PEP EXCLUSIVE. Daiana Menezes on being seen with Cagayan de Oro Congressman Jose Benjamin Benaldo: “He’s very special to me. And he’s being a gentleman.”

“If I’m seen in public with anyone, I won’t deny. There’s no reason to hide, no guilt at all. Because there’s nothing wrong with being young, single, enjoying life, and having friends. As long as nirerespeto ko ang sarili ko,” says Daiana Menezes about being seen with Congressman Benjamin Benaldo at the third SONA of President Noynoy Aquino.


Marami ang nagulat nang dumating ang Brazilian model na si Daiana Menezes sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa House of Representatives.

Kasama ni Daiana na lumakad sa red carpet, papasok sa Session Hall ng Kongreso, si Cagayan de Oro Congressman Jose Benjamin "Benjo" Benaldo.

Para kay Daiana, hindi naman dapat ikagulat kung naroon man siya.

“I was invited by him [Congressman Benaldo]. I was asked to be his date,” sabi ni Daiana nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng BlackBerry Messenger, ilang araw matapos ng appearance niya sa SONA.

“It’s been a while, and I got the invitation with my name. So, why decline to accompany a good friend?

“Being at the SONA, it’s also my right as a permanent resident.

“There’s nothing wrong to be updated. I pay my duties and taxes to this country as a worker and foreigner,” dagdag pa ng 25-year-old Brazilian.

Pero dahil single siya ngayon, naintriga ang mga nakakita sa kanila ni Congressman Benaldo kung ito na nga ba ang bago niyang boyfriend.

“Hindi pa,” agad na sagot ni Daiana nang tanungin ng PEP.

“Well, all I can say is that he’s very special to me. And he’s being a gentleman.”

Kongresista ng first district ng Cagayan de Oro ang 38-year-old na miyembro ng House of Representatives.

Maituturing na kontrobersiyal sa daigdig ng pulitika si Benaldo dahil sa diumano’y maluhong istilo ng pamumuhay nito sa kabila ng paghihirap na dinaranas ng kanyang mga kadistrito.

Nitong buwan lang, hiniling ni Cagayan de Oro first district Councilor Edgar Cabanlas na sumailalim sa lifestyle check si Benaldo dahil sa palagian nitong paglabas-masok sa bansa.

STILL CAREFUL. Dahil sa hindi magandang kinahinatnan ng huling pakikipagrelasyon ni Daiana sa isang Pinoy, nagbitaw siya ng salita sa isang interview, na magiging maingat na siya sa mga lalaking Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Apat na buwan na ang nakaraan mula nang bitawan niya ang mga salitang iyon. Hanggang ngayon ba’y nag-iingat pa rin siya sa mga barakong Pinoy?

“I think every wise woman should be careful and maingat,” sagot ni Daiana.

“Not just because a guy is Filipino, nag-iingat ngayon ako, lalo after all that has happened to me.

“Natuto na ako. Mahalin muna ang sarili mo, ’wag i-rush [ang relationship], and focus more sa work.”

Nag-e-enjoy rin daw siya ngayon sa pagiging single at nakikipagkaibigan muna.

Katulad nga ng pakikipagkaibigan sa kanya ngayon ni Congressman Benaldo, na nabibigyan daw ng ibang kulay ng mga gustong mang-intriga.

Sagot na lang ni Daiana sa mga nang-iintriga: “If I’m seen in public with anyone, I won’t deny. There’s no reason to hide, no guilt at all.

“Because there’s nothing wrong with being young, single, enjoying life, and having friends.

“As long as nirerespeto ko ang sarili ko.”

BUSY WITH WORK. Habang single, ini-enjoy rin ngayon ni Daiana ang pagtatrabaho.

“I signed up with Viva last July 16!”

Sinisimulan nga raw niya ngayon ang pag-shoot para sa kanyang music video.

“So, I’m back to singing, like I used to do,” aniya pa.

May gagawin daw siyang album na naglalaman ng mga awiting may temang pop, retro, at bossa nova. Liban dito, di pa raw siya puwedeng magsabi ng mga detalye tungkol sa album.

Meron din siyang ginagawang pelikula sa ibang bansa.

“I’m still ongoing with shooting for my upcoming movie. I will be going abroad for the final scenes of the movie, as it’s indie-Hollywood produced.

“And of course, sa TV naman, I’m still shooting my makeover portion for ABS-CBN’s Umagang Kay Ganda and hosting the PTV-4 Sunday-aired show, Penthouse Party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Still too busy with movies and corporate events.”

Naging abala rin si Daiana nitong mga nakaraang buwan sa pagpasyal sa kanyang ina sa mga magagandang lugar ng Pilipinas.

Mula Brazil ay dinalaw si Daiana ng kanyang ina.

“I showed the beautiful islands here to my mom and she loved it.”

Palagian ding isinasama noon ni Daiana ang kanyang ina sa mga shows at events na pinupuntahan niya.

Kaya’t nakadama agad ng pagkalungkot si Daiana nung kailangan nang umalis ng ina pabalik ng Brazil.

Iyak nga raw siya nang iyak nung mag-isa na lang siya as condo unit na tinitirhan.

“Umalis si Mama, July 26. Babalik siya pag mag-abroad kami. We’ll be shooting out of the Philippines, and be back again here.

“Si Mama, we’ll see each other, maybe in Europe, or in Brazil pagbalik ko doon to visit her.”

CAN’T LEAVE THE PHILIPPINES. Kung gugustuhin ni Daiana, puwede na siyang bumalik ng Brazil sa piling ng kanyang pamilyang may kaya rin naman doon.

Pero ayon sa tinaguriang “Pambansang Brazilian” o “BraziliPina” ng kanyang mga tagahanga, hindi niya kayang iwanan ang Pilipinas at ang mga mamamayan nitong napamahal na sa kanya.

“I’m truly Pinay! I just don’t change citizenship kasi I’m very ok with my passport. Ha-ha-ha! It has more entries," prangkang sagot nito, na marahil ang tinutukoy ay ang hirap nang pagbiyahe para sa isang may dala ng Philippine passport kumpara sa ibang nasyon.

"So, working visa talaga ako dito, as all the foreigners should comply with the Filipino laws, pay their taxes, duties, vote, and have a legal situation.

“But the Filipinos are amazing people. It’s the reason why I left my comfort at home, my family, and even gave up on travelling the world for eight years, just to be here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, no matter what trauma that came to me, it’s not general. That was only one [person] among this population of the most warm and hospitable people in Asia, the Pinoys.”

Ang tinutukoy ni Daiana ay ang masalimuot niyang pakikipaghiwalay noon sa direktor na si GB Sampedro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN