TV5 introduces the eight female students of Artista Academy

The eight female contestants of Artista Academy: (L-R) Marvelous Alejo, Julia Quisumbing, Sophie Albert, Stephanie Rowe, Nicole Estrada, Chanel Morales, Shaira Mae, and Malak So Shdifat.


Ipinakilala sa entertainment press ang Top 16 ng TV5 Artista Academy, isang star search, noong Linggo ng gabi, August 5, sa Broadway Centrum.

Naihatid na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang walong male students, ngayon naman ay kilalanin natin ang walong female students ng Artista Academy.

Karamihan sa kanila ay obvious na magaganda, kung kaya’t ang talento o kakayahan nila ang aabangan, upang malaman kung sino ang karapat-dapat na tanghaling Best Actress at mag-uuwi ng P10 million worth of prizes.

JULIA QUISUMBING, 22, MAKATI

Si Julia ang tinaguriang “athletic beauty” sa kanilang lahat.

Mahilig siya sa extreme sports tulad ng wakeboarding, skydiving, at scuba diving.

Mahilig din siyang gumimik tulad ng pagpunta sa mga bars at parties.

Para kay Julia, ang pinakamahigpit niyang kalaban sa mga babae ay sina Chanel Morales, Marvelous Alejo, at Sophie Albert.

Nang tanungin naman kung sino ang gusto niyang makapareha sa hanay ng mga lalaking contestants, si Jon Orlando ang pinili niya.

Aminado si Julia na kumpara sa ibang classmates niya sa Artista Academy, galing siya sa isang may kayang pamilya, kung kaya’t lumaki siya nang maayos at marangya.

Kahit galing sa may kayang pamilya, itatabi raw niya ang perang mapapanalunan kung sakaling siya ang manalo.

“If I’ll win, of course, I’ll gonna invest it so I won’t lose it. Invest and bring a brand from Switzerland that I like, and maybe invest also in a restaurant, give to orphanage,” sabi ni Julia.

Ano naman sa kanyang palagay ang lamang niya sa ibang girls ng Artista Academy?

“My being mestiza because, I think, I’m a little different.

“My eye color, and I can bring a lot of emotions with my face, with my eyes.

“And my personality is very outgoing, very open. But sometimes, I really have to tone it down. I can adapt in different country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I lived in Barcelona before and working on my own, no one helping me.

“I also lived in the States before for six months, and Switzerland, and here.

“I was able to adapt anywhere even though I don’t understand the language.”

Ang mga paboritong artista ni Julia ay sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff.

NICOLE ESTRADA, 16, PASIG CITY

Si Nicole ang isa sa pinakabatang estudyante sa Artista Academy.

Galing daw si Nicole sa isang relihiyoso at konserbatibong pamilya kunsaan bawal pa ang makipag-boyfriend.

Pero inamin nito na nagkaroon na siya ng ilang hindi ganoon kaseryosong relasyon.

Kikay at bubbly raw ang personalidad niya.

Si Marvelous Alejo ang kinukunsidera ni Nicole na pinakamatindi niyang kalaban sa mga babae, at si Akihiro Blanco ang gusto niyang makapareha kung mabibigyan ng pagkakataon.

Ano sa palagay ni Nicole ang edge niya sa iba?

“I seem really shy during class, but when it comes to performing, I give it my all.

“And I think, among the other girls, they told me, I’m the starter.

“So it means, kapag ako po ang nagsalita, sumusunod na rin sila.

“Sinabi rin po ng boys na it’s a nice trait daw po na I have the ability to make others feel welcome and inspire them.”

Kung mananalo siya sa Artista Academy, iniisip na raw niya ang kanyang kinabukasan.

Sabi ni Nicole, “I want to save it po for my future. I want to have kids, own a house, so I’ll save po.

“For the remaining money, I’ll continue my study po because I stopped po because of Artista Academy.

“But I think it’s really important po talaga because I’m really a bookworm and I study a lot. So I’ll go back to studying.

“At yung iba naman po, magdo-donate po ako sa charity since I really love kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung iba naman po, for every day po, para maka-help sa parents ko po.”

Sina John Lloyd Cruz at Georgina Wilson ang mga paboritong artista ni Nicole.

MALAK SO SHDIFAT, 20, MANILA

Si Katrina Halili ang naisip ng karamihan sa press nang makita nila si Malak dahil sa hitsura at sa kilos nito.

Si Malak nga raw ang “troubled teenager” na nangangailangan ng tamang guidance.

Kasalukuyang nakatira si Malak sa bahay ng boyfriend dahil nagkaroon sila ng alitan ng kanyang auntie na nagsisilbing guardian niya.

Filipino ang ina ni Malak at Palestinian naman ang ama niya, pero lumaki siyang hindi kasama ang mga magulang.

Para kay Malak, si Nicole Estrada ang posible niyang maging mahigpit na karibal. Si Alberto Bruno naman ang gusto niyang maka-loveteam.

Ayon kay Malak, mabilis daw siyang matuto.

“Tingin ko po, yun ang edge ko kasi mabilis po talaga akong matuto. Kaya ko rin pong magpa-impress ng tao.”

Kung mananalo raw siya, aampunin na niya ang nakababatang kapatid na babae na nasa pangangalaga ng tiyahin niya ngayon.

“Aampunin ko na po siya for life. Sobrang nami-miss ko na po kasi hindi ko siya kasama. Gusto ko po, bibili po ako ng bahay para kasama ko siya.”’

Sina Marian Rivera at Jake Cuenca naman ang mga paboritong artista ni Malak.

SOPHIE ALBERT, 21, MANDALUYONG

Si Sophie ang isa sa nakapukaw agad ng atensiyon ng karamihan sa entertainment press dahil sa magandang mukha nito.

May nagsabi pa nga na may hawig siya sa Kapuso actress na si Marian Rivera.

“Wow, thank you! Super flattered, as in, wooh!” reaksiyon ni Sophie.

Si Sophie rin ang crush ng karamihan sa Artista Academy boys dahil sa dami ng nagsabing siya ang gustong makapareha ng mga ito.

Ano ang reaksiyon ni Sophie dito?

“Nagulat po ako!” natatawa niyang sabi.

“Hindi ko po alam kasi nagbibiruan kami, close po kaming lahat. Wala yung feeling na competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko po sila na mga kapatid ko lang since ako ang matanda sa kanila.

“Pero wala, nagulat talaga ko at siyempre, na-flatter ako.”’

Marami naman ang nagulat nang malamang 11 years nang comatose ang kanyang ama.

Kuwento ni Sophie, “Ten years old pa lang po ako noon. Nag-e-exercise po siya noon at parang inaatake na po siya, pero ayaw niyang pumunta ng hospital.

“Noong nasa kotse po siya, nag-cardiac arrest po siya. Ni-revive na lang po siya.

“Noong sumunod kami ng lola ko sa hospital, nakita ko ang paa ng daddy ko at may pari na nagbi-bless sa kanya.

“Na-trauma talaga ko noong time na yun.”

Dagdag niya, “He’s not in life support now. He’s breathing on his own, just medicine. Pero I don’t wanna lose hope naman din.”

Si Chanel Morales ang tingin niya’y mahigpit niyang kalaban sa mga babae.

Si Vin Abrenica naman ang gusto niyang makapareha dahil ito raw ang maituturing niyang pinaka-close ngayon sa mga lalaking contestants.

Ang kakayahan niya sa pag-arte ang nakikita ni Sophie na ikinakaangat niya sa iba.

“I think I can act genuinely,” sabi niya.

Ano ang gagawin niya sa cash prize kung sakaling manalo siya?

“I’ll save it kasi hindi pa ako nakakatapos ng college.

“I really have to save my money and donate some to charity. I don’t know pa what charity pero I always do the ten-percent thing and give it to charity.”

Sina John Lloyd Cruz at Kristine Hermosa ang mga paboritong artista ni Sophie.

MARVELOUS ALEJO, 16, VALENZUELA CITY

Umpisa pa lang, may nagsabi na sa amin na si Marvelous ang bet niya sa mga babae.

Magaling daw kasi itong kumanta na ipinamalas naman niya noong press launch.

Bukod dito, sa eskuwelahan ay consistent honor student daw ito.

Ang tanong nga lang, madala rin kaya niya ang pagiging honor student sa Artista Academy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit consistent honor student, naniniwala si Marvelous na tama ang desisyon niya na piliin ang Artista Academy sa pag-aaral niya sa ngayon.

Paliwanag niya, “Ang opportunity po, dumarating, pero minsan lang ang opportunity tulad ng Artista Academy.

“Kung kaya naman pong i-balance at pagsabayin, mas maganda. Dapat din po kasi, beauty and brains ka rin.

“But I think, now, education is not that important. Meron pong mga millionaires and billionaires but they are dropouts.”

At katulad ng pangalan niya, naniniwala siyang "marvelous" siya.

Aniya, “I believe I’m marvelous po. I can do anything.

“Siguro po, nakikita na mahina ako sa dancing, pero nakikita naman po ng mga teachers na ginagawa ko po ang lahat.”

Si Nicole Estrada ang itinututring ni Marvelous na mahigpit niyang kalaban sa mga babae.

Sa lalaki naman, si Brent Manzano ang gusto niyang makapareha kung mabibigyan ng chance.

Ang mga paboritong artista ni Marvelous ay sina Coco Martin, Marian Rivera, at Anne Curtis.

STEPAHNIE ROWE, 16, PAMPANGA

Pinangarap ni Stephanie na maging YouTube sensation kung kaya’t nag-post siya ng videos niya sa YouTube sa pagbabakasakaling mapansin.

Bakit niya gustong maging YouTube sensation noon?

“Pinangarap ko po kasing maging YouTube sensation, kahit sa pamamagitan po ng mga videos ko, mag-entertain po ng mga tao.

“Kaya ko pong magpa-kengkoy at magpatawa rin kahit sa pamamagitan ng mga videos ko.”

Fluent siya sa Filipino, English, at Taiwanese o Hokkien.

Pinay ang mommy niya at British naman ang kanyang daddy.

Sa Taiwan daw si Stephanie lumaki at nag-aral.

Sina Julia, Malak, Marvelous, at Sophie ang mga nakikita ni Stephanie na posible niyang maging mahigpit na mga katunggali.

Si Vin Abrenica naman ang gusto niyang maka-loveteam.

Sina Anne Curtis at Derek Ramsay ang favorite stars ni Stephanie.

CHANEL MORALES, 16, BACOLOD

Umikot halos sa pangalan ni Chanel ang mga tanong sa kanya noong press launch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi maikakaila na isa si Chanel sa nakakuha agad ng atensiyon ng karamihan. Bukod kasi sa pagiging maganda, maganda rin ang boses nito.

Gaya ng kanyang “sosyal” na pangalan, ikinuwento ni Chanel na noong prom night nila sa school ay dumating siya sakay ng limousine at naka-Rajo Laurel gown, habang ang escort niya ay ang naging castaway ng Survivor Philippines na si Marvin Kiefer.

Kahit may pagka-daddy’s girl daw siya, istrikto raw ang ama pagdating sa pagkakaroon ng boyfriend.

Ano ang edge niya sa ibang female contestants?

“I give my 100 percent po na ginagawa ko sa Artista Academy. Yung iba po, siguro they give rin po, but I give my 110 percent po talaga.”

Kung mananalo siya, plano raw niyang magpatayo ng bahay.

“Papagawan ko po ng bahay ang mom and dad ko, pati sarili ko na rin po so when I grow up, I’ll have a home for myself.

“At yung mga relatives ko rin na mahihirap o kaya yung iba po na walang pera, I’ll help them.

“Then, ise-save ko po yung matitira for my future.”

Ano ang pakiramdam niya na karamihan ng mga kalaban niya ay siya ang itinuturing na mahigpit nilang kalaban?

“Siyempre po, I’m happy. At the same time, napi-pressure po ako kasi kailangan ko pa pong galingan at i-prove sa kanila na ako ang karapat-dapat sa Artista Academy.”

Kung sakali man daw na hindi talaga siya ang palarin na manalo, itutuloy pa rin daw niya ang pag-aartista.

“Yes, I will push through. This is my dream, bata pa lang po ako.”

Bago mag-audition sa Artista Academy, nag-workshop na raw si Chanel sa Star Magic.

Bakit hindi siya naging Star Magic talent?

“Ipinatawag po nila ako, pero walang nangyari. So I guess, that’s not for me.

“Ito po talaga, unexpected po for me. I didn’t prepare for it. Wala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Galing din po akong Bacolod, so I think ito na po for me," sabi niya tungkol sa Artista Academy.

Sina John Lloyd Cruz at Anne Curtis ang mga hinahangaang artista ni Chanel.

SHAIRA MAE, 17, LAS PIÑAS CITY

Maaaring pamilyar na ang mukha ni Shaira Mae sa iba dahil lumabas na siya sa ilang commercials.

Ang namayapang lola ni Shaira ang nagsilbing inspirasyon niya sa pagpasok sa pag-aartista.

Pero sinisisi ni Shaira ang sarili sa pagkamatay ng kanyang lola.

Kung naging mas magaling daw siya sa pagda-drive papuntang hospital, baka raw kasi buhay pa ang lola niya hanggang ngayon.

Ano ang meron siya na wala ang iba?

“Siguro po sa pag-arte po kasi mababa po ang luha ko. Mas madali po akong maka-relate sa mga scenes po.”

May plano na rin siya kung sakali at mananalo siya sa Artista Academy at sa matatanggap niyang cash prize.

Ayon kay Shaira, “Bibili po ako ng bahay para sa mom and dad ko and para po sa akin, sa sister ko. At saka kotse rin po.

“Tutulungan ko rin po yung mga kapatid ng mom and dad ko.”

Sina Coco Martin, Toni Gozanga, at Anne Curtis ang mga hinahangaang artista ni Shaira Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN