Elmo Magalona denies romance rumors with Lauren Young; Julie Anne San Jose says she is not jealous

Elmo Magalona (left) and Julie Anne San Jose (right) won the Most Stylish Love Team Award at the Candy Style Awards held at the Rockwell Tent last night. Meanwhile, Elmo has denied rumors of a relationship with Lauren Young (inset).


Itinanggi ni Elmo Magalona na may namamagitan sa kanila ni Lauren Young.

Dumating sa kauna-unahang Candy Style Awards kagabi, May 4, na ginanap sa Rockwell Tent ang magka-love team na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na nanalo bilang most Stylish Love Team.

Nandun din si Lauren Young kasama ang kanyang ate na si Megan. Ang dalawa ay nanalo bilang Most Stylish Sisters.

Magkasabay namang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang magka-love team.

Tinanong namin si Elmo kung ano ang reaksiyon nito sa balitang nakakatanggap daw diumano si Lauren ng mga hate messages mula sa mga fans ng JuliElmo.

“Hindi ko sure. Hindi ko sure kasi…hindi ko naman nakikita yung mga ganung…”

“Pero, kasi…hindi naman namin hawak yung ginagawa ng mga tao…”

“Pero…it’s like, it’s not our business...it’s no one’s business…”

“Kung ano na lang yung nangyayari…alam mo yun, hindi namin alam kung ano yung magiging reaction,” ang sagot ng binata.

Si Julie Anne naman ang hiningan ng pahayag kung ano ang kanyang pakiramdam at may mga taong pinagbabangga sila ni Lauren.

“Actually, ano e...Kasi...wala naman po talaga kami dapat pag-awayan dahil, in the first place, hindi pa naman po kami nagkakatrabaho ni Lauren.”

“And, ayun…parang…okay naman po kaming dalawa. Pag nagkikita kami, as in casual lang.”

“So, parang, I don’t get the point na parang, ah, naghahanap sila ng way para pagbanggain kaming dalawa,” sagot ng dalaga.

Nauna nang ipinahayag ni Julie Anne na may girlfriend na si Elmo ngunit binawi rin niya ito at diumano’y maaring “na-misquote” lamang siya. (CLICK HERE to read related article)

Hindi ba ito nakakaramdam ng kahit konting selos sa kanyang ka-love team?

“Wala naman po…Kasi talagang magkakaibigan po talaga kami. She’s nice naman po,” ayon kay Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang si Elmo muli ang tanungin tungkol sa isyu, malinaw nitong itinanggi na may relasyon sila ng Kapamilya actress.

“Uhm, wala talaga kong masabi. Kasi, parang lahat na lang, kino-connect sa akin.”

“As in, lahat na lang na…yung makasama ko for one day or for one week, kino-connect na kaagad sa akin,”

“It’s like, I can’t hang out with another girl,” may ngiti naman niyang sagot.

FACEBOOK. Maaaring isang dahilan ng patuloy na pag-uugnay kina Elmo at Lauren ay isang Facebook fanpage account na may pangalang “Elmo Magalona & Lauren Young” kung saan may mga larawan ang dalawa na magkasama sa iba’t-ibang pagkakataon.

Sinusundan din ng mga fans ng “EMLY” [tumatayo para sa kanilang mga initials] ang pag-uusap ng dalawa sa Twitter.

Isang post ang nagpakitang binati ni Lauren (@loyoung) si Elmo (@SuperElmo) noong kaniyang kaarawan.

Ngunit nang tanungin si Elmo kung may special someone siya sa kasalukuyan, “Right now, wala naman…” ang kanyang sagot.

BITTERSWEET. Sinasabing sa kanilang mga susunod na proyekto ay maghihiwalay na ang landas nina Julie Anne at Elmo, upang magbigay-daan sa kanilang mga solo careers.

Ayon sa dalawa, "bittersweet” daw ito para sa kanila.

Wika ni Elmo, “Actually…kasi…it’s happy na…nakakuha pa kami ng more projects, but it’s also sad na parang…hindi siya yung kasama ko.

“Kasi, ano e...it’s happy because, it’s a happy, thing…’cause I get to experiment. Pero kasi [pag kami], alam na namin yung gagawin namin.

“Sanay na kami sa isa’t-isa e. You know…It’s easier pag kaming dalawa."

Sumang-ayon naman dito si Julie Anne, “Parang mas sanay kasi kami…parang mas gamay kasi talaga namin yung isa’t-isa.

“So yung parang sabi niya…bittersweet. Although may ups… maraming mga projects na dumadating talaga…

“...and bitter, dahil, yun nga…baka hindi kaming dalawa yung magkatambal…hindi na kami yung magkapartner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JUST ONE SUMMER. Gayunpaman, kaabang-abang pa rin ang ginagawang pelikula nina Julie Anne at Elmo na inaasahang ipapalabas ngayong May.

Ayon kay Elmo, tapos na ang shooting ng higit sa kalahati ng pelikula na kinuhanan nila sa San Miguel, Bulacan.

Pinakahihintay ng mga JuliElmos ang kissing scene ng dalawa. Tinanong namin ang dalawa kung ano ang pakiramdam nila sa ginawang eksena.

“Uhm, it’s not what everyone thinks it is. Hindi…But…it’s a magical scene where, uhm, something intimate happens. So it’s really nice,” ang sagot ni Elmo.

Ayon naman kay Julie Anne, “Pero, it felt great kasi parang it’s like…the scene…yun yung kunwari, yung isa may problema, dun nagko-confide yung isa…

“And parang, dun yung isa naman…kinocomfort yung kaibigan niya…na, as in sobrang parang ang dami-dami niyang pinagdadaanan,” patuloy pa nito.

AWARDS. Kamakailan lamang ay kapwa nanalo sina Elmo at Julie Anne sa 34th Box Office Entertainment Awards bilang Best Male at Female Singer/Performer, respectively.

Ano naman ang pakiramdam at pareho pa silang nanalo ng magkahiwalay na awards na iyon?

“Actually, it’s really an honor for me and for him. Pero kasi siyempre, parang unbelievable din,” masayang wika ni Julie Anne.

“Kasi, ako, as an individual, nanalo ‘ko as female singer. Pero, somehow, associated pa rin kami [sa isa’t isa].”

Aminado ang dalawa na malaking “factor” ang kanilang teamup sa pagkakapanalo nila ng mga naturang awards.

“Uhm, malaking factor din yun, kasi, uhm, kasi most of our performances naman magkasama kami e,” wika ni Elmo.

“So, maybe 30 percent lang ang, mag-isa ako, or like, 40 percent.”

“Malaking factor po talaga,” pagsang-ayon ni Julie Anne.

Masaya din ang dalawa sa nakuha nilang award noong gabing iyon na Most Stylish Love Team.

Ayon kay Elmo, “Ano rin… parang nakakatuwa. Because, uh, natawag akong stylish.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ako, simple lang naman ako manamit. And, uh, but I like to style…yeah… I like looking fancy,” dagdag pa nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN