Andi Eigenmann embarrassed to be associated with Albie Casiño; claims she’s single but has an "inspiration"

Andi Eigenmann on Albie Casiño’s statement that he was "semi-traumatized" because of what happened between them: “I think both of us were. I mean, wala namang bad person and good person. We were both so in love and we were both young at the same time. Hindi ko naman po sinasabing siya lang po yung mali, e. Nagkamali din po ako. At alam ko po na nasaktan ko din po siya."


Seksing-sexy si Andi Eigenmann sa kanyang Charina Sarte red backless mini-dress nang humarap sa press sa grand launch ng ABS-CBN primetime series na Kahit Puso’y Masugatan sa 55 Events Place, Quezon City, kahapon July 5.

Matapos ang general presscon, dinumog na ng mga reporter si Andi at agad na binato ng mga tanong.

Kahit pilit na umiiwas, napasagot na rin si Andi sa mga tanong tungkol sa dating karelasyon na si Albie Casiño—na diumano’y ama ng kanyang pitong-buwan na sanggol na babae na si Adrianna Gabrielle o Baby Ellie.

Tinanong si Andi kung ano ang masasabi niya sa balitang may dine-date nang bagong babae si Albie.

“Okay, good for him… Actually, I don’t know how to say it, pero… I don’t care!” natatawang sagot ng 22-year-old single mom.

“I don’t know how I can say it na hindi iisipin ng tao naman na... parang bitter ako or hindi pa ako nakaka-move on.

"Pero I don’t care…” tawa pang muli ni Andi.

Naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nina Andi at Albie noong nakaraang taon. Bukod sa pagpangalan kay Albie bilang ama ng kanyang dinadala noon na sanggol, sinabi rin ni Andi na pisikal na sinasaktan o pinagbubuhatan siya ng kamay ni Albie.

(CLICK HERE to read related story.)

Itinanggi naman ng 19-year-old na binata ang mga pahayag ni Andi.

Itong taong ito, muling pinag-usapan sina Andi at Albie dahil sa reklamo ng huli na may kinalaman ang una sa pagkakabugbog dito sa Fiamma Bar nung madaling araw ng May 5.

(CLICK HERE to read related story.)

Itinanggi naman ito ni Andi. Aniya pa, ni hindi niya nga ito pinagbuhatan ng kamay.

“Hindi ko siya sinampal, binuhusan ko lang ng wine,” sabi ni Andi.

Naka-move on na raw siya mula nung maghiwalay sila ni Albie.

“I had a boyfriend after him na. Why would I be with someone else, if I’m still in love with him?” sabi ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW BOYFRIEND? Hindi pinangalanan ni Andi kung sino ang sinasabi niyang naging boyfriend pagkatapos ni Albie, ngunit marami ang nagsasabing ito ay si Jake Ejercito—ang binatang anak ng dating presidente ng Pilipinas at beteranong aktor na si Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Kahit na parehong walang inaamin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, nakikitang nagde-date sina Andi at Jake, at parehong nagsasabi ng magagandang bagay tungkol sa isa’t isa sa mga panayam sa kanila.

Kung may dini-date na si Albie, meron na rin bang boyfriend o nakikipag-date na rin ba ngayon si Andi?

Natigilan muna ang anak at co-star ni Jaclyn Jose sa Kahit Puso’y Masugatan, bago sumagot.

“Uhm… wala po!” natatawang iling ni Andi na ikinatawa rin ng mga nag-i-interview sa kanya dahil nga sa natigilan muna ito bago sumagot.

“Hindi po. Wala po talaga akong boyfriend,” patuloy ni Andi.

Pinasinungalingan niya rin ang balita na nagde-date daw sila ng anak ni Senator Panfilo Lacson na si Jec Lacson.

“Si Jec po is my friend. Pero hindi po kami nag-date,” sabi ni Andi.

Kinumusta pa rin ng mga nag-i-interview sa kanya si Jake na nababalita ngang boyfriend niya.

“Jake is in London. He’s studying, but we never fail to keep in touch,” nakangiting sagot ni Andi.

EMBARRASSED BEING ASSOCIATED WITH ALBIE. Hangga’t maari nga ay ayaw ni Andi na mapag-usapan si Albie dahil sa naging mapait na karanasan niya rito.

“In all honesty, it embarrasses me to have been associated with a kind of guy like that. Because he doesn’t have good values, di ba? Kaya ayoko po siyang pinag-uusapan.”

Ano naman ang masasabi niya sa pahayag ni Albie na dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ay na-“semi-traumatized” daw ito sa pag-ibig?

(CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think both of us were. I mean, wala namang bad person and good person. We were both so in love and we were both young at the same time.

“Hindi ko naman po sinasabing siya lang po yung mali, e. Nagkamali din po ako. At alam ko po na nasaktan ko din po siya.

“And I believe that, if not for these certain mistakes that I made in my life, I don’t think ganun po kagrabe yung pagtrato niya sa ‘kin when we both found out that I was pregnant—if he didn’t also get hurt,” pahayag ni Andi.

Napatawad na ba niya si Albie?

“The thing is, I don’t know. Because no one has said sorry nor ask for forgiveness.

“Parang hindi po ’ata niya nalalaman na… hindi po niya inaamin kung ano yung ginagawa niya. So, parang…” napakibit-balikat na lang si Andi pagkatapos.

NOT REALLY A BAD PERSON. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na lubos na masama si Albie.

“Albie is a really, really good person. He was my bestfriend.

"Wala pa po kami sa showbiz, kami na.

“We were together for two-and-a half years and iba po siya dati.

“Hindi naman po siya masamang tao. It just so happens na he made decisions na we think aren’t that good in his life.

"Pero… ayun, nagbago rin po kasi siya.

“I guess parang…bumaligtad kasi ang buhay niya nung nag-showbiz siya and everything…” kibit-balikat muling banggit ni Andi.

CLICK HERE to watch video clip of Andi’s interview.

SINGLE WITH “INSPIRATION.” Muling tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi kung may boyfriend ito.

“I have an ‘inspiration’ but I’m single,” sagot ni Andi.

Binuyo si Andi na sabihin ang pangalan ng “inspiration” niya.

Natawa si Andi, “Mapapahamak ako…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta non-showbiz daw, pero kilala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN