Part 1: Feng shui lady Marites Allen says Year of the Water Dragon is the year of infidelity, advises showbiz couples to be careful

"There could be some relationship issues among the celebrities. So, it’s very important for them to be careful, be more mature, be more positive with their relationships,"says feng shui expert and businesswoman Marites Allen.


Taun-taon ay nagbibigay ng libreng advice ang feng shui expert at businesswoman na si Marites Allen bilang paraan niya ng pasasalamat sa mga biyayang nakamit niya sa kanyang buhay.

Nito ngang Sabado, Enero 21, dinagsa ng mga nais humingi ng payo mula kay Madam Marites, ang isinagawa niyang libreng talk at consultation sa SM Mall of Asia Activity Center.

Pitong taon na niyang ginagawa ito, at sa bawat taon mula nang simulan niya ang libreng talk and consultation, laging dagsa ang mga tao para marinig ang kanyang sasabihin tungkol sa papasok na Lunar Year, ayon sa Chinese Lunar Calendar.

Matapos na magsalita tungkol sa feng shui at kung ano ang naghihintay sa mga Pilipino ngayong 2012, isa-isang binigyang-oras naman ni Ms. Marites ang pagdinig sa mga tanong at paghingi ng payo ng mga taong nagsipuntahan sa kanyang taunang event na pinangalan niyang The Feng Shui Update.

Nang matapos na ang mahabang pila ng mga parokyano’t mga taong mahihilig sa feng shui, pinagbigyan na ng President and Chief Executive Officer ng World of Feng Shui (WOFS) Philippines ang hiling ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam siya.

Ang WOFS Philippines ay ang merchandising arm ng geomancy practice ni Marites.

Mayroon na itong anim na boutiques na nakapuwesto sa mga maayos na lokasyon base na rin sa pagtatantiya ng geomancy expert.

GEOMANCY AND FENG SHUI. Ang geomancy ay ang paraan ng pag-alam ng kahihinatnan o kapalaran ng isang tao, bagay, ideya o pangyayari, base sa pagbasa sa pagkakapuwesto ng mga bagay-bagay sa paligid, katulad ng mga puno, daan, bundok, gusali, at pati na rin ng mga bituin at planeta.

Sa kulturang Tsino, ang paraan ng geomancy ay tinatawag na feng shui.

Hindi lang mga bagay-bagay sa paligid at mga bituin at planeta sa kalangitan ang pinagbabasehan ng payo at gabay ng feng shui experts, kundi pati na rin ang pagbasa sa taon ng kapanganakan ng tao o pagkakabuo ng isang ideya o gusali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May katapat na labindalawang hayop sa Chinese Astrology ang bawat taon.

Kinukuha rin dito kung may positibo o negatibong kapalaran ang pinag-aaralang tao, gusali, o ideya.

BACKGROUND ON MARITES ALLEN. Higit pa sa isang dekada ang pagiging magaling na geomancer o feng shui expert ni Ms. Allen.

Natuto siya sa mga masters ng feng shui mula sa iba’t ibang bansa sa Asya, katulad ng Malaysia, Singapore, Thailand, at China.

Ang pagiging magaling na feng shui practitioner ni Marites ang siyang naging daan para hanapin at hingan siya ng payo ng mga kilalang tao sa negosyo’t kalakalan, pulitika, at showbiz.

Kabilang sa mga artistang nakakuha ng payo mula kay Marites ay sina Ruffa Gutierrez, Luis Manzano, Boy Abunda, Tim Yap, at Kris Aquino.

Bukod sa pagiging mahusay at nirerespetong feng shui expert, ang pagiging pamilyar niya sa mga lokal na artista ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ang hiningan ng PEP ng forecast for 2012 sa showbiz.

INFIDELITY IN THE YEAR OF THE WATER DRAGON. Unang tanong ng PEP ay kung ano ang forecast niya para sa showbiz sa pagpasok ng Year of the Water Dragon.

"In terms of the local showbiz, like what I said, feng shui, to start with is never a panghula-hula," simula niya.

"And I am never a manghuhula.

"There are a lot of factors.

"The year of the Water Dragon brings in a lot of romance or third party interference.

"So, yes... perhaps, there could be some relationship issues among celebrities.

"So, it’s very important for them to be careful, be more mature, be more positive with their relationships.

"The year highlights infidelity, third party intrusion," patuloy pa ng Ateneo Professional School Master of Business Administration graduate.

Dagdag pa ni Madam Marites, tuwing Year of the Dragon ay lumalaki ang populasyon ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami raw kasing nai-in love, nagpo-propose, nagpapakasal, o gusto lang magka-baby.

DOG PEOPLE SHOULD BE CAREFUL. Nang tanungin naman ng PEP kung magkakaroon ba ng kamatayan sa showbiz, binalikan ni Marites ang 2011.

"Let me tell you a story, 2011 was the year of the the Rabbit. The enemy of the Rabbit is the Rooster.

"So, again, we had a talk like this at the beginning of the year to prepare the public, to know what to look forward to.

"This year, the enemy of the Dragon are those born in the year of the Dog. Similar to those born in the year of the Rooster last year, kasi kontra siya ni Rabbit.

"So, you know what happened last year?

"We have seen the death of General Angelo Reyes, who is a Rooster.

"We have also seen the death of AJ Perez who was also born in the year of the Rooster.

"Osama bin Laden is a Rooster, Direk Lito Calzado is also a Rooster.

"So, these are opposites with the Rabbit.

"The same with people who are born in the year of the Dog.

"Kailangan, they have to be careful this year, kasi kalaban siya ni Dragon," payo pa ng U.K.-based geomancer.

ABS-CBN WILL STILL RULE, TV5 GETS STRONGER. Nang tanungin naman tungkol sa patuloy na nagaganap na network war, pabor sa ABS-CBN ang mga sinabi ng feng shui expert.

"Maybe it’s because they have been there longer, and they have already established structure," sabi niya tungkol sa Kapamilya station.

"However because of the year—it’s a transformation year—so, of course, naturally, TV5 will get very strong, which is happening now."

Pero aniya pa, kung malalaman lang daw niya kung saang direksyon, taon ng pagkakatagtag, taon ng kapanganakan ng mga may-ari, at mga karangalang natamo ng bawat istasyon ng TV, mas magiging sigurado raw siya tungkol sa magiging kapalaran ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad din daw ng pagiging sigurado niya noon sa pagkapanalo ni Presidente Noynoy Aquino—binase niya ang kanyang prediksyon sa kapanganakan nito.

Sinasabi niya ring makakaranas ng pag-unlad ang Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ni PNoy dahil nasa kapalaran nito na mamuno sa pagsisimula ng bagong 10-year cycle ng Pilipinas.

MARIAN AND DINGDONG. Dahil pagod na sa pagsasalita sa kanyang lecture at consultation kanina, humiling si Ms. Marites na tapusin na ang interview dahil may feng shui talk pa uli siya sa Manila Hotel sa gabi ng bisperas ng Chinese New Year.

Pero pinagbigyan muna nito ang hiling ng PEP na magbigay ng kanyang nakikitang kapalaran ng mga artista para sa taong ito.

May dalang listahan ng mga pangalan ng artista ang PEP. Naroon din sa listahang iyon ang petsa ng kapanganakan ng mga artistang nakasulat doon.

Ang pinili ni Ms. Marites sa listahan ay si Marian Rivera.

"Si Marian, she was born in 1984, so, she’s actually born in the year of the Rat.

"So, this year, there could be some tension, but if she aligns herself with her allies, which are Dragon Monkey, and Ox, then it will help her.

"But look at that," turo ni Marites sa listahang hawak ng PEP.

Nakita kasi nito ang pangalan ni Dingdong Dantes at ang taon ng kapanganakan nito.

"Dingdong was born in 1980, which is very nice to know.

"Marian and Dingdong are actually friends. They are allies!" nakangiti nitong banggit.

"Because the ally of the Rat is the Monkey, which is the animal sign of Dingdong’s birth year.

"Marian is a Rat, Dingdong is a Monkey. So, they are very good for each other."

Sinabi tuloy niya na importante talaga sa isang tao na makahanap ng isang partner sa personal na relasyon man o sa business na "ally" o "friend" ng animal sign ng taong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It will make your life easier," aniya pa tungkol sa pagkakaroon ng kaalyadong animal sign.

CLICK HERE Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN