Nora Aunor still a winner despite losing Best Actress in Venice International Film Festival

Bumalik na ng bansa ang Superstar na si Nora Aunor mula sa matagumpay na paglahok ng pelikula niyang Thy Womb sa 69th Venice International Film Festival. Hindi man nakamit ni Nora ang best actress trophy sa mismong kumpetisyon ay ginawaran naman siya ng parangal ng isang grupo ng Italian film critics.


Sa airport pa lamang ay marami na ang nag-interview kay Nora Aunor nang magbalik sa bansa ang Superstar kahapon, September 11.

Kagagaling lang ni Nora sa matagumpay na paglahok ng pelikula niyang Sinapupunan (Thy Womb) sa 69th Venice International Film Festival, sa Italy.

Kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga unang nag-congratulate at nag-interview kay Ate Guy matapos ang ilang minutong pagbati at pagpapakuha ng litrato, kasama ang kanyang fans na matiyagang naghintay sa airport.

"Alam nila kung gaano ko sila kamahal. Para sa kanila ang award na ’yon!" sambit ni Nora sa panayam ng PEP at iba pang taga-media.

Ang tinutukoy na award ng aktres ay ang Bisato d’Oro (Golden Eel) Premio Della Critica Indipendente mula sa isang independent Italian critics’ group.

Ayon kay Ate Guy, napili siyang best actress ng mga Italyanong kritiko, "Kasi marami daw silang nakikitang emotions."

Naka-relate daw ang mga Italyano at iba pang banyagang kritiko at mamamahayag na dumalo at nanood ng mga entries sa 69th Venice Filmfest.

Pero ikinalungkot ng maraming Nora-supporters ang hindi niya pananalo ng Volpi Cup bilang best actress.

Para kay Nora ay hindi dapat ganito ang maging attitude. Matapos ang filmfest, wala naman daw negatibong damdamin ang Superstar.

Aniya, "Hindi dapat… kasi nanalo naman. Iba-iba ang jurors, iba-ibang nationalities."

Banggit pa ni Ate Guy tungkol sa Bisato d’Oro trophy niya: “Mabigat... gold talaga yung nasa loob!"

Malaki at mabigat ang Bisato d’Oro, which Nora proudly and happily showed PEP. Mayroon itong gold dashes na nasa loob ng glass eel-shaped figurine na naka-decorate sa gitna ng plato na gawa sa ceramics at metal.

Kaya ba masayang masaya si Nora sa pag-uwi niya?

"Oo naman. Mapasali nga lang ang Thy Womb, masaya na, e."

Ang nagwaging best actress ay ang Israeli young actress Hadas Yaron ng pelikulang Fill The Void.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sinasabing "mahigpit na kalaban" ni Nora si Choo Min Soo ng South Korean entry Pieta ni Kim Ki Duk.

Sabi ni Nora, "Yun ang kalaban ko sa awards night, yung South Korean [actress]. Kita mo... siya dapat ang mananalo."

Eventually, ang pelikula ni Kim Ki Duk ang naparangalan ng Golden Lion award for Best Picture.

Sa awards night, kahit hindi si Nora ang best actress, siya pa rin daw ang pinalakpakan ng madla.

Kuwento ni Larry Castillo, line producer ng Thy Womb, "Si Nora ang pinapalakpakan ng lahat sa dinadaanan niya!"

Iba ang Italian jury para sa Venice Filmfest, at iba rin ang mga kritikong nag-o-observe at pumipili ng mahuhusay na pararangalan.

"Parang dito, magkakalaban ang critics at yung orgnizers [ng filmfest]," paghahalintulad ni Nora.



NOT EXPECTING. Isa pa raw magandang experience ni Ate Guy sa Venice, kasama ni Direk Brillante Mendoza at mga co-actors sa Thy Womb na sina Lovi Poe at Mercedes Cabral, was when they walked the red carpet.

"Muntik na akong matalisod!" natawa si Nora sa na-recall na incident.

"Alam niyo naman, hindi ako masyadong sanay sa heels... kung pupuwede sana, kahit naka-gown ako, ang suot kong sapatos ay rubber shoes.

"Pero masaya po ako, first time kong nagpunta sa Venice.

“At ang masasabi ko po, hindi ko inaasahan na mananalo ako. At yun po ay [mula] sa critics."

Masaya rin si Direk Brillante dahil sa pinagwagiang La Navicella Venezia Cinema Award ng Rivista del Cinematografo at ng Premio P. Nazareno Taddei (Collateral Award) Special Mention to Thy Womb for "a film that expresses authentic human values."

Tulad ng Thy Womb, marami ding naglabasang positive reviews tungkol sa 30-year-old classic film ni Ishmael Bernal, ang Himala (1982), na pinagbidahan ni Nora.

Kabilang ang Himala sa Venizia Classici (Venice Classics), a retrospective of classic films from different countries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami ding nanood ng Himala at nagustuhan naman daw ito ng mga nanood doon," sabi rin ni Guy.

Nang mag-official screening ang Thy Womb last September 6, binigyan ito ng five-minute standing ovation hanggang sa lumabas ng Sala Grande ang buong cast at mga kasama sa delegasyon.

"Ang tagal! Nagpapalakpakan pa sila, lalabas na kami..." natutuwang pag-recall pa ni Nora.

Kumusta naman ang accommodation sa tinuluyan nilang hotel?

"Okay naman," sabi ni Ate Guy.

Pati raw ang mga pagkain nila ng buong delegasyon, "Okay... kaya lang walang kanin."

Pero dahil magana siyang kumain, nag-gain ng weight si Nora sa loob ng lima o anim na araw.



THANKFUL. A few hours later, may thanksgiving dinner si Laguna Governor ER Ejercito para kay Ate Guy sa Club Filipino, Greenhills, San Juan.

Governor ER came with Pagsanjan, Laguna Mayor Maita Ejercito to welcome and congratulate Nora for her triumph.

Hindi nakarating si Direk Brillante dahil mayroon siyang prior commitment.

Sabi ni Nora sa kanyang speech, "Sa lahat ng mga nandito ngayon, maraming salamat po sa suporta niyo sa pelikula naming Thy Womb.

"Kahit papa’no po ay may naiuwi naman po kami ni Direk Brillante, na ikakasiya po at ikalulugod ng mga Pilipino."

Hindi rin nakalimutang banggitin ni Nora ang El Presidente, ang historical movie nila ni Governor ER, na entry sa Metro Manila Film Festival 2012.

"Malapit niyo nang mapanood... napakagandang pelikula," sabi ni Guy.



NATIONAL ARTIST BID. Nakarating na rin kay Nora ang magandang komendasyon ng House of Representatives dahil sa tagumpay nila ni Direk Brillante para sa Thy Womb.

Ang commendation ay sa pamamagitan ng panibagong resolusyon na nai-file sa Kongreso ni Bacolod Rep. Anthony Rolando Golez, Jr.

(CLICK HERE to read related story.)

Muling isinatinig ni Ate Guy ang damdamin niya tungkol sa issue ng pagiging National Artist.

Sabi niya, "Marami pang karapat-dapat maging National Artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Pareng Dolphy... marami pa po.

"Marami din ang nagsasabi na kung sakaling darating po ay saka na lang pag-isipan."



NORA AUNOR WEEKEND. Bukod sa El Presidente na pang-Metro Manila Filmfest sa December 2012, matutunghayan si Nora sa TV5 drama episodes ng Untold Stories, airing on September 15, at mystery thriller na Third Eye, airing on September 16.

Back-to-back Nora Aunor weekend ito, bago muling sumabak ang Superstar sa regular drama series ng TV5 o sa pelikula ng Studio 5, kung alin man ang mauna.

Samantala, this October, Nora will mark her 45th anniversary in the business.

Maraming plano ang mga patuloy pa ring sumusuporta sa career ni Ate Guy, kabilang ang malaking pagtatanghal uli ng Himala sa maraming sinehan nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN