Derek Ramsay refuses to talk about issues involving ex-girlfriend Angelica Panganiban

“We are in good terms. We don’t hate each other. We are just giving each other the space that we agreed upon,” says Derek Ramsay about moving on after his breakup with Angelica Panganiban.


“Wala munang intriga, ha.”

Ito ang nakangiting pakiusap ni Derek Ramsay nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng ginagawa niyang pelikula, ang Nothing Compares To You, sa Republiq Resorts World Manila, kagabi, Agosto 23.

Kasama ni Derek sa pelikulang ito ng Viva Films sina Anne Curtis at Andi Eigenmann.

Tila inaasahan na ng aktor na matatanong siya tungkol sa dating girlfriend na si Angelica Panganiban, kaya naman nakiusap siya na huwag munang pag-usapan ang tungkol dito.

Usap-usapan kasi ngayon ang pagkaka-link ni Angelica sa kapwa niya Star Magic talent na si John Lloyd Cruz.

Lalong uminit ang haka-haka tungkol sa relasyon diumano ng dalawa nang mag-post ng photo collage si Angelica sa kanyang personal Instagram account noong August 12. May caption itong "Perfect Sunday."

Kasama sa photo collage na ito ang larawan nina Angelica at John Lloyd na magkatabi.

(CLICK HERE to read related article.)

Sinubukan ng media na linawin kay Angelica ang estado ng relasyon nila ni John Lloyd sa ginanap ng press conference para sa bagong shampoo endorsement ng aktres, subalit hindi niya ito sinagot nang diretso.

Gayunman, inamin ni Angelica na si John Lloyd ang mismong nag-upload ng larawan nila sa Instagram.

(CLICK HERE to read related article.)

“LET’S BE HAPPY FOR HER.” Samantala, sa personal Twitter account naman ni Derek ay ipinagtanggol niya ang dating kasintahan.

Noong Agosto 13 kasi ay tinanong ang aktor ng isang follower niya tungkol sa photo collage sa Instagram ni Angelica.

Ito ang naging sagot ni Derek: “I don’t know if they are together but Angel looks happy. Lets be happy for her.”

Sa isa namang negatibong komento ng isang follower ay sumagot si Derek na: “Pls don’t be like that. Lets be happy for Angel. She isn’t a cheater.”

NO RECONCILIATION. Sa hiwalay na panayam ng ABS-CBN, itinanggi ni Derek ang lumalabas na balitang nagkabalikan na sila ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, no. Honestly, Angel and I haven’t spoken for a while. So I don’t know where they got that from,” sabi niya.

Nagpahiwatig din si Derek na nakapag-move on na siya sa breakup nila ng aktres.

Aniya, “We are in good terms. We don’t hate each other.

"We are just giving each other the space that we agreed upon.

"She moved on with her life, I moved on with my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN