

"Nagda-drive siya noon, sabi ko, ’May kasama ka?’

"Tapos parang nag-hysterical siya, ’Bakit mo ako pinagbibintangan? Asawa kita!’

"Ako po, kakagaling ko lang from Dubai. Kakagaling ko lang sa flight...

"Tapos, simula noon, hindi na nagparamdam.

"When I called one time, sabi niya, ’Nasa bank ako, mamaya ka na tumawag.’

"Then, 2:30 p.m. tumawag ako, ’Mamaya na lang, may ginagawa pa ako!’ sabi niya.

"Hanggang sa 7:30, ka-text po niya ang mom ko.

"Sinasabi niyang, ’Ma, I’ll go home late, kasi tuturuan ko lang ng leksiyon ’yang si Liv, kasi parati akong parang nina-nag ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ng mom ko, ’O, sige, go home before 12 midnight.’

"Mga 1 a.m. na, tinatawagan siya, wala na.

"Nagri-ring ang phone, di na sinasagot. Yun po.

"Tapos, ako, hanggang 4 o’clock [in the morning], tinatawagan, tine-text ko siya.

"Sabi ko, ’Ty, maawa ka sa amin. Tinawagan ko yung family mo sa Tarlac, wala ka rin doon. Please let us know kung okay ka.’

"Nagre-reply lang siya [sa text], sabi niya, ’Okay ako. Don’t worry about me.’

"Yun na ’yon. Tapos, hindi na po siya nag-ano...

"Until December 4, yun na po yung last conversation.

"Last kami nagkita, November 25.

"Nagkita kami uli, December 26 na.

"Hindi niya sinasagot ang calls, text lang all along."

Ganoon katagal sila hindi nagkaroon ng maayos na communication?

Sagot ni Liz, "Kasi po, nilayo niya talaga ang sarili niya.

"Siguro po, ako, ang analysis ko diyan, dinistance niya ang sarili niya thinking na, ’Ay, maaayos ko ’to!’

"Hanggang sa lumaki na nang lumaki... Eto na!"

CLICK HERE to read PART 3


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN