Mark Herras: "I’m scared na baka ito na ang last chance na ibigay na trabaho sa akin ng GMA-7 kapag hindi pa ako nagpakaayos."

Saad niya: “Actually, I don’t know kung ano ang meron kay Ynna. Pero sobrang pagmamahal niya sa akin, alam niyang may ginagawa akong mali sa trabaho ko. Kahit minsan wala ako sa tabi niya, pero siya, palagi siyang nasa tabi ko.”


Si Mark Herras pa lamang ang ipinakilalang bagong leading man sa ikatlo at huling yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca.

Si Mark ang gaganap bilang Joaquin, na ginampanan ng teen actor na si Kristoffer Martin sa Book 2.

Mahigit dalawang buwan napahinga at nabakante si Mark sa paggawa ng teleserye. Ang afternoon soap na Hiram Na Puso ang pinakahuling ginawa niya.

Ayon sa kauna-unahang Ultimate Male Survivor ng StarStruck, nito lang niya nalaman na kasama pala siya sa Book 3 ng Luna Blanca.

Kuwento ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pero ang alam ko, maraming mga bagong teleserye—may Indio, Coffee Prince...

"Tapos sabi ko nga, ‘Sana isa doon, makasama ako.’

“Kaya noong nalaman ko na kasama ako sa Luna Blanca, third generation, maganda yung role ko as Joaquin.

“Sila yung dalawang lead, pero sa lalaki, isa ako sa mga lead. So, natutuwa naman po ako.”

Ang tinutukoy ni Mark ay ang mga bida sa bagong yugto ng Luna Blanca na sina Heart Evangelista at Bianca King.


Nakasama na ni Mark si Bianca sa ilang shows noon ng GMA-7, gaya ng Click at Joyride.

Si Heart naman ay naging leading lady ni Mark sa early primetime series na Langit Sa Piling Mo.

Si Bianca ang lumalabas na kapareha ni Mark dito sa Luna Blanca. Pero wala raw kaso sa young actor kung sino man ang maging kapareha niya sa dalawang aktres.

Aniya, “Sabi ko naman dati pa, every time na binibigyan ako ng project o another loveteam, kahit sino po sa akin, okay.

“Kahit na paulit-ulit, kahit bago, okay lang po sa akin yun basta may trabaho at maayos ang role.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng Luna Blanca noong Martes, September 4.

THE GRADUATE. Singer-actor ang role ni Mark sa Luna Blanca—at yun daw ang challenge sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, isa yun, dahil hindi ako singer.

"Pero alam ko, parang nalumang artista na, kaya hindi na siya kumakanta.

“Pero ang talagang excited ako, isa ako sa mga artista ng Artist Center na grumadweyt [graduated] sa acting workshop.

“Marami po ‘to, pero isa kami sa first batch.

"Twelve sessions din yun, pero siguro, mga dalawa lang ang hindi ako naka-attend.

“Lahat yun—acting, dancing, English proficiency, kahit yung dance—okay po kami.”



MATURE MARK. Habang nagkukuwento si Mark tungkol sa workshops na sinalihan ay ramdam namin ang excitement niya, sa kabila ng hindi naman ito ang first time niya sa ganitong klaseng activities.

Paliwanag niya, “Siguro po kasi after this time, after ng lahat ng nangyari...

"Di ba po, sa Hiram Na Puso, nagbitaw ako ng salita na ’isang mature na Mark Herras na ang makikita niyo rito.’

“May mga feedbacks na parang hindi pa rin naman.

“Then, I’m scared na baka ito na ang last chance na ibigay na trabaho sa akin ng GMA-7 kapag hindi pa ako nagpakaayos.

"So, lahat ng workshops, ina-attend-an ko, tinapos ko.

“Binibigyan kami ng mga bad feedbacks. Halimbawa sa acting, hindi mo magawa ang monologue, okay lang, part yun, e.

“Pero this time, gusto ko lang patunayan na kung ito ang last chance ko sa GMA, na i-prove sa inyo na kaya ko naman.”



PASAWAY? Base sa mga pahayag ni Mark, masasabi bang may kulang o hindi niya naibigay at nagawang maayos noon?

Paglilinaw ng 25-year-old actor, “Hindi po, hindi sa nagkulang.

"Pero alam niyo naman ang mga bad issues sa akin, like [being] late. Sa simula ng soap, sobrang active, tapos biglang pag gitna, nawawala.

“Totoong nagkakaroon ng ganoon, pero hindi ko naman po siya sinasadya.”

Bakit nagkakaroon ng ganoong pangyayari?

Paliwanag ni Mark, “I don’t know what’s wrong, e. Pero siguro parang napapagod lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan sa character, parang magulo. O minsan, dire-diretsong pagod tapos sayaw.

“So, this time, parang gusto kong diretsuhin lang talaga ang line na gusto kong gawin.”

Wala naman daw siyang pinagsisisihan sa mga nangyari.

“Wala akong pinagsisihan kasi lahat naman ng nangyayari sa buhay ko, dagdag yun sa experience ko kung bakit ako nandito ngayon.

“Kung bakit ako nakasama sa Luna Blanca, part yun ng experience ko,” saad niya.

Hindi rin iniinda ni Mark kung madalas siyang nakukumpara sa ibang mas baguhang aktor ng Kapuso network at tila naungusan na siya ng mga ito.

Aniya, “Every time na sinasabi sa akin yun… wala, e. Hindi ako naaapektuhan, hindi ako naiinggit.

“Simulan na natin kila Rocco [Nacino], Aljur [Abrenica]... sabihin na [maganda] ang mga katawan.

“Pero ever since, hindi yun ang target ko.

"At ever since, ang target ko, Aga Muhlach.”



EXPECTATIONS. Sa ngayon, ayaw nang magsabi ni Mark kung ano ang puwedeng i-expect o asahan ng mga tao sa kanya dito sa Luna Blanca.

Sabi niya, “For this show, ang gusto ko na lang pong mangyari ay makita nila kung ano ang magiging resulta ng character ni Joaquin sa Luna Blanca.

“Kung ano ang magagawa ko para ma-impress kayong lahat, pati ang mga fans, mga big boss.

“Na hindi po mawala ang tiwala sa akin, o bumalik ang tiwala sa akin na nakilala nila from StarStruck.”

Si Mark ang nahirang na StarStruck Ultimate Male Survivor noong 2003, kasabay ang naging kapareha at ex-girlfriend niyang Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado.



TIME TESTED. Pagdating naman sa kanyang lovelife, matagal na rin ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Ynna Asistio.

Pero sa huling panayam ng PEP kay Ynna ay inamin nitong may pinagdadaanan sila ngayon ni Mark.

Nabanggit din ni Ynna na wala sa tabi niya ang nobyo nang mawala ang pera niya sa ATM at sa naranasang pagbaha sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Tinanong ng PEP si Mark kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Ynna ngayon.

Tugon niya, “Actually, wala rin po kaming time sa isa’t isa kasi may trabaho siya.

“Tapos busy rin ako for regional [shows].

"Tapos si Tita Nadia [Montenegro, Ynna’s mom] wala rin po, nagbakasyon po.

"Tapos nagkausap na rin po kami.

"Noong bagyo, baha sa kanila, hindi rin ako makapunta dahil baha rin sa labas ng bahay.

“Normal na explanation lang na ginagawa namin para hindi lumaki ang gulo.”

Apat na taon at pitong buwan na raw ang relasyon nila ni Ynna.

Dagdag ni Mark, “Mas nagiging matibay kami ngayon.”

Ano ang meron kay Ynna at nagtagal ang relasyon nila?

“Actually, I don’t know kung ano ang meron kay Ynna.

“Pero, sobrang pagmamahal niya sa akin.

"Alam niyang may ginagawa akong mali sa trabaho ko, pero nandiyan siya para suportahan ako, para palakasin ang loob ko.

“Kahit minsan wala ako sa tabi niya, pero siya, palagi siyang nasa tabi ko.”

Hindi na ba natutukso sa ibang babae si Mark?

“Hindi na, nawala na,” sagot niya.

“Crush, oo, pero yung liligawan, wala.

"I’m twenty-five, pero nag-start ako, seventeen sa showbiz…

“Nagsawa kami ni Rainier Castillo—100 percent every day!” natatawang sabi pa niya.

Si Rainier ang runner-up ni Mark sa StarStruck at ngayon ay nasa Kapatid network na.



GOOD INTENTIONS. Nagulat naman kami sa naging pahayag ni Mark tungkol sa intensiyon niya kay Ynna.

Sabi niya, “Actually, kung puwede ko nga lang pakasalan, papakasalan ko na siya.

“Pero siyempre, sabi niya nga, marami pa kaming puwedeng gawin sa pamilya namin, sa mga trabaho namin, at sa buhay namin.”

Si Ynna na ba ang nakikita niyang babaeng makakasama niya habang buhay?

“Ako, okay na ako kay Ynna,” tahasang pahayag ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga komento sa social networking sites na ang relasyon daw nila ni Ynna ang dahilan kung bakit hindi mabilis ang pag-usad ng career ni Mark.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Dati, pumapatol ako sa Twitter, pero hindi na...

"Hindi na namin pinapansin yun, hindi na kami nagpapaapekto.

“Iba na po ang mga fans ngayon. Hindi tulad noong panahon nila Kuya Boyet [Christopher de Leon]…

“Yung mga naunang Mark-Jennylyn [fans] noon, kapag may nabalitaang iba, galit.

“E, ngayon, Aljur-Kris [Bernal], Mark-Kris, Rhian [Ramos]-Mark... halo-halo na, okay lang sa mga fans.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN