Kris Aquino reacts to accusation she is using ex-husband James Yap for publicity of her new movie

Ito ang paliwanag ni Kris Aquino sa naging pahayag niya sa estado ng relasyon nila ngayon ng kanyang ex-husband na si James Yap: “All I said was that no bitterness doesn’t necessarily mean a desire for closeness. I have my reasons, I felt nabastos ako in my own home last week. I’m not making a big issue but i was offended deeply & sorry di ko kaya to be plastic & pretend we r friends."


Marami ang nag-react sa pag-amin ni Kris Aquino na hindi maayos ang relasyon nila ngayon ng kanyang ex-husband na si James Yap.

Sa presscon ng pelikulang Sisterekas noong Sabado, December 8, ay tinanong si Kris kung ano ang reaksiyon niya sa naging pahayag ni James na “good friends” na sila ni Kris.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero mabilis itong itinanggi ni Kris sa pagsasabing, “No, that’s not true.”

Dagdag pa ng TV host-actress, “Ayokong magpaka-plastic sa inyo.

“Di ba, it’s easy to tell na, ‘Yes, we’re friends, we’re good.’ But, we’re not.

“I think we’re better off having a distance from each other. Kasi nami-misinterpret namin ang isa’t isa.

“I hold no bitterness in my heart, but I have no desire for any closeness.”

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa sinabing ito ni Kris ay may ilang nag-react nang negatibo.

May nagparatang pa nga na ginagamit lang daw ni Kris ang kanyang ex-husband para sa publicity ng Sisterakas.

STRAIGHT FROM HER HOSPITAL BED. Ilang araw pagkatapos ng presscon at shooting ng Sisterakas ay na-confine sa hospital si Kris dahil sa dinapuan siya ng matinding allergy.

At habang nasa hospital ay nabasa ni Kris sa kanyang Twitter account (@krisaquino214) ang hindi magagandang tweets ng ilan niyang followers kaugnay ng naging pahayag niya tungkol sa relasyon nila ni James.

Matagal-tagal na rin nagpaka-behave at nagpaka-nice si Kris sa tweets niya at hindi na ito pumapatol sa mga bashers, pero sa pagkakataong ito ay humingi siya ng paumanhin dahil may papatulan lamang daw siya.

Narito ang sunud-sunod na posts ni Kris sa Twitter kaninang umaga, December 10.

“Pasensya na, I’m still in the hospital so may papatulan ako. I read in my timeline I’m being accused of using my ex husband for publicity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All I said was that no bitterness doesn’t necessarily mean a desire for closeness. I have my reasons, I felt nabastos ako in my own home last week. I’m not making a big issue but i was offended deeply & sorry di ko kaya to be plastic & pretend we r friends.

“Sorry ha, on steroids & heavy doses of antihistamines so my patience is short. I’ve matured considerably because I didn’t mention what we Fought about. Wag na lang sana ako i-provoke because I’m trying to remain patient & quiet.”

Sinagot din ni Kris ang ilang mga komento ng kanyang followers.

@melaimillan: nakasama kasi parang pinahiya mo siya.😔

Kris: “u weren’t present during the fight so maybe best to not judge me?”

@officialbashang: for the sake of your child, be friend with ’em..

Kris: "di naman ako makikipagaway if it wasn’t about Bimb. Di nyo ba napansin I only react when the issue is about PNoy or my sons?"

@officialbashang: @krisaquino214 for the sake of your child, be friend with ’em.. erase the ugly and negaVibes :)) Get well soon :

Kris: “Fought about. Wag na lang sana ako i-provoke because I’m trying to remain patient & quiet.

“My mistake Saturday night was that I didn’t say no comment. Haaayyy, next time.”

@conceited_22: u know in showbiz when someone has movie and there will be a sudden conflict people will think it’s pure PR.

Kris: “the truth is my patience is short because so tired & immunity was down. I was impulsive when I should’ve said no comment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN