Governor ER Ejercito laughs off rumor that he is the father of Angelica Jones’s child

Ito ang pahayag ni Laguna Governor ER Ejercito sa balitang siya raw ang ama ng anak ni Angelica Jones: "Kung sakaling anak ko man ’yon, e, hindi ko tatalikuran ’yon. Ang problema, hindi kami nagsiping kahit minsan ni Angelica Jones."


Pinabulaanan ni Laguna Governor Jeorge "ER" Ejercito ang usap-usapan na siya raw ang tunay na ama ng baby boy na isinilang noong nakaraang buwan ni Laguna Board Member Angelica Jones.

Natatawa si Governor ER nang linawin nito ang balita sa harap ng kanyang asawa na si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito, sa thanksgiving party niya para sa press kagabi, October 2, sa Shakey’s Tomas Morato.

Pahayag ng actor-politician, “Hindi po naniniwala ang misis ko na anak ko yung iniluwal ni Board Member Angelica Jones. Alam niya kung ano ang mga type ko, e.

“Unang-una, hindi siya naniniwala talaga na anak ko yung anak ni Angelica Jones.

“At saka Ejercito ako. Ang mga Ejercito, hindi tumatalikod sa responsibilidad.

“Kung sakaling anak ko man ’yon, e, hindi ko tatalikuran ’yon.

“Ang problema, hindi kami nagsiping kahit minsan ni Angelica Jones.

“Nung nag-file kami ng certificate of candidacy, dala ni Angelica Jones yung anak niya.”



MAYOR MAITA’S REACTION. Sinuportahan ni Mayor Maita ang paliwanag ng kanyang asawa.

Sinabi ng alkalde ng Pagsanjan na nakakatawa ang balitang kumalat dahil wala itong katotohanan.

“Basta nakakatawa… hindi totoo talaga. Kilala ko kung sino yung ama.

“Dala pa ng nanay ni Angelica sa simbahan ang bata at inilapit niya sa akin.”

Sa mga naunang panayam kay Angelica, sinabi nitong ang ama ng kanyang anak ay isang doktor na konsehal sa Batangas.

(CLICK HERE to read related story.)



CYBERCRIME LAW. Maliban sa isyu tungkol sa kanila ni Angelica Jones, nagbigay rin ng opinyon si Governor ER tungkol sa kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Law na ipapatupad simula ngayong araw, October 3.

Nagpahayag ng kasiyahan ang actor-politician sa batas na nilagdaan ni Presidente Noynoy Aquino dahil nagiging abusado na raw ang ibang mga Internet users.

“Natutuwa ako kay PNoy dahil napirmahan niya sa wakas yung Anti-Cybercrime Law.

“Kasi naman, napakarami nang nabibiktima dito sa krimen na ito kaya dapat, e, ma-find agad kung saan ang mga pinanggalingan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mga tao na walang magawa at naninira ng kapwa pagdating sa Internet.

“Ang problema kasi, nasasaktan ang ibang tao sa mga hate emails, mga paninira, kaya dapat malaman kung sino ang mga tao na personal na umaatake sa ibang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN