Vandolph on why he did not join the eulogy service for his father, Dolphy: "What is between me and my dad, sa amin na lang ’yon."

Vandolph on losing his father Dolphy: "Ito yung pagsubok... na we must be strong for him. And I should be strong, for my kids [Kira, 4 years old, and Vito, 3] and my wife [Jenny Quizon], and for myself. His legacy will live in my heart and in my mind."


Kabilang sana si Vandolph sa representative members ng Quizon family na nahilingang magbigay ng eulogy para sa yumaong amang si Dolphy, sa ginanap na necrological services noong Thursday, July 12, sa Heritage Memorial Chapel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kasama sana nina Eric Quizon, Dolphy Jr., Marikit at Nicole Quizon, at Maricel Soriano ang only son nina Dolphy at Alma Moreno.
Pero wala si Vandolph sa ginanap na tribute para sa Comedy King. Ilang oras matapos yun, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdating ni Vandolph at agad naman itong nagpaunlak ng maikling panayam.
"Ayoko, e. Ayoko," pagtanggi raw ni Vandolph na magsalita sa necrological rites. "Sabi ko, ’wag na ako. Hindi na muna ako..."
Hindi kasama ni Vandolph ang inang si Alma Moreno nang dumating sa memorial chapel. Sabi niya, darating si Alma, on July 13 (Friday).
Dumating nga si Alma ngunit nakaalis na siya nang magkaroon ng commotion sa lamay ni Mang Dolphy, sa pagitan nina Annabelle Rama at entertainment writer, Chito Alcid.

(CLICK HERE to read related article)

"What is between me and my Dad [Dolphy], sa amin na lang ’yon," sabi pa ni Vandolph, bilang rason sa hindi niya pagsali sa eulogy service.
Ang mahalaga raw, "Lagi akong nandito [sa wake]," sabi pa ni Vandolph, na hanggang sa huling sandali ni Dolphy, na binawian ng buhay noong July 10, sa Makati Medical Center, sanhi ng chronic obstructive pulmonary desease at iba pang kumplikasyon, ay isa sa mga umaagapay sa amang maysakit.
MESSAGE OF THANKS. Sa puso ni Vandolph, na ang pangalan ay pinagsamang Vanessa (o Venessa, first name ni Alma Moreno) at Dolphy, ang pagpanaw ng dinadakilang Hari ng Komedya, o ng kanyang ama, ay isa raw lamang "pagsubok."
"Ito yung pagsubok... na we must be strong for him," ani Vandolph.
"And I should be strong, for my kids [Kira, 4 years old, and Vito, 3] and my wife [Jenny Quizon], and for myself.
"His legacy will live in my heart and in my mind," sambit din ni Vandolph, of his late father. "I’ll continue doing what he did. Salamat..."
Of his fondest memories of Dolphy, sabi ni Vandolph, "Marami... ano ang pinaka-memorable? Yung siya lang [na nakasama ko habang lumalaki ako].
"Salamat sa lahat ng taong sumuporta at nagdasal, na patuloy na nagdadasal at nagmamahal para sa tatay ko.
"Napakalaking bagay po yun," pagwawakas ni Vandolph.
ANDREW E. Nakasabay rin ng PEP ang pagdalaw to pay his last respects sa yumaong si Dolphy ang mag-asawang Andrew E at Mylene Espiritu.
Sina Andrew at Mylene ay inaanak sa kasal ni Dolphy. They got married in March 2000. Tatlo na ang supling ngayon nina Andrew at Mylene.
Nahihiya raw si Andrew na hindi sila nakadalaw sa ospital nang ma-confine ang kanilang Ninong Dolphy.
"Humingi ako ng paumanhin kay Ninang Zsa Zsa (Padilla, Dolphy’s partner); hindi kami nakapunta sa ospital," sabi ni Andrew.
"She [Zsa Zsa] said, ’It’s okay!’" aniya.
Bilang isang ninong (godparent), galante raw si Dolphy.
Natatawang pagbibida nina Andrew at Mylene, isa raw si Dolphy sa Top 3 ninong/ninang nila sa kasal.
Ang dalawa pa’y ang yumaong Fernando Poe Jr. at ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (bise-presidente ng bansa nang ikasal sina Andrew at Mylene).
"Siyempre, galante [si Ninong Dolphy]!" pagmamalaki ni Andrew.
"Number one, si FPJ, tapos siya [Dolphy]; then, si PGMA," sabi rin ni Mylene.
Bilang "ka-pamilya" na rin ng Quizon clan, dahil sa pagiging anak sa kasal ng namayapa, nagbigay ng mensahe si Andrew:
"Nakikibahagi kami sa kalungkutan ng kanyang pamilya. Kay Zsa Zsa at sa lahat ng magkakapatid, na nangulila sa kanya.
"Napakabait niya sa amin. Lahat ng kabaitan ay naipakita niya sa tao at kami, nakikidagdag lang sa kabaitan na nagawa niya."
DOLPHY’S "UNSCRIPTED" JOKE. Natutuwa si Andrew E na naging bahagi rin ang pamilya nila ni Mylene sa magandang buhay ng Comedy King.
"Napakaraming pagkakataon na si Ninong Dolphy, nagdyu-joke din sa amin. At maaalala namin lagi ’yon. Hindi namin makakalimutan ’yon."
If there’s one thing that he regrets now, ayon din kay Andrew, ’yon ay ang hindi rin nila pagkakaroon ng pagkakataon na magkasama sa pelikula; o mag-guest din sa kani-kaniyang comedy show sa TV5, ang Pidol’s Wonderland (na bida si Dolphy) at ang Kapitan Awesome, na tinatampukan ng rapper-comedian na si Andrew E.
Pero nu’ng nasa ABS-CBN pa si Mang Dolphy ay nakapag-guest daw si Andrew sa Home Along Da Riles, with then mainstays Dolphy and Claudine Barretto.
"Pinaka-paborito ko [sa mga jokes ni Dolphy] nu’ng nag-guest ako du’n.
"Ang eksena, tumalon ako sa tren, tapos dumaan yung tren sa barangay nila.
"Sabi ni Claudine, ’May mamang nahulog, may mamang nahulog!’ Sabi niya [Dolphy], ’Tingnan ko nga. Kilala mo ba ang taong yun?’
"Sabi uli ni Claudine, ’Daddy, hindi ko kilala ito. Baka hindi taga-rito..’ Sabi uli ni Tito Dolphy, ’Ako, parang namumukhaan ko ito...’
"Tanong uli ni Claudine, ’Sino siya, Daddy?’
"Sagot ni Dolphy, ’Yan ang anak ni Chiquito!’"
Natatawa pa rin si Andrew as he recalled that "unscripted" line.
"Wala sa script ’yon! Pero, gano’n siya kagaling!
"Talagang nag-iisa siyang Hari ng Comedy sa Pilipinas!" pagpupuri pa ni Andrew, na ’look-alike’ ng yumaong kumedyante na si Chiquito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN