Mon Tulfo says new video from the airport incident was shot "after the brawl"

Veteran broadcaster Mon Tulfo granted a live interview with Boy Abunda on The Buzz to talk about the latest video taken from the NAIA Terminal 3 brawl involving him and couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.


Muling ipinalabas sa The Buzz kahapon, May 27, ang pinakabagong amateur video na kuha mula sa insidenteng nangyari sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, at ng broadcaster na si Mon Tulfo, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6.

Sa video na ito, makikita na isang naka-kulay pink na lalaki ang tila unang namisikal at sumampal kay Mon.

Ang lalaking ito ay sinasabing kasamahan nina Raymart at Claudine.

Unang ipinalabas ang video na ito sa Aksyon TV noong May 25, Biyernes.

(CLICK HERE to read related story.)

AFTER THE BRAWL. Sa live interview ni Boy Abunda kay Mon Tulfo, tinanong ng una ang huli kung ano ang halaga ng naturang video para sa kanya.

Sagot ng veteran broadcaster, “Ipinapakita lang na hindi nila ginagalang ang awtoridad.

“Actually, tapos na yung brawl. This is after the brawl.

“’Tapos, after the brawl, yung sinasabi ko na marunong ako ng aikido [Japanese martial art], ang ginagawa ko lang, umiiwas lang ako, itinutulak ko sila.

“Kaya tingnan mo, wala silang mga pasa.”

Ipinakita rin sa video na tumatawa si Mon.

Paliwanag niya rito, “Kaya tumatawa ako riyan, kasi, sabi ko, ‘Hindi alam ng mga batang ito ang kanilang ginagawa.’

“Kaya noong sinampal ako, doon ako nagalit na.

“Sabi ko, ‘Bakit nandito na ang mga guwardiya…’ may mga pulis na diyan, e.”

Noong nagalit siya, ano ang ginawa niya?

“Kaya nga sinuntok ko ‘yan [the guy in pink shirt]. Bumagsak ‘yan.

“At saka ilang beses ‘yan napabagsak sa brawl.

“Tinutulak ko, ilang beses ko napabagsak ‘yan.

“Napabagsak ko rin si Raymart.”

Kuwento pa niya, “Sabi ko, itong mga batang ito, hindi nila alam ang ginagawa nila.

“Ayan, minumura ako. Itong naka-pula, itong si Claudine, mura nang mura sa akin. ‘Walanghiya ka, ganoon, pakialamero ka.’”

THE GUY IN PINK T-SHIRT. Ayon kay Mon, kilala na rin niya kung sino ang lalaking naka-pink na t-shirt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya si Eduardo Atilano. Financial Consultant.

“Maganda ang trabaho nito. Malaking tao ito.

“Kasing-tangkad ko siya o mas matangkad siya sa akin.”

Nakipag-communicate na ba ang pamilya ni Eduardo sa kanya?

“Hindi, nabasa ko na lang kung sino siya.”

Bukod kina Raymart at Claudine, sinampahan din ni Mon ng mga kasong physical injuries, grave coercion, at grave oral defamation si Eduardo.

SOURCE OF THE NEW VIDEO. Pero paano ba napasakamay ni Mon ang bagong video na ito?

“Alam n’yo, nagmalasakit na nga lang sa akin yung nag-upload ng video.

“Hindi ba, ilang beses ko nang sinasabi na, ‘Magpakita ka sa akin, magpapasalamat ako sa ‘yo.’

“Nagpakita yung tatay niya. Binigay itong video.

“Sabi niya, ‘Huwag mo na lang idamay ang anak ko kasi ayaw niyang madamay sa korte, sa mga procedure.”

Interesado pa rin daw si Mon na makita o makuha ang unang bahagi ng video na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin.

“Of course, I am.

“In fact, ang pinag-umpisahan niyan, noong kinukuha nila sa bulsa ko yung video. Kaya yun ang pinag-umpisahan.

“Ito [bagong video], tapos na ito. Dumating na ang mga security guards kaya kampante na ako.

“Talagang gusto nilang kuhanin yung telephone ko na may camera.”

TEMPORARY PROTECTION ORDER. Kinuha rin ni Boy ang reaksiyon ni Mon sa pag-grant ng korte ng petition for temporary protection order sa mag-asawang Raymart at Claudine.

Ibig bang sabihin nito ay bawal nang lumapit si Mon at ang kanyang mga kapatid sa mag-asawang Santiago within 500 meters?

“Hindi ako covered niyan. Yung mga kapatid ko lang,” paglilinaw ng broadcaster.

“At saka kung halimbawa naman, nandoon ako sa isang restaurant at dumating sila, ‘Umalis ka rito dahil covered ka,’ sasabihin ko, ‘Nauna ako rito bakit n’yo ako paaalisin?’”

Hiningan din si Mon ng reaksiyon sa naging pagkakaayos ni Claudine at ng dalawang Cebu Pacific employees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, bahala na sila do’n. In fact, nagsimula ang gulo dahil kinunan ko si Claudine na minumura yung Cebu Pacific employee.”

Ngayong nasa korte na ang nangyari sa kanila, siguradong sasabihin ng judge kung bukas ba sila pareho na pag-usapan muna at kung puwede pang magkaayos.

Kung sakali, magiging bukas ba sila sa ganitong usapin?

“Alam n’yo, kailangang kausapin ko ang pamilya ko, mga kaibigan ko, kasi sila ang nasaktan. At saka mga abugado ko.

“Hindi ito personal decision,” tugon ni Mon.

Dagdag pa ni Mon, wala raw sa panig nina Raymart at Claudine ang sumubok na makipag-usap sa kanya at ganoon din naman daw sa parte niya.

Sa huli, tinanong ni Boy si Mon kung ano ang mensahe na gusto nitong iparating lalo na sa mga manonood.

“Nakita n’yo po ang video. Kung nakita n’yo, tapos na ho ang gulo.

“Wala silang… hindi ko sila nasaktan.

“Kaya ako tumatawa nang ganoon kasi, sabi ko, nandito na ang mga alagad ng batas, e, security guards ng airport at yung airport police.

“’Tapos sabi ko, hindi alam ng mga batang ito ang pinaggagawa nila. Masyado nang nakakalalaki.

“’Tapos nag-umpisa na naman ng gulo noong binatukan ako, sinampal ako.

“E, sabi ko, hindi na tama ito. Kaya nasuntok ko siya.

“’Tapos yung isa, si Raymart, e, trinaydor ako. Inipit ako. Masyado na kasi akong kampante.

“Kawalan ho ‘yan ng respeto, paggalang sa awtoridad.”

Pagkatapos ng panayam kay Mon ay sinabi ni Boy na bukas din daw sila sa panig nina Raymart at Claudine.

RAYMART-CLAUDINE STATEMENT. Sa statement na ipinadala ng legal counsel nina Raymart at Claudine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay nagpaalala ito na huwag agad magbigay ng konklusyon sa mga video na lumalabas, kabilang na ang bagong video.

Narito ang buong pahayag ng Gana Atienza Avisado Law Office, legal counsel ng mag-asawa (published as is):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At this point, we can only reiterate what we said earlier. We cannot form conclusions based only on mere seconds of footage, which represents fragments of the true story. It is important to bear in mind how simple editing in sequencing can easily mislead us. The case is before the proper courts, which will undoubtedly base their decisions on the ENTIRE turn of events.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN