Senator Tito Sotto finally apologizes to Senator Robert Kennedy’s family; says “Copying, imitation, is the highest form of flattery.”

Senator Vicente “Tito” Sotto III on late U.S. Senator Robert F. Kennedy’s family calling him a plagiarist: “Copying, imitation, is the highest form of flattery. If it upsets the Kennedy family, then I am sorry, but then that’s not my intention.”


Humingi na ng tawad si Senator Vicente “Tito” Sotto III sa pamilya ni yumaong U.S. Senator Robert F. Kennedy.

Ayon sa report ng interaksyon.com ngayong hapon, Nobyembre 13, humingi ng tawad ang senador sa pamamagitan ng speech niya sa senado.

Pahayag ni Senator Sotto, “Copying, imitation, is the highest form of flattery.

“If it upsets the Kennedy family, then I am sorry, but then that’s not my intention.”

Matatandaan na noong Nobyembre 9 ay naglabas ng official statement ang anak ni yumaong U.S. Senator Kennedy na si Kerry Kennedy.

Dito’y direktang pinaratangan ni Kerry ang senador na nag-plagiarize ng bahagi ng “Day of Affirmation Speech” ng kanyang ama.

“Senator Vicente C. Sotto III, Majority Leader of the Philippine Senate, flagrantly and deceptively plagiarized Robert Kennedy’s Day of Affirmation Speech in his remarks to the Philippines on September 5, 2012.

“Neither Senator Sotto nor anyone associated with him contacted us for permission, and he failed to cite the remarks of those of Robert Kennedy, presenting them instead as his own words.”

(CLICK HERE for related article.)

Kahapon, November 12, sa panayam ng media kay Senator Sotto ay matigas ang paninindigan nitong huwag magbigay ng public apology sa pamilya ni Senator Kennedy.

Rason niya, “Ha? For what? Hangga’t walang official [copy of complaint], don’t say a word.

“Because ano ang re-react-an mo?

“E, baka imbento lang iyan ng mga aficionado doon, ng mga professional manipulator sa Internet."

(CLICK HERE to read related story.)

Ngunit makalipas ang isang araw ay biglang nagbago ang isip ng senador at humingi na ng paumanhin.

OTHER COMPLAINTS. Bago man ang reklamo ni Kerry Kennedy, may plagiarism complaints na ring kinakaharap si Sotto.

Inihain ito ng tatlong U.S.-based bloggers na sina Peter C. Engelman, Janice Formichella, at Sarah Couture Pope.

Ito ay kaugnay ng pagkopya diumano ng senador ng ilang bahagi ng kanilang blogs, at ginamit ito sa kanyang speech na walang nabanggit na attribution.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article.)

Ang mga isyung ito’y nag-ugat sa kanyang mga privilege speeches sa senado, kung saan tinututulan niya ang pagsasabatas ng RH Bill.

Ngayong araw naman ay naghain ng ethics complaint laban kay Senator Sotto ang 37 na katao, karamihan ay mga guro at bloggers, dahil sa plagiarized speeches nito kaugnay ng Reproductive Health Bill.

Ayon sa 22-page complaint, na inihain sa Senate Ethics and Privileges Committee na pinamumunuan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, nilabag diumano ni Senator Sotto ang Intellectual Property Code of Philippines o RA 8293 at ang mismong ethics rules ng Senado.

NOT BACKING DOWN. Bagamat kabi-kabila ang kinakaharap na kontrobersiya ng senador ngayon, hindi raw magbabago ang kanyang paninindigan tungkol sa RH Bill.

Sabi ni Senator Sotto, “You can accuse me of anything under the sun, but I will not change my position on the RH Bill.

“I will be against the distribution of... immorality.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN