Lovi Poe on new afternoon soap Yesterday’s Bride: "I want to make it as an acting piece again."

Isang afternoon soap ang bagong proyekto ni Lovi Poe sa GMA-7, ang Yesterday’s Bride, kunsaan makakatambal niyang muli si Rocco Nacino. Sabi niya, “Ibang klaseng character ang ipu-portray ko dito ngayon, e. Hindi na siya katulad ng mga ginawa ko noon, gaya halimbawa ng sa Legacy. Medyo mas mahinhin na ang character ko ngayon, e.”


Hindi pa man nagsisimula ang taping para sa GMA-7 afternoon soap na Yesterday’s Bride, for two weeks ay may umeere nang plug nito na talagang hina-highlight pa ang pagiging award-winning actress ng bidang si Lovi Poe.

“Thankful naman ako na may gano’ng plug na ginawa para sa akin. Para siyang surprise for me.

“And then, no’ng nakita ko nga, sobrang thankful ako na ginawa nila ‘yon for me,” pahayag ni Lovi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kanina, October 7.

Nararamdaman ba niyang isa na siya sa mga mahuhusay na aktres ng kasalukuyang henerasyon?

“Hindi… hindi!” sabay ngiti ni Lovi.

“Ano naman ako, e… I make sure I just do my best in every project.

“And as much as possible, ang goal ko lang naman is makauwi ako ng bahay na happy ako sa ginawa ko.”



A DIFFERENT CHARACTER. Katatapos lang daw ng kanilang story conference para sa Yesterday’s Bride. Umupo rin daw at naki-brainstorm si Lovi sa mga writers nito.

Kuwento ng Kapuso actress, “Nag-usap-usap kami kung ano yung magiging maganda at bago.

“Ibang klaseng character ang ipu-portray ko dito ngayon, e.

“Hindi na siya katulad ng mga ginawa ko noon, gaya halimbawa ng sa Legacy. Medyo mas mahinhin na ang character ko ngayon, e.”

Ibig sabihin, walang anumang daring scenes siyang gagawin sa bagong seryeng tatampukan niya?

“We’ll wait and see. Hindi naman siguro mawawala ‘yon.

“Pero siguro, ibang Lovi naman ang makikita ng viewers dito sa Yesterday’s Bride.

“We all want something different and something new.

“Hindi naman sa gusto ko nang kumawala sa medyo sexy at daring na naging image ko as an actress, it’s just nice to do something different once in a while.

“Wala pa akong details na masasabi about my role dahil kakatapos lang naming mag-story conference. Makikilala n’yo rin yung character ko soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa siya ma-elaborate kasi hindi pa kami nagsisimulang mag-taping.

“But definitely, I want to make it as an acting piece again,” saad ni Lovi.



ROCCO NACINO. Si Rocco Nacino ang kapareha ni Lovi sa Yesterday’s Bride.

Ito ang ikalawang pagtatambal nina Lovi at Rocco pagkatapos ng Love Bug.

Sabi ni Lovi, “Exited ako dahil nga finally magkatrabaho ulit kami after so many years.”

Sabi ni Rocco sa hiwalay na panayam, parang nakakapanibago sa pakiramdam niya ang muling pagsasama nila ni Lovi sa trabaho dahil marami na raw itong achievements at award-winning actress pa.

(CLICK HERE to read related story.)

“Hindi naman!” bulalas ni Lovi.

“It’s the same thing. It’s the same old thing. It’s always the same.

“I’m here as if I’m a beginner. I learn every day.

“Yun naman ang aking ano… we’re all beginners here every day.”

LOVELESS LOVI. Malapit na kaibigan ni Lovi si Heart Evangelista kaya hindi maiwasang maitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya ngayong open na sa publiko ang pagkakamabutihan nina Heart at Senator Chiz Escudero.

“Basta ako, kung saan siya masaya, I’m always here to support her,” sabi niya.

Hindi ba siya nakakaramdam ng bahagyang inggit kay Heart na may boyfriend na ulit ito samantalang siya ay zero pa rin ang lovelife?

“Hindi naman!” tawa ni Lovi. “Hindi naman.

“Ano lang ako… focused muna ako ngayon sa trabaho. ‘Yon lang muna.”

Pero marami ba siyang manliligaw ngayon?

“Hindi naman ako ligawin!” tawa na naman niya.

Does she still go out kapag walang trabaho?

“With friends lang muna. Paminsan-minsan.”

Hindi niya hinahanap ang pagkakaroon ulit ng special someone?

“Hindi naman.”

Bakit?

“Wala. Busy masyado, e.

“Uhm… kapag may dumating, let’s see. It will come naman siguro.”

Pero sa ngayon siguro, ang puwede lang magkaroon ng chance na magpalipad-hangin sa kanya ay ang mga aktor na nakakatrabaho niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know,” sagot ni Lovi.

“Tungkol sa ganyang bagay, bahala na. Basta I want someone low profile.”

Aabot kaya hanggang Pasko na loveless siya?

“I don’t know... bahala na.

“Okey lang naman, e. I’m happy naman kahit wala akong boyfriend.”

DARING & HOT. Patuloy ang magandang takbo ng showbiz career ni Lovi. Sunod-sunod ang projects niya hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula man.

Katatapos lang ipalabas ng Guni-Guni. Kasunod nito ay ang Tiktik: The Aswang Chronicles kung saan magkasama sila ni Dingdong Dantes.

Meron pa siyang isang pelikulang tinatapos ngayon, ang The Bride And The Lover with Paulo Avelino and Jennylyn Mercado.

May daring scenes na naman ba siya rito?

“I don’t mind naman kung pagdating sa pelikula ay laging may daring scenes ako. Okey lang sa akin ‘yon,” sabi ni Lovi.

Ano ang feeling niya kapag sinasabi ng mga kalalakihang fans niya na she’s really hot sa paningin ng mga ito?

“Thankful ako. Parang it’s a… I’m happy na kahit papa’no they say that.

“Kahit minsan, I don’t feel that way,” nangiting sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN