Lian Paz on possible reconciliation with husband Paolo Contis: "Parang more than reconciliation, parang I want to heal my own wounds."

Nagtatanong na ba ang mga anak niya tungkol sa sitwasyon nila ng asawang si Paolo Contis? Sagot ni Lian Paz, “Actually, yung panganay kasi, mas close yun sa kanya. Actually, nagsasalita na talaga, tinatanong ako na, ‘Mama, where’s Papa?’ Alam mo yun, yung mga bagay na parang hindi ako magiging weak, so alam mo yun, na the moment na hinahanap yung tatay, talagang nakakadurog ng puso.”


Tuluyan nang isinara ni Lian Paz ang isyu na nagdadawit kay Jennylyn Mercado sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Lumabas ang interview ni Lian tungkol dito kahapon, October 11. (CLICK HERE to read related story.)

At sa exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lian last Sunday, October 7, sa studio ng Game N’ Go ng TV5, ikinuwento ng dating EB Babes dancer ang mga bagong kaganapan sa buhay niya.

“Ito po, nakangiti na,” bungad niya.



COPING. Hindi raw masasabi ni Lian sa ngayon kung talagang nakapag-move on na siya mula sa hiwalayan nila ng asawang si Paolo Contis.

“Hindi naman masyadong moving on, but I’m coping. One day at a time,” sabi niya.

Nagkausap na ba sila lately ni Paolo?

Tugon ni Lian, “No, minsan pag nagte-text siya, it’s about the kids lang naman so sinasagot ko naman.

“Pero about us, hindi pa talaga kami nag-uusap.”

So far, civil naman daw na maituturing ang kanilang relasyon.

Pero hanggang ngayon, nanghihinayang pa rin si Lian sa naipundar nilang foundation sa kanilang relasyon.

Aniya, “Uhm… regarding foundation naman, okay kami nagsimula.

“Mahirap yung pinagdaanan namin kaya parang nakakapanghinayang itapon.

“Pero again, hindi ko naman maipipilit ang sarili ko sa taong hindi ka na gusto, or whatsoever.

“Pero again, marriage yung pinag-uusapan, so I don’t know what will happen sa mga susunod na araw.

“I’m praying every day.”

RECONCILIATION. Sa ngayon ba ay sumasagi sa isip niya ang possible reconciliation sa pagitan nila ni Paolo?

“Sa ngayon, parang hindi muna.

“Parang more than reconciliation, parang I want to heal my own wounds.

“Kasi talagang masakit, e, sobrang sakit talaga.

“Mahirap kasi mag-isa lang ako ngayon with my kids.

“Talagang nakakapanibago na gigising ka sa umaga, I have to work every day to support my kids.

“Kailangan pagkatapos mo sa trabaho, aalagaan mo pa sila pag uwi mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinasara na ba niya o tinutuldukan ang ganitong scenario?

Atubiling sagot ni Lian, “I mean, ayoko na, kasi yung sakit na nararamdaman ko…

“Pero regarding isinasara ko na yung doors for us, hindi pa naman.

“Hindi mo rin kasi masasabi ‘yan, e, sa mga susunod na araw—at siyempre may mga anak kami.

“So, si Lord lang ang nakakaalam kung ano yung mga puwedeng mangyari in the future.”



THE KIDS. May dalawang anak na babae sina Lian at Paolo—sina Xonia, two years old, at Xalene, one year old.

Kumusta na ang mga bata?

“Actually, yung panganay kasi, mas close yun sa kanya.

“Actually, nagsasalita na talaga, tinatanong ako na, ‘Mama, where’s Papa?’

“Alam mo yun, yung mga bagay na parang hindi ako magiging weak, so alam mo yun, na the moment na hinahanap yung tatay, talagang nakakadurog ng puso.”

Ano ang sinasagot niya sa tanong ng anak?

Maiksi lang daw lagi ang tugon niya: “Working. Papa is at work. Laging ganun.”

Dugtong pa ni Lian, “Bata pa din kasi so wala pang masyadong muwang.

“So I’m afraid lang na baka tumagal, nakakatakot lang mag-isang mag explain.

“So I just hope na tutulong din siya [Paolo].”


Sa ngayon ba ay nagpadala na si Paolo ng sustento o di kaya’y napag-usapan na nila ang mga bagay na ito?

Sabi ni Lian, “No, that I have to talk to him.

“Kasi for now, hindi pa kami masyadong nag-uusap about it.

“So, sana soon, sana makipag-usap siya kasi kumusta naman ako, napakahirap naman on my part na I’m a single parent.

“So, ngayon, I have to work double time.”

ANNULMENT. Dumating na ba sa punto na naisip ni Lian na ipa-annul ang kasal nila ni Paolo?

“One month pa lang naman since nangyari ‘to so hindi ko pa masabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s see…. let’s cross the bridge when we get there.”

Naramdaman niya ba o may nakapagbalita sa kanya na may bago nang nililigawan ang ex-husband?

“Huwag naman,” sambit ni Lian.

“If ever man totoo ‘yan, ang payo ko, isipin na lang niya yung dalawa niyang baby na babae—pareho yun.

“Isipin na lang niya, yung pakiramdam ng isang babae kung gaano kasakit… I mean ng isang ina na may dalawang anak na babae.”

MESSAGE. Ano ang mensahe niya sa mga anak?

“I mean ano... anak mo ‘yan, maiintindihan nila ‘yan lalo na at pag lumaki na sila.

“Tsaka I’ll try my best tsaka I’ll do my best para hindi nila ma-feel na iba yung buhay nila sa ibang tao.

“Kung lumaki man sila sa isang broken family, I’ll try na huwag iparamdam na may kulang sa kanila.

“So, yun lang, huwag silang magrebelde, at makinig lang sila.”

Kay Paolo, ano ang mensahe niya?

“Bye. The subscriber cannot be reached!” pabiro at natatawang sagot ni Lian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN