Richard Gomez defends fellow stars who ran for office: "Hindi naman siguro lahat ng artista bobo."

May 17, 2016
<p>Dinepensahan ng bagong halal na mayor ng Ormoc City, Leyte, na si Richard Gomez ang sarili laban sa mga taong hindi pa rin nagbibigay ng tiwala sa mga artistang nais manilbihan sa bayan. Aniya, "Hindi naman siguro lahat ng artista, puro pag-aartista la

Ipinagtanggol ni Richard Gomez, ang mayor-elect ng Ormoc City, ang sarili sampu ng mga artistang pumasok sa pulitika sa mga taong kumukuwestiyon sa kakayahan nila para manungkulan sa bayan.

Sa panayam ng News To Go ng GMA News TV ngayong araw ng Martes, May 17, sinabi ni Richard na hindi naman lahat ng artista ay walang alam sa public service.

Sabi ng 50-year-old actor-turned-politician, “Madali kasi magsalita na, 'Artista lang 'yan,' pero kailangan makita rin nila sino ba 'tong mga artista na 'to.

“Hindi naman siguro lahat ng artista bobo, hindi naman siguro lahat ng artista, puro pag-aartista lang ang alam.

"Marami rin times na dapat bigyan nila ng pagkakataon yung mga artista.

"Kasi yung pag-aartista, trabaho lang natin 'yan, e. Wala naman tayong pinagkaiba sa mga ibang tao na may ibang klaseng trabaho na gusto pumasok sa pulitika."

Bukod kay Richard, muli ring nahalal ang asawa niyang si Lucy Torres bilang representative ng fourth district ng Leyte.

Continue reading below ↓

Ito ang unang panalo ng actor matapos siyang sumabak sa iba’t-ibang eleksiyon nitong mga nagdaang eleksiyon, kung saan hindi siya pinalad.

Sabi pa ni Richard, "Ganun lang talaga, if you really wanna do something good for your country, keep trying lang.

"'Tapos ito, dumating na yung panahon ngayon."

Last-minute filing ang nangyari kay Richard.

Sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng aktor na gusto raw talaga niyang magkaroon ng pagbabago sa Ormoc.

Read: Richard Gomez tries his luck again for mayoralty race in Ormoc City

Kahit masasabing nakatulong ang kanyang kasikatan sa kanyang pagtakbo, ang magandang pagplano raw nila ng kanyang mga kasamahan sa kampanya ang susi sa kanilang tagumpay.

Aniya, "Careful planning lang talaga.

"We were taking calculated risks 'tapos proper implementation lang nung planning namin for the campaign.

"Naging positive naman yung turnout this time.

"Yung pagka-artista, yung maganda lang doon, nakikilala ka kaagad.

"Di mo na kailangan magpakilala sa mga tao.

Continue reading below ↓

"You can go direct kaagad sa kung anong gusto mo gawin para sa kanila."

PEACE AND ORDER, TOURISM. Bilang alkalde ng Ormoc, pagtutuunan ng pansin ni Richard ang peace and order, tourism, at economic programs ng lungsod.

Sabi pa niya, "We always believe na pag maganda ang peace and order situation, kasabay nito ng magandang tourism program, socio-economic program, madaling umunlad ang isang lugar."

"We have a good tourism program. 'Pag na-implement nang tama yun, di matatakot pumasok yun mga turista.

"'Tapos yung mga negosyante, hindi rin sila matatakot na pumasok kasi magiging peaceful yung lugar."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Dinepensahan ng bagong halal na mayor ng Ormoc City, Leyte, na si Richard Gomez ang sarili laban sa mga taong hindi pa rin nagbibigay ng tiwala sa mga artistang nais manilbihan sa bayan. Aniya, "Hindi naman siguro lahat ng artista, puro pag-aartista la
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results