Senator Tito Sotto remains firm not to issue a public apology: “Ha? For what?"

Naninindigan si Senator Tito Sotto sa kanyang paniniwala na wala siyang dapat ihingi ng paumanhin sa gitna ng kahilingan ng anak ni yumaong U.S. Senator Robert F. Kennedy na mag-apologize ang Filipino senator kaugnay ng akusasyong plagiarism laban dito.


Iginiit ni Senator Vicente “Tito” Sotto III na wala siyang nakikitang dahilan para siya ay mag-apologize o humingi ng tawad kaugnay ng paratang na plagiarism sa kanya.

Ito ang ibinalita ng GMA-7 primetime news program na 24 Oras kagabi, Nobyembre 12.

“Ha? For what? Hangga’t walang official [copy of complaint], don’t say a word.

“Because ano ang re-react-an mo?

“E, baka imbento lang iyan ng mga aficionado doon, ng mga professional manipulator sa Internet.

Ito ang reaksiyon ni Senator Sotto nang mainterbyu siya ng media sa Senado at matanong kung hindi ba siya hihingi ng paumanhin sa anak ni yumaong U.S. Senator Robert F. Kennedy na si Kerry Kennedy.

Si Kerry ay presidente ng Robert F. Kennedy Center for Justice and Human Rights.

Sa pamamagitan ng statement—na may petsang November 9 at may letterhead ng Robert F. Kennedy Center for Justice and Human Rights— ay direktang inakusahan ni Kerry si Senator Sotto ng plagiarism.

Ito ay dahil sa pagsasalin sa Tagalog ni Senator Sotto ng ilang bahagi ng Day of Affirmation speech ni Senator Kennedy.

Humihingi rin ng public apology si Kerry mula sa senador.

(CLICK HERE to read related story.)

REHASH. Nahingan din ng reaksiyon si Senator Sotto sa isyung rehash daw ang speech niya tungkol sa Reproductive Health (RH) Bill.

Buwelta niya, “Rehash? Ano ba, pinag-usapan na natin nung September iyan. Kayo naman, o. You’re being manipulated.”

Tinanong din siya kung sino sa tingin niya ang nagmamaniobra para sirain ang kanyang pangalan.

“When we have the complete evidence, we’ll let you know,” tugon niya.



MORE COMPLAINTS. Ang sulat ni Kerry ay idinidikit sa reklamong ihahain ng mga kritiko ni Senator Sotto sa Senate Ethics Committee ngayong araw, Nobyembre 13, sa pamumuno ng ilang propesor mula sa University of the Philippines, Ateneo de Manila University, at De La Salle University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dr. Sylvia Estrada Claudio, ang director ng UP Center for Women’s Studies, “Isipin natin na senador ito. Dapat siya ay maging huwaran hindi lang ng kabataan kung hindi ng buong taumbayan.

“Kaya ang amin rin, kung ang isang taong ganitong kataas ay makakalusot sa isang bagay na hindi namin papayagang makalusot sa ordinaryong mamamayan, madadagdagan pa ang problema natin dahil pang-aabuso na ng kapangyarihan ito.”

Aminado ang grupo na maka-RH Bill sila pero hindi raw pro o anti-RH ang isyu rito.

Ididikit din sa reklamo ang pahayag ng tatlong U.S. bloggers na pinagkopyahan daw ni Sotto ng materyal para sa bahagi ng kanyang talumpati laban sa RH Bill.

(CLICK HERE to read related story.)



ENRILE SUPPORTS SOTTO. Nakakuha naman ng kakampi si Senator Sotto nang suportahan siya ni Senate President Juan Ponce Enrile.

“Tinagalog ko raw yung speech ni Kennedy?” natatawang sabi ni Sotto kay Enrile habang kaharap ang media.

Tugon naman ni Enrile, “Mas mabuti nga Tinagalog mo si Kennedy, Tatagalugin ko rin si Socrates.”

Sabi pa ni Enrile, hindi raw puwedeng papanagutin ang isang mambabatas para sa sinabi nito sa isang talumpati o debate sa loob ng Kongreso—at ito ay nakasaad sa mismong Saligang Batas.

Ito ang nakasaad sa Article VI, Section 11 ng 1987 Constitution: “…No Member shall be questioned nor be held liable in any other place for any speech or debate in the Congress or in any committee thereof.”

Dagdag pa ni Enrile, “It’s not a question of arrogance or power. That’s the immunity granted by the people. If you really respect the Constitution then enforce that rule.”

FAIR HEARING. Siniguro naman ni Senate Ethics Committee Chairman Allan Peter Cayetano na magiging patas ang kanyang komite sa pagdinig sa ihahaing reklamo laban kay Sotto.

Ani Senator Cayetano, “I can assure everyone of a fair hearing and dealing with all of these issues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On one hand, the Senate has to show that wala tayong kinikilingan at we’re not above the law.

“On the other hand, we’re a collegial body, e, so we have to balance the Ethics Committee with the schedule of all other hearings.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN