Ombudsman suspends QC councilor Roderick Paulate for alleged "ghost employees"

Actor and Quezon City councilor Roderick Paulate was suspended by Ombudsman Conchita Carpio-Morales for allegedly having ghost employees.


Sinuspinde ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang dalawang konsehal ng Quezon City—ang aktor na si Roderick Paulate at si Francisco Calalay Jr.

Ito ay dahil diumano sa pagpapasuweldo ng dalawa sa mga ghost employees. Inilabas ang desisyon noong July 5.

Ayon sa report ng Philippine Star, anim na buwang suspendido sina Paulate at Calalay. Sa loob ng suspensiyong ito ay hindi makatatanggap ng suweldo ang dalawa.

Matatandaang noong May 9, 2012 pa sinampahan ang dalawa ng reklamo sa Ombudsman para sa parehong kaso. (CLICK HERE to read related story.)

Matatandaan ding itinanggi ni Paulate ang akusasyon sa isang panayam noong May 12. (CLICK HERE to read related story.)

Ngunit ayon sa imbestigasyon ng Ombudsman, nagkaroon umano si Paulate ng 30 ghost employees mula Enero hanggang Nobyembre 2010.

Sa parehong panahon, nagkaroon din daw si Calalay ng 29 ghost employees.

Pinapasuweldo umano ng dalawa ang mga ghost employees ng mula P2,500 hanggang P5,000 bawat buwan. Kung susumahin, nakapagbigay umano si Paulate ng P1.1M at si Calalay ng P2.2M sa mga ghost employees.

Napag-alaman din na ang mga nasabing empleyado ay walang birth records mula sa National Statistics Office, hindi rehistradong botante sa Quezon City, walang clearance mula sa National Bureau of Investigation, at hindi kilala sa mga address kung saan umano sila nakatira.

Dahil dito ay hinaharap nina Paulate at Calalay ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act; pati na ang administrative charges para sa grave misconduct, serious dishonesty, at falsification of official documents.

At sa desisyon ng Ombudsman ay nakakuha umano sila ng “strong evidence of guilt” mula kina Paulate at Calalay, na "knowingly or willfully used their positions in placing under the employ of the local government of Quezon City, several ghost employees, and receiving their salaries, wages and other emoluments for their own personal gain.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Paulate at Calalay sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN