Erich Gonzales clarifies: “I am NOT engaged.”

Speculation that Erich Gonzales is already engaged began after Kris TV host Kris Aquino commented on the ring the young actress was wearing on her guest appearance on the show yesterday. Through text messaging, Erich clarifies (published as texted): “If you’ll watch the video again i said ‘Hindi ah’ and na cut po yung sinabi ko na marami pa akong gustong gawin. Hehe."


Nilinaw ni Erich Gonzales ang naging pahayag ni Kris Aquino sa Kris TV kahapon, November 22.

Matatandaan na sa guest appearance ni Erich sa programa kahapon, nasabi ng co-host ni Kris na si Melai Cantiveros, “Puwede nang mag-asawa si Erich.”

Sumagot naman ang TV host-actress na, “E, may engagement ring na nga.”

(CLICK HERE to read related article.)

Hindi naging malinaw ang buong reaksiyon ni Erich sa sinabi ni Kris sa mismong programa.

Pero nilinaw niya, sa pamamagitan ng text messaging service na ERICH KTEXT, na hindi pa siya engaged at wala pa ito sa kanyang mga plano.

Sabi ng 22-year-old actress (published as texted): "Thank you for watching kristv this morning! :)

“by the way to clear things out, I am NOT engaged.

“If you’ll watch the video again i said ‘Hindi ah’ and na cut po yung sinabi ko na marami pa akong gustong gawin. Hehe

“so once again yung balita na engaged na po ako, NOT TRUE. Thank you. Have a nice day everyone! :)”

Sa ngayon, "happy and inspired" naman daw si Erich sa kanyang relasyon sa isang non-showbiz guy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN