PEP EXCLUSIVE: Wendy Valdez confirms annulment of her marriage to Bruce Quebral has been granted

Wendy Valdez shares these lessons after her marriage to Bruce Quebral has been annulled: “I’m a very impulsive person and... na hindi lahat ng emotions ko tama, hindi lahat ng emotions ko kailangan ko i-act out, and that I should look for my own happiness."


Annulled na ang kasal ni Wendy Valdez kay Bruce Quebral.

Ito’y kinumpirma mismo ni Wendy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang amin siyang makapanayam sa telepono kagabi, Mayo 21.

“It’s actually out now,” pagkumpirma ng aktres.

“Tinawag lang siya sa akin ng lawyer ko the other day lang.

“Hindi lang namin binabanggit with other people during the process, pero that’s final na.

“The annulment is out.”

Tatlong taon na raw ang nakalipas nang i-file ng dating mag-asawa ang annulment ng kanilang kasal.

WHAT WENT WRONG? Ayon kay Wendy, ang tingin niyang dahilan ng pagtatapos ng kanilang relasyon ni Bruce ay ang “impulsive decision” nilang magpakasal.

Nagkakilala sina Wendy at Bruce nang pareho silang maging housemates sa second season ng Pinoy Big Brother noong 2007.

Isang taon na silang magkasintahan nang naganap ang kanilang kasal noong Mayo 10, 2009 sa Mabalacat, Pampanga.

(CLICK HERE for related article.)

“We basically parted ways,” sabi pa ni Wendy.

“Pero siguro… I think nakatulong din ’yon, kasi nga, uhm... we were not mature, e.

“Ako, basically, I would admit I was immature enough to get married at that time.

“It was an impulsive decision for me to get married because I want to see him often.”

Nagkalayo ang mag-asawa nang lumipat si Bruce sa Dubai para magtrabaho bilang isang flight attendant.

Simula nang manirahan si Bruce sa Dubai, dalawang beses kada dalawang buwan o minsa pa raw ay isang beses kada tatlong buwan lamang silang magkita ni Wendy.

Bagamat niyaya siya ni Bruce na manirahan kasama niya sa Dubai, hindi raw ito mapagbigyan ni Wendy.

Sabi ng actress-singer, “We talked about it, na I will travel there.

“Kaya lang, there’s a lot of things that I want to do here and hindi ’yon ang gusto kong gawin.

“Nakadagdag ’yong fact na we’re apart, pero I think now it was because we’re making impulsive decisions din no’ng time na ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I believe we became dependent on seeing each other, that we don’t see others anymore.

“Parang ano, e, we’re so lost in love and the fun of it, that we don’t have other people in our world.”

Pero ganito man daw ang kinahinatnan ng kanilang kasal, wala raw siyang masasabing masama kay Bruce dahil sinubukan nitong isalba ang kanilang relasyon.

“For me, I just want to be very honest with the guy,” paliwanag ni Wendy.

“He was doing everything to make it work— talagang lahat.

“So, ako naman kasi, hindi talaga... hindi pa talaga ako buo by myself.

“I was always looking for someone, you know, to support me, to make me happy—there you are and you give everything to me.

“But at the end of the day, I will still look for something that will complete some aspects of my life.

“Sabi ko, ‘yong kulang na ‘yon ang kailangan kong mahanap.”

REALIZATIONS. Bagamat hindi nagtagal ang kanilang pagsasama, maraming “realizations” naman daw ang nabigay nito sa kanilang dalawa, lalung-lalo na kay Wendy.

“I think, situations that happened with me and Bruce, and all the situations in my life and his life as well, to finally wake up to something na like a realization na ano, mayro’n kaming mga maling ginagawa even before we met each other.

“‘Tapos na-tolerate lang ‘yon when we met each other, and it did not help us to grow.

“Ako, since napanood ng mga tao sa [Pinoy Big Brother], I was so impulsive, I was ruled out by my emotions.

"So, para akong naging ano... puppet ako ng emotions ko.

“Ang dami kong nare-realize nang mangyari ‘yon sa amin ni Bruce—you started to see things that pushes you, that will hit you that hard para magising ka na things are not just like these, that there’s much to it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung mayroon man daw importanteng aral na natutunan si Wendy sa lahat ng ito, iyon ay huwag magpadala sa iyong emosyon.

“Ako ‘yon, na I’m a very impulsive person and na hindi lahat ng emotions ko tama, hindi lahat ng emotions ko kailangan ko i-act out, and that I should look for my own happiness.

“Kasi right now, hindi ko kasi ‘to na-feel, e, for so many years na masaya ’ko just by myself, because I’ve been to relationship after relationship.

“Ngayon ko lang na-experience ‘yong wala, and na-realize ko na kaya ko pa din palang maging masaya kahit ako lang, with my family—‘yong focus ko nasa mga ibang bagay and with knowing myself.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN