Alex Gonzaga on rumored non-showbiz boyfriend: "Hindi naman talaga kami. Parang MU-MU lang yun na hindi natutuloy."

"Pinapayagan na nila akong magpaligaw. Pero feeling ko naman, kung may right guy na talaga at meron na silang natipuhan, feeling ko naman, at this point in my life, puwede na. Yun nga lang, marami silang reminders at paalala at masuri sila sa mga manliligaw," says Alex Gonzaga about her parents.


Diamond earrings ang regalo kay Alex Gonzaga ng kanyang Mommy Pinty, na tumatayo ring business manager niya, sa kakatapos na 24th birthday ng TV host-actress noong January 16.

Laging suot ni Alex ang diamond earrings niya, at natutuwang ipinagmalaki pa niya ito habang kausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

First time ba siyang regaluhan ng kanyang ina ng ganung klaseng alahas?

"Lagi kasi akong binibigyan ng mommy ko. Pero ito talaga ang ni-request kong buo.

"Yung iba kasi, illusion. Yung iba naman, maliit lang.

"Ako, nag-request talaga ako na malaki," sabi ni Alex.

Hindi raw niya tinanong sa kanyang ina kung magkano ang halaga ng hikaw.

"Parang ang panget naman yata nun na pagkabigay sa akin, ’Magkano ba ito?’

"Ang importante, yung regalo."

NO GIFT FROM HER ATE TONI. Mabilis ang sagot ni Alex sa tanong namin kung may natanggap ba siyang regalo mula sa kanyang Ate Toni Gonzaga.

"Hindi naman kami nagreregaluhan ng ate ko.

"Parang hindi naman ano sa amin yun.

"Sinasabi ko nga, ’Ate, regaluhan mo ako ng ganito, ’tapos bibilhan kita ng ganito.’

"Sasabihin niya, ’Hmph, pareho lang naman ’yan.’

"Siya pa rin naman ’ata ang nagbabayad!" natatawang sabi ni Alex.

Wala raw hininging regalo si Alex sa Ate Toni niya sa birthday niya sa taong ito.

"Kasi magdu-Dubai po kami sa Thursday [January 26]. Baka doon na lang ako bumongga," banggit niya.

Nagbigay pa ng karagdagang detalye si Alex sa trip nila abroad ng kanyang Ate Toni.

"May concert kasi sila ni Sam Milby. ’Tapos, ako ang special guest.

"Mga four days lang kami doon, one day lang naman yung show."

SHOPPING ADDICT. Kabi-kabila ang projects ni Alex sa TV5, bakit kailangan pa niyang hingin ang mga mamahaling gifts sa kanyang Ate Toni?

"Hindi naman. Kaya ko naman.

"Pero siyempre, gusto ko naman makaipon muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko naman lahat ng kinikita ko, ibili ko ng kung anu-ano.

"Ang ending, waley ako!" tawa niya.

Ang laki na nga raw ng ipinagbago ni Alex mula sa kanyang pagiging shopaholic.

"Yes, I must say!

"Parang naisip ko lang na tumatanda na ako. So, kahit paano, kailangan may ipon na ako.

"Kasi, alam mo bukas, baka mag-retire na ako!" biro niya.

SUITOR, NOT BOYFRIEND. Itinuwid ni Alex ang mga naglalabasang balita na pinapayagan na siyang mag-boyfriend ng kanyang mga magulang.

"Hindi naman. Pinapayagan na nila akong magpaligaw.

"Pero feeling ko naman, kung may right guy na talaga at meron na silang natipuhan, feeling ko naman, at this point in my life, puwede na.

"Yun nga lang, marami silang reminders at paalala at masuri sila sa mga manliligaw.

"Naku, nakakaringgan ako sa Mommy ko na, ’Ganito ang mga lalake, ganyan-ganyan! Mag-iingat kayo! The more na magpakita kayo ng pagkagusto sa lalake, nawawalan ng gana.’

"Maraming reminders ang mommy ko ng ganun.

"Ang gusto talaga ng mommy ko, Christian, God-fearing.

"Yun talaga ang number one sa kanila."

Pabor naman daw si Alex sa pamantayan ng kanyang mommy sa pagpili ng lalakeng magiging boyfriend o mapapangasawa niya.

"Siyempre, gusto ko rin ng gano’n at saka gusto ko rin yung napapatawa talaga. Yung nagtatawanan kami together."

Hindi raw direktang sinabihan si Alex ng kanyang ina na puwede na siyang magpaligaw.

"Naramdaman ko lang.

"Kasi pag may pumupunta doon sa bahay, hindi naman na siya nagsasalita."

Sabi pa ni Alex, hindi na raw masungit ang mommy niya.

"Hindi na. Pero ang daddy ko, siyempre, forever namang masungit yun.

"Pero ang mommy ko, parang...

"Saka kapag nagkukuwento ako ng lovelife, ’Mommy meron akong...’ nag-a-advice na siya.

"Yun nga lang, ang ending ng pag-uusap namin, lagi siyang naiinis sa akin.

"’Naku, dapat kasi hindi mo pinuproblema ’yan! Ang arte-arte mo!’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa mga naririnig niyang advice ng kanyang mga magulang, gusto ni Alex na hindi tiga-showbiz ang maging boyfriend niya.

NOT HER BOYFRIEND. Pero wala pa naman daw sa priority ni Alex ang magkaroon ng boyfriend sa mga susunod na araw.

"Hindi, e. Kasi wala namang okey na ano, e," sabi niya.

Itinanggi ni Alex na boyfriend na niya ang non-showbiz guy na nagngangalang Geron.

Si Geron ang nailathala rito sa PEP na dumalo sa surprise birthday party ni Alex sa taping ng P.S. I Love You noong January 16.

(CLICK HERE to read related story.)

"Hindi ko nga siya boyfriend. Kasi ang labo namin," sabi ni Alex tungkol kay Geron, na isang law student.

"Boyfriend ba yung hindi kami nagkikita? Saka wala kayong date?

"Ang huling kita namin, biruin mo, nung Christmas.

"’Tapos nagkita lang kami no’ng January 16, pumunta lang siya sa birthday ko sa taping.

"So, yun na!

"Hindi pa kami nagkikita hanggang ngayon."

Diin pa ni Alex, "Hindi naman talaga kami.

"Parang MU-MU lang yun na hindi natutuloy."

NO SUITORS ALLOWED. Bilang patunay na hindi talaga bukas ang pinto ng kanilang bahay sa manliligaw, nagkuwento si Alex ng ilang insidente na pinauwi ang mga dumadalaw sa kanya.

"Madalas, yung non-showbiz.

"Actually, isa lang naman yun na nagbakasakali lang naman.

"Tinawag ako ng daddy ko, ’Paalisin mo na ’yan! Nanonood kami ng TV.’

"Pinatay ko yung TV. ’Alis ka na raw.’ Yun!"

Isa pa ang singer-actor na si Kean Cipriano sa sinasabing hindi nakaabot sa unang baitang pa lang ng panliligaw nito kay Alex.

"Parang hindi siya na-accept sa..." natatawang sabi ni Alex.

Biro pa niya, nakapaskel raw ang mukha ni Kean sa gate nila bilang "most wanted."

"Hindi, joke lang!" bawi naman niya agad.

"Hindi naman pumupunta si Kean sa bahay.

"A, teka..." bawi niya nang may maalala siyang pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Once, as in dati-dati pa.

"Unang ano pa lang ng BFGF [dating show nila]. Nagpakain ako.

"Yun lang, umalis siya agad kasi meron raw silang gig.

"Once pa lang siya nakapunta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN