Dolphy undergoes dialysis; Quizon family sees glimmer of hope

“The reason why the option of dialysis was offered to us and the reason why we opted for dialysis is because overnight his vitals became stable. That was the longest time that his vitals were stable. But like I said, his condition still fluctuates,” explains Eric Quizon on why the family agreed to dialysis for Comedy King Dolphy.


Sumailalim sa dialysis ang Comedy King na si Dolphy kaninang hapon, June 21.

Ito ang tinutukoy ni Eric Quizon, anak ng beteranong aktor, na medical procedure na iminungkahi ng mga doktor upang makatulong sa problema sa kidneys ng kanyang ama.

(CLICK HERE to read related story.)

Ang dialysis ay isang proseso kunsaan tinatanggal ang waste at excess water mula sa dugo.

Dahil sa dialysis ay bahagyang bumuti ang kalagayan ni Dolphy, na nagbigay naman ng pag-asa sa kanyang mga mahal sa buhay.

Isa pang ikinakatuwa ng pamilya Quizon ay ang pagmulat ng mga mata ng Comedy King kanina.

Lahad ni Eric, sa isang maikling press conference sa Makati Medical Center kanina, "Ang maganda lang din dito kasi, na somehow nagmulat ang kanyang mata for a while at tumingin siya sa paligid.

"At maganda lang do’n, siyempre natuwa ang mga kapatid ko, kaming lahat, dahil alam namin na nadidinig niya kami nung time na ’yon.

"Somehow, he was trying to really communicate more than just like yung binubulungan namin o sinasabihan namin ng mga... ng mga pinapasabi ng mga nagmamahal sa kanya—which is good.

"So somehow, there is that glimmer of hope."

Ngunit patuloy pa rin ang pagbabantay sa kalagayan ni Comedy King dahil bumaba ang platelet count nito at may namataan ding internal bleeding.

Sa kabila nito, nagpapasalamat ang buong pamilya Quizon sa lahat ng mga nagdarasal para sa paggaling ng beteranong aktor.

Ilan sa mga kaibigang artista ni Dolphy na bumisita sa kanya sa Makati Medical Center ay sina Maricel Soriano, Ai-Ai delas Alas, Carmi Martin, at Nora Aunor.

Nagpaabot na rin ng panalangin sa pagbuti ng kalagayan ng Comedy King sina President Noynoy Aquino at Vice President Jejomar Binay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN