Maxene Magalona on rumored relationship between ex-boyfriend Neil Arce and Bela Padilla: "Everyone deserves to be happy."

"You don’t have to be in someone or be in a relationship to wish others well... At dapat, kahit mag-isa ka, you wish others well and you shouldn’t wish ill to others or sana hindi sila masaya. Sana ganito-ganyan. Hindi puwede. Kasi, who are you to say na hindi dapat maging masaya ang isang tao? You don’t hold anyone’s happiness. You hold your own happiness. So I’m happy for them. I have nothing but respect for other people,"


Nag-last taping day na ang panghapong serye ng GMA-7 na Faithfully kahapon, September 21.

Halos lahat sa cast ay sinasabing naging malapit sila sa isa’t isa habang ginagawa ang teleserye, kaya naman siguradong mami-miss raw nila ang kanilang mga kasamahan.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyoni Maxene Magalona sa sinabi ng co-star niyang si Mike Tan na siya raw ang pinaka mami-miss ng young actor.

Sabi ni Maxene, “Awww… si Mike rin po ang pinakamami-miss ko bilang siya ang pinakamalapit sa puso ko.

“Pero hindi… all of them. Actually, all of them po talaga.

“Iba-iba ang level of closeness ko of each and every member of this cast.

"Kasi ang ginawa ko talaga, when the show started, I bonded with everyone separately.

“Kumbaga, grabe ang bonding ko rito.

“Pero alam ninyo, ang maganda rito, because of the chemistry and bond, ang ganda ng registry namin on screen. Ang ganda naming tingnan.

“At kapag nagkatinginan kami sa mata, iyakan na. May koneksiyon na, hindi siya empty na lang.

“Parang tulungan talaga kami.”

Malungkot siya na nag-last taping day na sila?

“Malungkot talaga,” sambit ni Maxene.

“Iba yung bonding namin noong nag-mall show kami sa Tacloban. Na talagang nag-party-party kami, masaya.

“Kapag nasa set, kapag may mga secret o problema, tulungan kami.”

Isa pa raw sa nakapagpapasaya sa kanila ay magtatapos sila na mataas ang rating nila.

Saad ni Maxene, “You know, hindi kami nagpaka-kampante na, ‘Ay, number one na ‘yan, huwag na nating paghirapan.’

“Hindi kami ganoon.

“Actually, the more that we are rating high, the more kami na nagpursige.

“At yun nga, we’re very, very happy, very blessed, and I’m gonna miss everyone.

“It breaks my heart thinking na magla-last day na kami.

“It’s no joke how close we are already.”

LAUREN YOUNG. Masaya rin daw si Maxene sa mga nangyayari ngayon sa kanyang career

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa magtatapos nang afternoon series nilang Faihtfully, siya ang webisode host ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break at kasama rin siya sa upcoming primetime series na Indio.

May ginagawa rin siyang indie film ngayon, ang Catnip.

Paglalarawan niya sa indie film, “Ang catnip kasi, yun ang nagpapasira ulo sa mga cats, I think.

“E, magkaibigan kami rito ni Lauren Young.

“Kailangan na nila itong abangan because it’s a good story, it’s about best friends.

“And it’s for Cinema One Originals.”

Dahil nabanggit niya si Lauren, biniro namin si Maxene na ayaw ng mga JuliEmo fans. Si Lauren kasi ang sinasabing girlfriend talaga ni Elmo, na la-loveteam naman ni Julie Anne San Jose.

Natawa si Maxene at sinabing, “Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganoon.

“E, si Lauren is a good friend of mine. A good friend of the family. Kaibigan talaga namin siya.”

May balita noon na lilipat ng GMA-7 si Lauren mula sa ABS-CBN at ang mommy raw ni Maxene na si Pia Magalona ang manager na nito? Natuloy na ba ito?

“Ay, hindi ko pa alam! Hindi ko pa masasabi ‘yan,” iwas ni Maxene.

NEIL ARCE & BELA PADILLA. Sa ngayon, nali-link si Maxene kay Renz Fernandez, ang bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Hindi pa umaamin si Maxene sa kung ano talaga ang totoong estado ng relasyon nila ni Renz, pero sinabi nito na “what you see is what you get.”

(CLICK HERE to read related story.)

Tinanong na rin ng PEP kay Maxene kung ano ang masasabi niya na ang ex-boyfriend niyang si Neil Arce ay nail-link naman ngayon kay Bela Padilla. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Maxene, “Like I’ve said before, Neil and I ended a long, long time ago. Seven months. Almost a year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And when I found out about… actually, si Neil is the one who told me about Bela and then I said, ‘I’m really happy for you.’”

Paano sinabi sa kanya ni Neil ang tungkol sa kanila ni Bela? Tumawag ba ito sa kanya?

“Basta nag-uusap lang kami. In passing, nasabi niya.

“Sabi ko, ‘Oh, thanks for telling me.’ Appreciative ako.

“Basta sa akin, ang daming nagtataka kung galit daw ba ako kay Bela.

“Ang sa akin lang, wala akong… hindi ako puwedeng magalit sa kahit na sino.

“You know, everyone deserves to be happy.

“I deserve to be happy and he deserves to be happy.

“At sabi ko nga kay Neil, bago pa man maging sila, I told him, ‘You know what, if you start dating someone—and for sure kilala ko ‘yan because Manila is too small—it’s okay with me.

“’Because it’s thoroughly unfair if I’ll get mad at you or the person you’ll gonna date because Manila is way too small.’

“So for me, if a relationhip doesn’t work out, it doesn’t mean a relationship is at fault.

“It only means you are not meant for each other and accept the fact that you weren’t meant for each other, and allow the person to find someone that will make him happy.”

Kilala ba niya nang personal si Bela?

“Nagkakilala kami before, noong kami pa ni Neil before.

“Pero hindi kami friends. Hindi kami close. But I never worked with her yet.

“But when we see each other, I say hi; and even Neil, I say hi.”

Dugtong pa niya, “And I wish them the best. Not just for Neil but for everyone naman—all my exes, all my friends… everyone.”

LETTING GO. Hirit namin sa kanya, masaya na rin naman siya sa kanyang lovelife ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Maxene, “You know what, you don’t have to be happy... you don’t have to be in someone or be in a relationship to wish others well.

“It has to come, just from you. Mag-isa ka lang.

“At dapat, kahit mag-isa ka, you wish others well and you shouldn’t wish ill to others or sana hindi sila masaya. Sana ganito-ganyan.

“Hindi puwede. Kasi, who are you to say na hindi dapat maging masaya ang isang tao?

“You don’t hold anyone’s happiness. You hold your own happiness.

“So I’m happy for them. I have nothing but respect for other people.”

Ayon pa kay Maxene kahit naging maayos o hindi man ang paghihiwalay nila ni Neil, kailangan talagang mag-“let go.”

“Yeah, maayos naman ang paghihiwalay namin ni Neil. Walang third party kaya okay naman.”

Kung si Neil ay sinabi sa kanya ang tungkol kay Bela, si Maxene kaya ay sinabi sa ex-boyfriend na may bago na rin siyang pag-ibig?

Natawa ito sabay sabing, “Hindi, kasi I don’t think… well, hindi na kasi kami nag-uusap ni Neil.

“Before lang, nagkakausap, hi, hello. Ngayon, hindi na.

“And I don’t think na if ever na magka-boyfriend ako, I don’t think I have to tell him.

“Siya naman kasi, naikuwento niya lang. Hindi naman niya sinabi na because kailangan niyang sabihin.

“At ako ngayon, kung magka-boyfriend ako, I don’t think I have to explain to anyone that I’m single, blah, blah, because I’m very happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN