Alwyn Uytingco on maintaining relationship with girlfriend Jennica Garcia: "Para magawa mo ang isang diamond, kailangan ang may edges, di ba?"

Alwyn Uytingco on working with David Archuleta: "Naubos ang English ko, seryoso! Kakaibang script at hindi namin in-expect na ganun siya makikisalamuha sa mga co-actors niya, sa staff, sa crew, sa directors niya. Sobrang thankful ako na naging part ako ng show na ito."


Bago natapos ang 2011 ay napabalita ang tungkol sa breakup diumano nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Pero pinabulaanan ito ng magkasintahan nang sabay silang dumating sa Golden Screen TV Awards noong November 29, 2011.

(CLICK HERE to read related story.)

Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa presscon ng TV5 mini-serye na Nandito Ako noong Sabado, February 4, na naging pagkakataon upang maipaliwanag niya ang diumano’y paghihiwalay nila ni Jennica.

Ani Alwyn, "Siguro yun lang yung times na sobrang lala ng mga arguments namin, misunderstanding namin.

"Pero yun lang yun. Walang nangyaring breakup.

"Ang tagal na nun, that was late last year."

Ayon pa kay Alwyn, dumaan lang ang relayon nila sa ganung sitwasyon, pero ngayon ay masasabi niyang mas naging maayos na ang lahat sa kanila ni Jennica.

"Two years na kami. Saka siguro ganun talaga siya, sa isang relationship kailangang ma-test.

"Para magawa mo ang isang diamond, kailangan ang may edges, di ba?

"Mas naging open kami sa isa’t isa at mas marami na kaming napag-uusapan na mga bagay-bagay," saad niya.

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Jean Garcia, ina ni Jennica, nabanggit nito na boto siya kay Alwyn para sa anak.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Alwyn, "Nabasa ko ’yan, ang sabi niya, boto siya... hindi botong-boto kasi pag botong-boto, kasalan na ang kasunod.

"Siyempre, sobrang flattered nung, una, alam ninyo naman ang pinag-umpisahan namin.

"Hindi ko naman masasabing hindi maganda... challenging.

"Siguro dahil na rin sa effort, na-prove ko naman na mahal ko talaga si Jennica.

"Sobrang thankful din ako sa kanila.

"Alam mo, kung titingnan mo, ganun si Madam [Jean], pero hindi.

"Kapag nakuha mo ang loob niya, tataba ka kasi ang sarap niyang magluto. ’Pag nagluto siya, hinahanap ako, e."

WORKING WITH DAVID ARCHULETA. Bilang isa sa cast members ng mini-seryeng Nandito Ako, ikinuwento ni Alwyn ang karakter niya at ang magandang karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa international singer na si David Archuleta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Billy [Alwyn] ay best friend ni Josh Bradley [David] from New York, bandmate niya, soundtech niya.

"But consultant niya ako when it comes to love...life. Sa akin siya nagbubuhos ng mga problema.

"Naubos ang English ko, seryoso!

"Kakaibang script at hindi namin in-expect na ganun siya [David] makikisalamuha sa mga co-actors niya, sa staff, sa crew, sa directors niya.

"Sobrang thankful ako na naging part ako ng show na ito."

BEING A KAPATID. Ayon kay Alwyn, thankful at kuntento siya sa career niya sa Kapatid network lalo’t hindi siya nawawalan ng shows dito.

"Sobrang ano lang talaga, sobrang galante lang ang TV5 sa akin.

"Siguro dahil may kontrata ako sa kanila, given yun.

"Pero yung trust na ibinibigay nila sa akin, sobrang thankful ako kasi binibigyan nila ako ng magagandang characters.

"Three years ang contract ko sa kanila at magwa-one year na ako sa kanila.

"I can say na kuntento at masaya ako dito," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN