Artista Academy finalist Akihiro Blanco considers Vin Abrenica his toughest competitor: "Hindi naman po ako magpapatalo sa kanya basta-basta. "

Isa si Akihiro Blanco sa tatlong male finalists ng artista search ng TV5 na Artista Academy. Kung sakaling manalo, ano ang gagawin niya sa sampung milyong piso na premyo? Sagot ni Akihiro, “Bibigyan ko po ng parte ang mommy ko tapos ise-save ko po yung ibang napanalunan ko para po sa future ko at ng family ko. At saka para makauwi na rin dito sa Pilipinas ang ate ko na nagtatrabaho sa Singapore. Gusto ko rin pong tulungan yung mga tao doon sa lugar namin s


Todo na ang paghahandang ginagawa ng Artista Academy finalist na si Akihiro Blanco para ipaglaban at tuluyang angkinin ang titulong Best Actor sa Grand Awards Night ng naturang reality artista search ng TV5 na magaganap bukas, Oktubre 27, sa Smart Araneta Coliseum.

“Ang gagawin ko pong paghahanda talaga yung natutunan po namin sa Academy, yun po ang ia-apply ko sa grand finals.

“Kung tatanghalin po akong Best Actor, sobrang magiging proud po ako sa sarili ko at saka para po ito sa family ko,” sabi ni Akihiro.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Akihiro sa presscon ng Artista Academy Final 6 noong Oktubre 21 sa Napa Restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City.

Makakalaban ni Akihiro para sa Best Actor sina Vin Abrenica at Mark Neumann. Magtutunggali naman para sa Best Actress sina Sophie Albert, Chanel Morales, at Shaira Mae.

Ayon kay Akihiro, si Vin ang itinuturing niyang pinakamahigpit na kalaban. Sa tingin niya, ano ang lamang ni Vin sa kanya?

“Sa tingin ko po ang lamang sa akin ni Vin, yung mga performance.

“Hindi naman po ako magpapatalo sa kanya basta-basta.

"Pero magkaibigan po kami ni Vin.

“Kumbaga, close po kami pero alam po namin na kumpetisyon pa rin po ito.

“Sabi nga po ng critics, ng judges, kumpetisyon ito.

“Oo, magkakaibigan po kami, pero pagdating po doon sa show at saka pagdating sa trabaho, magkakalaban po kami.”

Ano ang gagawin niya sa P10 milyong premyong makukuha niya sakaling siya ang tanghaling Best Actor?

“Bibigyan ko po ng parte ang mommy ko tapos ise-save ko po yung ibang napanalunan ko para po sa future ko at ng family ko.

“At saka para makauwi na rin dito sa Pilipinas ang ate ko na nagtatrabaho sa Singapore.

“Gusto ko rin pong tulungan yung mga tao doon sa lugar namin sa Pasig kasi sobrang laki po ng tulong na ginawa nila para sa akin—yung mga pagboto at saka mga pagsuporta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


UNCLE JAMES’ SUPPORT. Isa pa sa big supporter ng 17-year-old aspring artista ay ang kanyang tiyuhing aktor na si James Blanco. Kasama nga raw ito sa mga inimbitahan niya sa grand finals.

“In-invite ko po siya para mapanood niya po ako sa grand finals. Sana po makarating siya kasi malaking inspirasyon po siya sa akin.

“Bata pa lang po ako napapanood ko na siya. Nakita ko siya hanggang sa nagkapangalan siya at sumikat siya.

“Siyempre proud po ako kasi tito ko siya, e.

“At saka proud din siya sa akin.

"Kasi si Tito James, nagbabakasyon ako sa kanila sa Parañaque, e, kasama yung asawa niya, yung family niya.

“So, talagang mabait si Tito James sa akin at saka lagi ko siyang kalaro sa basketball.”

Nayon nga raw na papasukin na rin niya ang mundo ng showbiz ay binibigyan na siya ng advice ng Tito James niya.

“Basta ang payo lang sa akin ni Tito James na talagang mag-concentrate ako sa work ko. Maging humble lang ako lagi at maging mabait.

“Sinabi niya po na galingan ko po sa kumpetisyon na ito kasi yung kumpetisyong talaga ito, sobrang tindi na, lalo na grand finals na sa Saturday.

“Ang payo niya sa akin lagi lang akong magdadasal daw at saka lagi rin akong didikit sa pamilya ko kasi nga sila yung laging susuporta sa akin.”



FACING INTRIGUES. Kasama raw sa advice na natatanggap ni Akihiro galing sa kanyang Tito James ay kung paano ang pagharap sa mga intriga sa showbiz.

“Ang sabi po sa akin ni Tito James, hindi ako dapat magpaapekto sa intriga lalo na alam ko naman kung ano yung totoo.”

Ngayon pa nga lang daw na hindi pa siya artista ay iniintriga na siya. Gaya na lang ng pagiging paborito umano siya ni Direk Mac Alejandre, isa sa mga hurado ng Artista Academy at head pa ng TV5 Talent Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nailathala na rito sa PEP ang sagot ni Direk Mac tungkol dito. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya naitanonong ng PEP kay Akihiro kung ano ang reaksyon niya sa intrigang ito?

“Ang totoo po talaga, ang mga judges po talaga, parang isa lang po ang pagtingin sa amin.

“Yung sinasabi po na paborito ako ni Direk Mac, hindi po totoo yun. Lahat po kami pantay-pantay ang tingin niya.

“Minsan po talaga nagkakasama kami ni Direk Mac at kami ng Top 14. Isa lang po talaga ang turing niya sa amin.

“Parang tatay po namin si Direk Mac.”

Aware din daw siya na may mga naninira sa kanya. Pero hindi na lang niya pinapansin ito.

“Okay lang po yun,” sambit niya.

“Pag may nakikita nga po ako kunwari sa Facebook at Twitter na may bad comments, hindi ko na lang po pinapansin.

“Yung mga tao po kasi, may sari-sariling opinyon iyan, e.

“Pag may magagandang sinasabi sa akin gaya ng ‘Ang galing mo, Aki!’ siyempre yun naa-appreciate ko po talaga.

“At saka yung mga ‘I love you, Aki!’ Yung mga bad comments po tinatanggap ko na lang po at hindi ko na lang po pinapansin.”



CHANEL MORALES. Sa Final 3 ng Artista Academy girls, kay Chanel Morales ipinareha si Akihiro.

Paano niya ilalarawan ang ka-loveteam niya?

“Si Chanel po yung tipong maganda, magaling kumanta, magaling sa lahat.

“So, talagang sino ba naman po yung ayaw maging ka-loveteam si Chanel?”

Pero hindi raw talaga si Chanel ang original niyang ka-loveteam.

“Ang loveteam ko po noong umpisa si Nicole [Estrada].

“Tapos noong nagkaroon po ng kilig loveteams sa Live Exam, si Chanel po yung pinartner sa akin.

“Doon po nila nakita yung chemistry namin. Doon po kami nag-click.

“Kasi si Chanel po, noong umpisa, hindi po kami close.

“Nag-usap lang kami sa Academy noong bagong pasok kami. ‘Hi Chanel, hi Aki!’ Ganun lang kami lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung pinartner na po kami, lagi na po kaming nagkukuwentuhan, lagi na kaming magkasama para ma-build up din namin yung loveteam namin.”

May gusto na ba siya kay Chanel?

Sagot ni Akihiro, “Ngayon po, wala po. Para ko po siyang kapatid na mas bata sa akin.

“At saka pareho pa rin po kaming bata, 16 siya, ako 17.

“Pero kung halimbawa po ma-develop po ako kay Chanel… kasi puwede naman pong mangyari yun lalo na pag nagkabungguan kami ng mata,” biro ni Akihiro.

Para sa kanya ba girlfriend-material si Chanel?

“Opo, girlfriend-material si Chanel. Unang-una sa lahat, sweet si Chanel.

“At saka halimbawa pag may kailangan ako lagi siyang nandiyan sa likod ko.

“Pag kailangan ko ng tulong, nandiyan siya lagi.

“Si Chanel yung tipo ng babae na pag nagka-boyfriend, siguro yung boyfriend niya hindi na siya pakakawalan, sobrang sweet niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN