Matt Evans’s camp says accusations against the young actor are "nothing but lies"

Ngayong araw, October 22, ay kaarawan ng young actor na si Matt Evans. Ngunit tila sa loob siya ng kulungan magdiriwang ng kanyang kaarawan matapos siyang ipaaresto ng mismong live-in partner niyang si Jhonelline Hickins dahil diumano sa pananakit.


Nakaposas at nakatalukbong ang ulo nang idiretso si Matt Evans sa presinto ng Barangay San Miguel, Pasig, matapos siyang dalhin ng mga awtoridad doon noong Sabado ng gabi, October 20.

Inaresto ang ABS-CBN talent dahil sa pananakit diumano nito sa kanyang live-in partner na si Johnelline Hickins.

Ayon sa report ng Pilipinas News Weekend ng TV5 kagabi, October 21, nang pumasok si Matt sa selda ay saka lang ito tinanggalan ng posas.

Nakipag-appear naman daw ang young actor sa mga nakakulong sa naturang presinto, habang umiiyak daw ang ina nito at iba pang kaanak na nakatanaw sa labas ng selda.

Nai-report na dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi na nagkaroon diumano ng pagtatalo sina Matt at Johnelline Hickins sa ikalawang palapag ng bahay nila.

Nadawit din sa away ng mag-live-in partner ang kapatid ni Johnelline na si Juan Alberto Hickins.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa ulat ng Pilipinas News, ang pinag-awayan daw ng dalawa ay ang pag-inom at pakikipagbarkada ni Matt.

Sinabi pa raw ni Matt na madalas silang mag-away ng ka-live-in.

Sa panayam ng News5 kay Virma Grandecala, Women and Desk Officer ng San Miguel, Pasig, sinabi nitong gumulong at nahulog si Jhonelline dahil sa away nila ni Matt.

Salaysay ni Grandacela, “Pababa si Matt, nagpupumilit bumaba para maiwasan nga daw niya yung asawa niya, nahulog yung babae sa hagdanan. Gumulong pababa.”

Ayon pa sa report, gusto na raw ni Matt na hiwalayan si Johnelline pero nagbabanta raw ang huli na magpapakamatay.

TULOY ANG KASO. Kagabi ay bumalik sa presinto si Jhonelline at natiyempuhan siya ng News5.

Sa tanong kung tuloy ang pagsasampa niya ng kaso laban kay Matt, ito lang ang sagot ni Johnelline: “Yes.”

Paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children ang kasong haharapin ni Matt kung saka-sakali.

Sa tanong naman kung may katotohanan bang naglalaslas siya tuwing nagbabanta si Matt na hihiwalayan siya nito, ito lang din ang nasagot ni Jhonelline: “No.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mamaya, October 22, ay gaganapin ang inquest kay Matt kaya sasalubungin niya ang kanyang kaaarawan sa loob ng selda.

Ipagdiriwang sana ni Matt ang kanyang ika-24 na kaarawan ngayong araw.

NOTHING BUT LIES. Sa ulat ng PEP kagabi, pinanindigan ng kampo ni Matt na inosente ang young actor.

Ayon sa statement ng kanyang abugado, papatunayan nilang si Matt ang biktima sa insidente.

Sabi ni Atty. Gerly Rico, "Matt denies having inflicted any injury against his girlfriend or her brother.

"In fact it was Matt who was hit on the leg and who was threatened with a knife.

"We are awaiting the legal process to proceed so that Matt’s name will be cleared from all the accusations which are nothing but lies."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN