Martin Escudero amused by allegation that he had an affair with a transvestite; thankful to LGBT community for not hitting him

Martin Escudero on being named by a transvestite as one of the celebrities with whom she had a relationship: “Medyo na-amuse lang ako kasi biglang na-namedrop ako. Ang dami naman na puwedeng mabanggit na pangalan na mas sikat sa akin sa StarStruck, di ba? Bakit ako ang naisipan na pangalanan?”


Natawa na lang si Martin Escudero nang tanungin siya sa press launch ng tatlong bagong shows ng TV5—Third Eye, Artista Academy, at Enchanted Garden—kung may hindi magandang reaksiyon ang LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community sa kanyang pagtanggi na nagkaroon siya ng relasyon sa isang transvestite.

Nabalita kasi na si Martin ang taga-StarStruck na nakarelasyon diumano ng transgender na nagngangalang Jerrich Divinagracia

Inisiwalat ni Jerrich ang tungkol dito nang mag-audition siya sa artista search ng GMA-7 na Protégé.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Martin, “Wala naman akong alam na may nagagalit sa aking grupo. Wala naman din akong natatanggap na pananakot.

“Hindi naman siguro sila mga bayolenteng tao, di ba?

“’Tsaka wala naman akong sinabing hindi maganda sa grupo ng LGBT. Nasabi ko lang na wala akong nakarelasyon na transgender.

“Yun naman kasi ang totoo—wala talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Martin sa Elements @ Centris, Quezon Avenue noong July 17.

Dagdag niya, hindi naman siya nagagalit dahil sa balitang iyon.

“Medyo na-amuse lang ako kasi biglang na-namedrop ako.

“Ang dami naman na puwedeng mabanggit na pangalan na mas sikat sa akin sa StarStruck, di ba? Bakit ako ang naisipan na pangalanan?

“Anyway, nagpapasalamat ako sa grupo ng LGBT na hindi sila nagagalit sa akin. Naging totoo lang ako sa mga sinabi ko.”

Pero kahit natsismis siya ng ganun, hindi naman daw ito rason para iwasan niya ang mga gays.

“Hindi ko naman gagawin iyon. Hindi naman ako naging homophobic, e.

“Marami akong kaibigan na gays lalo na noong pinasok ko ang showbiz. Yung iba sa kanila, pinagtatanggol pa ako.

“Kaya walang rason para umiwas ako sa kanila,” sabi ng Kapatid young actor.

HOUSE HUNTING. Sunud-sunod ang projects ni Mart sa TV at pelikula bagamat nakakalahati pa lang ang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos maging big hit at manalo siya ng award para sa indie film na Zombadings: Patayin Sa Syokot Si Remington, nasundan ito ng box-office hit comedy na Moron 5 and The Crying Lady.

Meron siyang sisimulang bagong indie film na wala pang title. Kasama rin siya sa Shake Rattle & Roll 14, isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2012.

Sa TV naman ay ongoing pa rin ang afternoon comedy series niyang Kapitan Awesome sa TV5 tuwing Linggo. At ngayon ay kasama siya sa primetime series na Enchanted Garden na magsisimula nang umere sa July 30.

Dahil sa maraming trabaho ni Mart, nakakaipon na raw siya ng malaki at may balak na rin siyang bumili ng bahay.

Aniya, “May tinitingnan na ako, doon din sa amin sa Cavite.

“Yun naman ang gusto kong mangyari kaya nagpapasalamat ako sa mga trabahong dumarating sa atin.

“’Tsaka hindi naman ako magastos na tao. Yung mga kinikita ko, diretso sa bangko. May pinaglalaanan nga kasi ako.

“Kaya tuluy-tuloy lang ang trabaho. Heto nga, nabigyan na ulit ako ng bagong drama series na Enchanted Garden.

“Pangatlo ko na ito sa TV5 after ng Babaeng Hampaslupa at Glamorosa.”

ALEX GONZAGA. Muli silang magtatambal ni Alex Gonzaga sa kauna-unahang eco-fantasya ng TV5, ang Enchanted Garden. Una silang nagtambal sa Babaeng Hampaslupa noong 2011.

Sa muling pagsasama nila ni Alex, inamin ni Mart na mas close na sila ngayon. Hindi raw tulad noong ginagawa nila ang Babaeng Hampaslupa na nahihiya pa siya rito.

“Ngayon kasi mas kilala na namin ang bawat isa, mas nakakapagkuwentuhan na kami ngayon.

“Before kasi, kakakilala ko lang kay Alex at kakalipat ko lang noon sa TV5, kaya medyo nahihiya pa ako sa kanya.

“Ngayon, mas okey na. Nakakapagbiruan na rin kaming dalawa,” nakangiting sabi niya.

Hindi naman tinatago ni Martin na attracted siya kay Alex. Iba raw kasi ang dating ni Alex sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “One of the boys kasi si Alex, e. Kasundo niya ang lahat at maraming natutuwa sa kanya.

“Ako nga natatawa sa kanya, e. Bihira akong may makasamang babae na napapatawa ako. Kaya iba siya para sa akin.”

May balak bang ligawan ni Mart si Alex?

“Hindi malayo... bakit naman hindi?” sabay ngiti niya.

“Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang boyfriend at, ako naman, wala akong girlfriend.

“So puwede. Walang magiging problema.

“Pero tataymingan natin. Baka kasi may kasabay tayong nanliligaw din sa kanya.

“Mahirap na kasi na meron tayong makasabay. Kaya I will take it slow muna.

“Unahin ko muna ang maging mabuting kaibigan sa kanya.

“Maganda naman kasi na magsimula kami bilang good friends at bahala na kung ano ang maging next move ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN