Erich Gonzales neither confirms nor denies engagement

“I’m so happy and inspired,” said Erich Gonzales after Kris Aquino complemented her for being beautiful right now.


Engaged na ang 22-year-old Kapamilya actress na si Erich Gonzales, ayon kay Kris Aquino.

Isiniwalat ito ng TV host-actress kaninang umaga, November 22, sa morning talk show niyang Kris TV.

Habang ipinapakita ng Suddenly It’s Magic actress kung paano gumawa ng cupcake, nagkomento ang co-host ni Kris na si Melai Cantiveros ng: “Puwede nang mag-asawa si Erich.”

Agad namang sabi ni Kris, “E, may engagement ring na nga.”

Kapansin-pansin kasi ang singsing na suot ni Erich sa kanyang kaliwang kamay.

Ang singsing na ito ay suot din ni Erich noon sa press conference para sa pelikula niyang Suddenly It’s Magic (nasa larawan).

Kinantiyawan naman si Erich ng iba pang guests sa show na sina Bianca Manalo at Cristalle Henares.

Gayunman, hindi kinumpirma o itinanggi ni Erich ang sinabi ni Kris. Sa halip, ngumiti lamang siya.

Sinabi rin ni Erich sa umpisa ng programa, “I’m so happy and inspired.”

Matatandaan na inamin noon ni Erich na nakikipag-date siya sa isang non-showbiz guy. (CLICK HERE to read related article.)

Sinabi rin noon ni Erich sa press conference ng pelikula niyang Corazon na hindi siya interesadong makipagrelasyon sa isang showbiz personality.

Aniya, “Ayaw ko po talaga mag-entertain or mag-boyfriend or mag-settle down sa showbiz [personality] po.”

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN