Tanya Garcia denies mother-in-law Marissa Lapid is under house arrest

Wala raw balak tumakbo sa pulitika ang aktres na si Tanya Garcia gaya ng asawa niyang si Mark Lapid. Sabi ni Tanya, “Naku, ako pa? I can’t see myself in politics. Baka magkalat lang ako!”


Masaya si Tanya Garcia dahil muli siyang gumagawa ng drama series sa GMA-7.

Gaganap siya bilang si Aurora, ang reyna ng mga diwata’t paru-paro sa telefantasya na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Ang huli niyang ginawang serye, sa Kapuso network din, ay ang Ikaw Lang Ang Mamahalin na natapos noong February 2012.

Sabi ni Tanya, “Matagal din akong napahinga after ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.

“Yung family ko muna ang inasikaso ko. Nagbakasyon kaming buong pamilya.

“Pero naging busy rin ako sa Pampanga, lalo na noong magkakasunod ang mga naging calamities doon. Pinangunahan namin ang relief operations doon.

“Tama lang naman noong i-offer nila ang role sa Mariposa, okey naman na ako.

“Nagpaalam naman ako kay Mark [Lapid, her husband] kung okey bang mag-TV ulit ako. Pumayag naman siya.

“Na-miss ko rin ang lumabas sa TV at natuwa nga ako na si Barbie Forteza ulit ang gaganap na anak ko.

“Maganda kasi ang naging samahan namin when we did Ikaw Lang Ang Mamahalin.

“Nagulat nga ako at dalagang-dalaga na siyang tingnan.

"Noong ginagawa kasi namin yung Ikaw Lang Ang Mamahalin, neneng-nene pa siya.

“Ang bilis lumaki ng mga bata ngayon. Pati nga mga anak ko [Mischa and Matti], ang bilis lumaki.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tanya sa press launch ng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa noong October 24, Miyerkules, sa 17th floor ng GMA Network Center.

LOSING WEIGHT. Dahil sa role ni Tanya bilang Aurora, kailangan daw niyang magpapayat dahil marami siyang eksenang naka-harness.

“Noong ibigay nga sa akin ang role, tama lang na nagda-diet ako and I’m into boxing.

“Kaya malaki na ang ipinayat ko bago pa man dumating ang Mariposa.

“Buti na lang, kasi first taping day ko, naka-harness na ako agad. Marami kasi akong scenes na lilipad ako.

“The last time na nilagyan ako ng harness on TV ay noong ginawa ko ang Mulawin. Ako si Paloma sa series at bagets pa ako no’n kaya magaan pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, thirty-one years old na ang lola mo, kaya medyo bumigat na!” sabay tawa niya.

“But I take care of myself naman. Nasa family kasi namin ang tumataba kaya ingat ako sa mga kinakain ko and I try to be active every day.

“Buti na lang at hands-on ako sa mga anak ko kaya nae-exercise ako sa kakahabol sa kanila.”



ANOTHER BABY. Dalawang babae ang anak nina Tanya at Mark, pero gusto pa rin nilang magkaroon ng baby boy.

Sabi ng aktres, “Pinaplano na rin namin ‘yan. Magbubuntis ulit ako two years from now—sa 2014.

“May nakausap na kaming doctor ni Mark at magagawa naman nang paraan kung gusto mo ng baby boy or baby girl.

“Sa kaso namin, gusto na talaga ni Mark ng boy.

“Kung magiging successful iyon, tama na ang tatlong anak.

“Mahirap nang magbuntis ulit pag nakalampas ka na ng 35 years old.

“Kaya before 35, we will try for another baby, at dasal nga namin na lalaki na ang mabuo.”


MARK WILL NOT RUN. Ayon kay Tanya, hindi tatakbo ang mister niyang si Mark Lapid sa 2013 elections.

Nagpapasalamat naman ang aktres dahil alam niyang magiging malaking stress iyon para sa kanyang mister.

“Akala ko nga may plano siya. Pero hindi siya nag-file ng COC [Certificate of Candidacy].

“Hindi raw muna siya tatakbo next year. Baka sa susunod pa raw."

Ngunit may posisyon pa rin si Mark sa gobyerno, sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA.

“Magku-concentrate daw muna siya sa present job niya as chief operating officer of TIEZA.

“Masyado ring busy si Mark sa work niya ngayon kaya siguro wala na muna siyang political plans.

“That’s good kasi ayoko rin na nagwu-worry ako sa kanya kapag nagsimula na ang kampanya.

“Natatandaan ko pa noon yung hirap niya the last time na tumakbo siya. Lahat kami sobrang stressed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya tama lang na magpahinga muna siya from politics.”

Hindi ba siya ginu-groom ni Mark na balang-araw ay tumakbo sa isang posisyon sa gobyerno?

“Naku, ako pa? I can’t see myself in politics. Baka magkalat lang ako!” natatawang sabi ni Tanya.

“Ngayon kasi, ako ang head ng events committee in Porac.

“Lahat ng mga big event doon, ako ang namamahala sa pag-invite ng mga celebrities at sa pag-aayos ng events.

“Like sa November 24, fiesta ng Porac kaya inaasikaso na namin iyon ngayon pa lang.

“Hanggang doon lang ang kaya ko. Hindi ako yung ipinanganak for politics.

“Paartehin mo na lang ako, pero ang maging politician, hindi ko maiaarte iyon. Totohanan na kasi iyon, e.

“Maaasahan naman ni Mark ang suporta ko if he does run again for a position in government.

“Pero ako, tama na yung wife, mother, and actress ako. Masaya na ako sa gano’n.”



MOTHER-IN-LAW. Kinumusta rin ng PEP kay Tanya ang kanyang mother-in-law na si Marissa Lapid.

Si Marissa ay asawa ni Senator Lito Lapid, na ama ni Mark.

Totoo bang naka-house arrest ang biyenan niya dahil sa kaso nitong dollar smuggling sa U.S.?

(CLICK HERE to read related story.)

May balita kasing hindi ito puwedeng umalis ng bansa at may nakakabit daw na ankle-bracelet alarm ito para hindi makalayo sa kanilang tahanan.

“Wala naman akong nakitang nakakabit kay Mama,” mabilis na sagot ni Tanya.

“Tsaka noong tinanong ko naman si Dad [Senator Lapid], wala pa naman daw kinakaso kay Mama.

“At wala rin siyang travel ban. She can go wherever she wants.

“Magwa-one year na nga yung sinasabi nilang ginawa ni Mama. Pero hanggang ngayon wala pang formal case against her.

“Nakakasama namin si Mama kahit saan. Walang pumipigil sa kanya.

“Kaya hindi rin totoo na she’s under house arrest.”


SENATOR LAPID’S HEALTH. Tungkol naman sa kalusugan ni Senator Lito Lapid, ayon kay Tanya, malakas na malakas ngayon ang kanyang father-in-law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman si Dad.

“Actually nagte-taping din siya. He’s doing a series for ABS-CBN 2.

“Sabi nga niya, ilang beses na niyang tinanggihan yung offer na iyon kasi ayaw nga raw niyang mapagod sa taping.

“Pero sinabi naman daw sa kanya na kung kelan lang siya available, dun lang siya mag-taping.

“E, first time ni Dad na lumabas sa isang TV series kaya pinagbigyan din niya ang Dos.

“Okey ang health ni Dad,” diin ni Tanya.

“Yung dating masakit sa likod niya, nawala na raw.

“He’s having regular therapy kasi kaya naging malaking tulong iyon.

“Everybody naman in the family is doing good, and healthy.

“Lagi ko naman ipinagdarasal na walang magkasakit sa aming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN