Pinay supermodel Danica Magpantay open to joining local show business

"For now, I’ll focus on my modelling po. Kasi, while you’re here, why not give it your best shot. ’Tapos afterwards, whatever God wants me to be, kung ano ang destined sa akin ni Lord, I’m gonna enjoy it," says Danica Magpantay about trying out different career aside from modelling.


Simula nang manalo sa Ford Supermodel of the World noong 2011 ang Pinay na si Danica Magpantay, kaliwa’t kanan na ang kanyang mga naging modelling assignments.

Sa halos isang taon niyang pagiging modelo ng tanyag na modelling agency, naging bahagi siya ng mga sumusunod na fashion events: Mercedez Benz New York Fashion Week Fall/Winter 2011 for Bensoni Presentation, Bibhu Mohaptra, Nanette Lapore, Odd Molly, Organic by John Patrick and Tim Hamilton.

Sa local scene, naging tampok na rin si Danica sa Philippine Fashion Week Spring/Summer 2012 noong Oktubre 2011.

Kinuha siya bilang modelo para sa mga designer na sina Albert Andrada, Michael Cinco, at Cesar Gaupo.

Naging modelo rin siya para sa mga local clothing brands na Oxygen, Penshoppe, Freego, at SM Ladies Fashion.

Nandito ngayon si Danica sa bansa dahil hinihintay pa niya ang kanyang 01 visa or working visa para sa U.S.

Habang hinihintay ito, abala si Danica sa iba’t ibang commitments, kasama na ang kanyang pagiging Globe Tattoo @ Home Brand Ambassador.

Sa press conference na inihanda ng telecommunication company para sa kanilang bagong endorser, sinabi ng 19-year-old supermodel na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala.

"I’m really thankful na God made this happen," sabi ni Danica nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang media noong Miyerkules, Pebrero 8, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Hindi naman daw kasi talaga niya pinapangarap noon ang maging seryoso sa pagmomodelo.

"If you’ll ask me to do modelling talaga, hindi talaga. Alam mo ’yong try-try lang, petiks lang na aral-model, chill ka lang," sabi ni Danica.

Pero pagkatapos niyang manalo sa Ford Supermodel of the Philippines 2010, siya ang naging kinatawan ng bansa sa Ford Supermodel of the World competition.

Bagamat gusto niyang manalo, hindi naman daw umasa si Danica na makakamit niya ang titulo sa international modelling competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip, pinanalangin daw niya, "’Lord, kapag nanalo ako... gusto ko talagang manalo. Pero kung ayaw mo, ipakita mo sa akin ’yong gusto mong mangyari.’

"Kasi, it could have been anyone but He made me win so super overwhelming ang feeling."

Sa darating na Marso, lilipad patungong Singapore si Danica para sa Fashion Week doon. Pagkatapos nito, marahil ay babalik na siya sa U.S. para sa kanyang mga modeling assignments.

(CLICK HERE to read related article.)

TRYING OUT SHOWBIZ. Sa aming panayam, tinanong ng PEP si Danica kung sakali ba ay gusto niya ring pasuking ang local show business.

Natawa ang dalagang anak ng dating supermodel at ngayo’y kilalang make-up artist na si Lala Flores.

Bukas daw siya sa ideya na ito pero hindi pa niya seryosong napag-iisipan.

Kung magkaroon ng pagkakataon, gusto raw ni Danica ang mag-host.

"Light lang. Kasi masaya ako na masaya lang.

"Puwede ’yong mga kunwari parang Project Runway, pero not exactly Project Runway."

Pagdating naman sa pag-arte, gusto ni Danica na subukan ang comedy.

Nang tanungin ng PEP kung sino ang gusto niyang makasama, sinagot ni Danica si Eugene Domingo.

Ayon kay Danica, malapit na kaibigan ng kanyang ina si Eugene.

Pagkatapos ay ikinuwento niya ang minsang kulitan nila ni Eugene sa social networking site na Facebook.

"Sa Facebook, may joke sila ni Mommy, they’re really good friends.

"Sa Facebook, hinamon po ako ng pose-off ni Eugene. Mag-practice na raw ako."

Sa ngayon, wala pa namang anumang alok kay Danica para pumasok sa showbiz.

At kung sakali, sabi ni Danica, ayaw niya munang maalis ang kanyang atensiyon sa pagiging modelo.

"For now, I’ll focus on my modeling po. Kasi, while you’re here, why not give it your best shot.

"’Tapos afterwards, whatever God wants me to be, kung ano ang destined sa akin ni Lord, I’m gonna enjoy it," sabi ni Danica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN