Derek Ramsay on his newly revealed non-showbiz girl: “We’re not like, you know, locked down and all that… we’re just ano… taking it slow.”

Malaki ang pasasalamat ni Derek Ramsay kay Kris Aquino. Una, sa pagdalo nito sa premiere ng kanyang pelikula; pangalawa, sa pagpuri nito sa kanya sa Kris TV. Sabi ni Derek, “Somebody with the stature of Kris that would compliment you like that is an amazing feeling.”


Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek Ramsay sa launching ng ini-endorse niyang Century Tuna Handline noong October 23.

Dito ay napag-usapan ang tungkol sa naganap na dalawang premiere nights ng pelikula niyang A Secret Affair, noong Linggo, October 21.


Kasama ni Derek sa pelikula sina Anne Curtis at Andi Eigenmann.

Kahit pang-ilang premiere night na niya iyon ay aminado si Derek na wala siya sa sarili noong araw na iyon.

Kuwento niya, “Nung premiere night, I was kinda lutang… I don’t know what to think.

“But when we went backstage, I was so nervous, it was so overwhelming when I heard and saw the crowd.

“The fear just turned to joy, and then I was able to relax.

“But when the movie started, tense na naman ako.”



THANKS TO KRIS AND VICE. Isa sa mga ipinagpasalamat ni Derek ay ang pagdalo sa premiere ng kanyang mga kaibigang sina Kris Aquino at Vice Ganda, na mga kasama niya noon sa ABS-CBN.

“Yeah, I was so touched when I saw her [Kris] there.

“It was an amazing feeling for Kris to be there, and Vice, Direk Lauren [Dyogi], Direk Ruel [Bayani], Don Cuaresma was there…

“To support and make me feel that even though may mga issue nga na ganoon, they put that aside and we’re friends.

“We developed the friendship through the years... Anne [Curtis] is like a little sister to Kris, so she’s definitely gonna support Anne no matter what.”

Kinabukasan daw, Monday, October 22, sa programa ni Kris sa ABS-CBN na Kris TV ay binanggit nito ang kanyang pangalan at pinuri ang kanyang performance sa pelikula.

Matatandaang sa promo ng A Secret Affair sa ABS-CBN, pati poster nito at trailer ay hindi binabanggit at wala ang pangalan ni Derek.

Sabi ni Derek tungkol kay Kris, “Somebody with the stature of Kris that would compliment you like that is an amazing feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And that evening, I was receiving so many congratulations, compliments…

“It was just so overwhelming and I don’t have a chance to sit down and have conversations with my family and friends.

“Coz you know, I took the time to stay behind and spend some time with the fans who came out there with banners.

“Ako na lang natira sa loob ng cinema.

“I spent some time with them just to thank them for their efforts.”



NO PRESSURE. Matatandaang dalawang magkasunod na pelikula ang ginawa ni Derek na parehong super blockbuster sa box office.

Ito ay ang Praybeyt Benjamin opposite Vice Ganda, at No Other Woman kasama sina Cristine Reyes at Anne Curtis.

Pressured ba siya sa ganitong pagkakataon?

Wika ni Derek, “I don’t do a movie to… thinking na kailangan naming matalo yung last project.

“Yung pressure na yun hindi ko na iniisip na yun.

“I’m there to do a good film, make sure na mabigay ko yung tamang performance…

“At I’ll make sure na I’m a team player, na nakakasundo ko yung mga katrabaho ko—which we did.

“We love shooting the film.

“Sana kumita yung pelikula, pero yung pressure na dapat malampasan yung una, hindi ko na talaga iniisip yun.”



TAKING IT SLOW. Sa panayam ding ito, caught off-guard si Derek nang mabanggit namin ang pangalang "Alexa Amos."

Hindi naman siya nagdamot na magbigay ng detalye pa tungkol sa "mystery girl" na sinasabing espesyal ngayon sa kanyang buhay.

Inamin ni Derek sa article na lumabas dito sa PEP noong Martes na palagay ang kanilang loob sa isa’t isa. (CLICK HERE to read related story.)

“She’s in her twenties, so that’s why we’re really taking it slow.

“We don’t know where this is going.

“We’re not like, you know, locked down and all that… we’re just, ano… taking it slow,” sabi ng 32-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe ba siya para kay Alexa?

“Hi,” nakangiting sabi ni Derek.

Pagkatapos ay nagsuot siya ng shades at halatang parang kinikilig si Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN