Roderick Paulate chooses not to talk about allegations against him: “Less talk, less mistakes."

Roderick Paulate on intigues in politics: "Kasi mahirap kapag artista dahil mas pinag-uusapan. Katulad ngayon, tinatanong mo ‘ko, pero kung [kay] Juan dela Cruz nangyari ito, hindi mo tatanungin. You’re interested kasi showbiz ako. Gusto n’yo pag-usapan, ma-news. But because it’s their job to write, gusto nila.”


Tatlong araw ginanap ang audition para sa National Capitol Region (NCR) leg ng Protégé, ang reality show ng GMA-7, sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nagsimula ito noong Lunes, June 18, at natapos kahapon, Miyerkules, June 20.

Kahapon ginanap ang call back para sa mga napili noong unang dalawang araw. Dito na dumating at namili nang personal ang NCR mentor na si Roderick Paulate ng magiging protégé niya.

Bukod kay Roderick, ang iba pang mentors sa second season ng Protégé ay sina Ricky Davao (North Luzon), Gina Alajar (South Luzon), Jolina Magdangal (Visayas), at Phillip Salvador (Mindanao).

Nagpakita na ng excitement si Roderick nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters na bumisita sa audition kahapon.

Aniya, “Actually, kaya kami excited, parang ganoon ang tema… magkakaibigan kami, pero kailangang makakuha kami ng magagaling na artista.

“Na bata pa lamang, pero masasabi nating potensiyal at panlaban talaga.

“That’s why siguro, kung makukuha ko rito ang mga breed of new stars, I will really talk to them. Mag-uusap kaming talaga.

“Kakarerin natin ‘to at kung sino ang lalabas na magsa-shine sa kanila.”

Bilang mentor, ano ang hinahanap ni Roderick sa kanyang magiging protégé?

“Of course, ever since naman sa entertainment industry, plus factor talaga ang ganda, di ba? Plus factor talaga yung guwapo.

“Plus factor talaga yung may tindig. Siyempre, pati yung looks at height niya.

“But ako, aside from that, hahanapin ko talaga yung may acting ability. Parang yun ang gusto kong makita rito.

“Para naman yung character niya, hindi lang siya maganda, may texture.

“Merong kakaiba sa kanya na makikita mo na dapat ilabas doon sa batang yun.

“I believe, kung puro ganda lang ‘yan, maraming papalit na maganda.

“Kung guwapo lang ‘yan, maraming papalit na guwapo.”

Dagdag na paliwanag ng veteran actor, “Ako, naniniwala ako dito na ang hinahanap ko, yung tatagal sa industriya. Na sasabihin niya na, ‘I am an actress and I am also a star.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang gusto ko, hindi pang pang-star, pang-actress din.

“I really believe dito sa industriya natin, kailangan din natin na maka-produce tayo ng magagaling na artista. Hindi lang pa-cute.

“Sana, yun ang makita ko dito.”

THE EYES. Sa mga nag-audition sa MOA, may mga nakita raw si Roderick na may mga potensiyal.

“Mas tinitingnan ko ang mata nila. Mas tinitingnan ko kung may sincerity.

“That’s why kanina, pinapa-close-up ko, gusto kong makita habang nagsasalita sila.

“Madali kasing magsalita na ni-rehearse nila yun.

“At the same time, ang isa palang basehan ko kanina… parang excited ako ‘no?” biro niyang pansin sa sarili.

“Well, of course, isa sa basehan ko kanina, kinu-konsider ko ang pananalita.

“Naniniwala ako that a good actress, a good actor, dapat magaling sa pagbigkas.

“Very important sa akin ang delivery of lines.”

Noon daw ay dumaan din si Roderick sa pag-o-audition. Yung ikalawang pelikula raw niya sa Lea Films ay nag-audition siya.

“Nakaka-relate ako. Although, of course ngayon, parang mas provided sila.

“Pero kami noon, parang nakakatakot yung mga director, parang ‘Impress us!’ Ganoon, e.

“Ngayon, we’re very kind to them. We help them. We support them. “

Ayon kay Roderick, hindi pa sila nagkikita ng mga kapwa niya mentors.

Pero sabi rniya, “Noong nalaman ko na sila, na-excite ako. At gagalingan din namin kung sino ang mapipili namin.”

Aware si Roderick na bukod sa Protégé, may mga artista search din ang ibang networks.

“Yeah, pero ako, okay lang yun. Kasi, masaya naman ako para ma-accommodate naman. May mga station naman.

“Basta at the same time, magaling lang. Dapat lang talaga.

“Ako, gusto ko itong mga batang ito, 60 sila, pero mukhang marami pa.”

POLITICAL CAREER. Bukod sa pagiging artista, si Roderick ay naninilbihan ngayon bilang konsehal sa District 2 ng Quezon City.

Unang termino pa lang niya ngayon, pero binabato na siya ng mga intriga sa pulitika. Nariyang may ghost employees daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Aniya, “Okay lang ‘yan. But I will answer that in a proper venue, not in entertainment world.

“I’m working. So, medyo may mali na, di ba? Isipin n’yo—I’m working,”

Basta hinihintay lang daw niya ang tamang panahon para mas malinaw ang lahat.

Pero kung papansinin daw, may mga ibang kalaban siguro siya sa pulitika na ginagawan siya ng intriga para mapag-usapan.

Sa kabila kasi ng intriga kay Roderick sa panunungkulan niya bilang konsehal, nangunguna siya sa isinagawang surveys sa apat na magkakaibang posisyon.

“Well, I am learning. Bago ako, e.

“Pero ang sa akin lang, as long as you know yourself, let it be.

“Kasi kung hindi, magmumukmok ako, hindi n’yo na ako makakausap. Wala na ako sa Protégé.

“So, you know how I am. Alam n’yo kung papaano ko hina-handle, ito na yun.”

Siguradong tatakbo pa rin daw siya sa 2013 elections.

“Oh, yes. And actually, nasagot ko na ‘to.”

Nakita ba niya ang kaibahan ng intriga sa politics at sa showbiz?

“I guess so,” sambit ni Roderick.

“Kasi before naman ako, may nakausap na kayong ibang artista diyan—si Vilma [Santos], si Bong [Revilla]…

“So, you know, sinasabi nila na mahirap. Kasi mahirap kapag artista dahil mas pinag-uusapan.

“Katulad ngayon, tinatanong mo ‘ko, pero kung [kay] Juan dela Cruz nangyari ito, hindi mo tatanungin.

“You’re interested kasi showbiz ako. Gusto n’yo pag-usapan, ma-news.

“But because it’s their job to write, gusto nila.”

Dugtong niya, “You know what, I tell you the truth…

“Kaya rin naman iniiwasan ko ang masyadong magsalita, less talk, less mistakes.

“Kasi, alam naman ng marami nating kaibigan na pinupulitika ako.

“Gusto lang ng tsismis para makarating hanggang election, pag-usapan, di ba? So, ‘wag ganoon.

“I have friends in the industry na naiintindihan nila na let’s not talk about it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nangangamba na baka gamitin yung mga intriga na yun laban sa kanya, lalo na sa susunod na eleksiyon?

“Hindi naman. Kasi ito ang nakakatakot—maganda ang rating ko pa rin kahit na ginagawan tayo ng mga tsismis.

“Kasi, nagna-number one, nagna-number two, kaya titirahin ka.

“So, hindi ko alam, that’s why I keep quiet.”

Ano ba ang natutunan niya sa mga nangyayari?

“Dapat shut up!” natatawa niyang sabi.

QUEZON CITY FILM FESTIVAL. Bilang konsehal ng Quezon City, isa si Roderick sa nagsusulong ng pagre-revive ng Quezon City Film Festival.

Sabi niya, “Actually, I suggested that noong pag-upo ko pa lang.

“Sinabi ko na sana magawa ang Quezon City Film Festival because noong way back 1974, nanalo ako ng Best Child Performer sa Quezon City sa Ugat by Alaminos Film.

“Sabi ko lang, noong naupo ako, interesado ako na…

“Sabi ko, ‘Bakit wala nang Quezon City Film Festival, samantalang ang daming sinehan na ginagamit sa Quezon City?’

“So, I guess, dapat magkaroon din kami.

“Pinu-push namin at inaayos namin ni Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.”

MARIAN RIVERA. Bukod sa Protégé, napapanood din si Roderick sa isa pang show ng GMA-7, ang comedy series na Tweets for My Sweet.

Nang kumustahin sa kanya ang co-star niyang si Marian Rivera, nakangiti nitong sinabi na, “Ay, masarap katrabaho si Marian!

“Very sweet at sa trabaho namin, palagi akong may chocolates, palagi akong may pagkain.

“But most of all, ang gusto kong malaman din, e, gusto kong sabihin na wala… she’s ano, komedyante siya, ha. Ang kulit niya. Kiss nang kiss.

“Parang si Maricel [Soriano]. Halik siya nang halik sa akin.

“First time pa lang naming [magkatrabaho]. Minsan nga, ako pa ang kinu-conscious niya.

“Panoorin n’yo ang TV, di ba, kinikiliti pa niya ako minsan?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN